Chapter 18: The Magic Word

5.8K 197 71
                                    

Lila



Weeks passed quickly at ngayon heto, naghahanda na naman ako para sa panibagong photo shoot ni Sarah na gaganapin sa isang beach resort sa La Union.

Nang matapos na ako sa pag-ayos ng lahat ng gamit na kakailanganin niya at para sa aking sarili, eh naligo na ako. Iyong mabilisan lamang dahil maya-maya lang ay darating na ang sasakyan na magsusundo sa amin.

Hindi parin kami nagpapansinan hanggang ngayon, napaka awkward palagi ng paligid kapag nandito kami sa loob ng kanyang bahay. May mga time na kakausapin niya ako pero iyon ay dahil sa trabaho ko. Iniiwasan din nito na magtama ang mga mata namin o ang lapitan ako.

Ilang beses ko na rin na sinubukang humingi ng tawad sa kanya, doon sa mga nasabi ko noong gabi ng concert, pero wala siyang kibo na tatalikuran lang ako palagi. Dalawang linggo na ang nakakalipas na ganito kami.

Sinusubukan ko na mas tapangan pa ang aking loob. Kailangan ko ng mas mahabang pasensya, dahil sa aming dalawa ako ang dapat umaakto ng tama at professional. So as long as kaya kong deadmahin ang mga bagay at nangyayari sa pagitan namin, gagawin ko para lang makapag focus sa aking trabaho. Pero inaamin ko na nahihirapan ako, walang araw na hindi ako nahihirapan. Hindi iyon madali lalo na kung ganitong may nararamdaman ka para sa kanya.

Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ng sarili ay bumaba na rin ako. Naabutan ko si Sarah na prenting naka upo sa sala habang kinakalikot ang kanyang cellphone.

Isang malalim na paghinga sa ere ang aking pinakawalan, bago tuluyang lumapit sa kanya.

"Ahem!" Pagtikhim ko.

"Ready?" Tanong niya sa akin ngunit sa kanyang cellphone parin naka pako ang kanyang mga mata. Dahil sa hindi ko na kayang tiisin pa ang pang dedeadma niya sa akin kaya mabilis na hinablot ko mula sa kanyang kamay ang cellphone.

See? She has no choice now but to look at my face.

"What are you doing? Give me back my phone. Now." Malamig na utos niya sa akin. Ngunit hindi niya ako madadala sa ganon. Matigas na napailing ako sa kanya.

"I'll keep it." Sagot ko sa kanya. "And I won't give it back to you unless you talk to me." Dagdag ko pa. Napanganga siya in disbelief.

"Seriously?! Are you fcking kidding me?!" Tumataas na ang boses niya. Pero hindi parin ako magpapatalo. Napahinga siya ng malalim.

"Fine. Then maybe I'll buy a new cellphone." Talagang sinusubukan niya ang pasensya ko.

"You know what? Fine. Do whatever you want." Tuluyan ng naubusan ng pasensya na sabi ko sa kanya. Hindi nagtagal, pasado eleven thirty ng umaga, ay may narinig na kaming pagbusina ng sasakyan sa labas ng gate. Marahil iyon na ang sundo namin.


------


Habang nasa biyahe, hindi ko mapigilan ang hindi mapasulyap sa aking katabi na si Sarah. Habang masayang nakikipag kwentuhan sa manager ng isang modelo na kanyang magiging kasamahan sa shoot.

Sommer, iyon ang pangalan ng isang modelo. May minsan ko na itong nakita, pero hindi ko matandaan kung kailan at kung saan. At hindi ko rin alam kong related ba siya kay Adriana na kaibigan namin nina Breeze o talagang magka-apelyedo lang sila.

Nauna na raw ito doon sa beach resort kung saan gaganapin ang kanilang shoot. Mas pinili ng manager nito ang makisabay nalang sa amin dahil sa kahapon pa raw nandoon si Sommer. At huhulaan ko, marahil isa siya sa ang may-ari ng resort. Tama?

HBS 3: My Best Friend's Best Friend (GxG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon