Kabanata 2

62 12 3
                                    

02

Brendon

"Good morning Brendon." Bati sa akin ng isa sa mga nagtratrabaho dito sa hospital na pinagtra-trabahuhan ko. Maganda nga ba talaga ang araw ko? Depende sa magiging kaganapan sa maghapon.

"Good morning too." Bati ko naman sakanya.

Nagtungo muna ako kung nasaan ang time card namin at nag-clock in.

"Buti nalang pala at dumating kana." Sabi niyang muli sa akin.

"Bakit?" Takang pagtatanong ko.

"May babae kasi na kanina pa sa lobby. Nag-hihintay ng medical clearance." Pagpapaliwanag nya.

"Anong kinalaman ko doon?" Tanong ko sakanya.

"Ikaw ang medical technologist, malamang ikaw ang magti-test sa urine at feces sample nya." Sarcastic niyang sinabi. Nagtanong ako kung wala na bang naka-duty after ko at sumagot ito na maaga daw umalis iyong kapalitan ko.

"Nasaan ba ang mga samples?" Tanong ko dito.

"Nasa laboratory na." Sagot nito.

"Ganun ba? Salamat pre. Pupunta na ako nang lab." Nag-suot na ako mask, gloves and my laboratory gown.

Panibagong tae at panibagong ihi na naman ang susuriin ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako or naiinis sa trabaho kong ito. It's just that sana yung may iba naman. Tho tinanggap ko na magiging ganito na routinary ang buhay ng isang medtech unless I go do med school.

Nang makapasok na ako sa loob ng laboratory ay napansin ko kaagad ang mga cups na nasa table at index card kung nasaan ang record ng pasyente.

I heard three knocks sa door.

Lumingon ako sa pinto na agad din namang bumukas. It was Clyde.

Clyde is my superior dito sa hospital. Mas matagal na itong nagtratrabo dito kaysa sa akin.

"Tapos mo na bang i-test ang mga sample?" Tanong nito sa akin.

"Iti-test ko palang, bakit?" Sagot at tanong ko na rin.

"Nagagalit na kasi yung babae sa labas. May lakad pa daw sila at kaylangan na nya yung medical clearance nya." Pagpapaliwanag nya.

"Ganun ba Kuya. Sige-sige aasikasuhin ko na po." Sagot ko sakanya.

Kinuha ko kaagad ang mga nasa cups at isinalang ang mga ito sa process bago ito ilagay sa microscope.

Sinara ni Clyde ang pinto at tuluyan nang umalis. Habang inaantay matapos sa centrifuges ang mga samples ay biglang tumunog ang aking cellphone.

It was Dwayne who's calling.

I took my phone and I answered it so fast.

"I found the girl." Dwayne exclaimed.

May ginawang kalokohan kasi itong si Dwayne sa isang babae and right now nakilala na nya kung sino yung babae.

"What!" I exclaimed "How come?" Tanong ko rin sakanya.

"Isa sya sa mga applicant dito sa resort." He answered

Till Saturn Meets The EarthWhere stories live. Discover now