Kabanata 5

49 11 0
                                    

UNEXPECTED

"Maaga attang natapos ang duty mo Brendon?" Salubong sa akin ni Papa pag pasok ko ng bahay.

Nasa sala ito at nanonood ng news. Talaga bang manirism na ito ng mga tatay? Yung maaga magigising, magtitimpla ng kape, then haharap sa T.V. para manood ng news.

Soon maiintindihan ko rin pag magiging tatay na ako, pero wag muna ngayon. Dahil may pangarap pa ako.

"Maaga po kasing dumating si Kuya Clyde yung kapalitan ko kaya maaga rin po akong naka-alis sa hospital." Pagpapaliwanag ko.

Everyone's day is typical night for me. Tinanggal ko ang sapatos ko at inilagay sa mga hilira ng iba pang sapatos.

Umupo ako sa kabilang dulo ng sofa kung saan naka-upo si Papa.

"Gusto mo nang kape?" Alok niya sa akin.

Nilingon ko ito na may pagtataka. Is my dad sick? At the back of my mind.

"Opo..." maikli kong sagot.

Tumayo ito at nagpunta ng kusina.

Ipagtitimpla ba niya ako ng kape? That's new and very rare sight sa tatay ko.

Hindi man lahat pero mostly sa mga anak na lalaki ay ilag or may daddy issues. They're really having trouble with their dads than the girls.

Inihilig ko ang ulo ko sa headrest ng sofa at pumikit pansamantala. Hinilot ko ang aking sentido dahil sumasakit ang aking ulo.

"Matapang ba or hindi?" Sigaw ni Papa mula sa kusina.

"Matapang po..." sagot ko.

"May creamer o wala?" Tanong nito ulit.

"May creamer po..." I answered.

"Matamis o hindi?"

Hindi ko alam kung maiinis ako or matutuwa kay Papa.

"Sapat lang Pa..." sigaw ko sakanya.

"Paanong sapat?" Napa-facepalm nalang ako.

Magtitimpla lang ng kape ang dami pang tanong.

"HAHAHA...Niloloko mo naman na atta ako Pa?" I said.

"Hindi naman." This time mas malapit na ang boses niya.

Siguro ay papalapit na ito sa sala. Maya-maya ay naramdaman kong may umupo sa dulo ng sofa.

May tumapik sa balikat ko at nag-mulat ako ng mata "Ito na kape mo." Si Papa habang hawak niya ang isang tasa ng kape.

Umayos ako ng upo at kinuha sakanya ng dahan-dahan ang kape.

"Anong oras ang duty mo ulit mamaya?" Tanong nito sa akin.

"9:00 PM po Papa." I take a small sip dahil medyo maiinit ito.

"After niyan matulog kana para makapagpahinga ka ng maayos."

"Para saan po?" Tanong ko sakanya.

"Mamayang alas tres may pupuntahan tayo." He said politely.

Hinigop nya ang natitirang kape sa kanyang baso. Tumayo ito at nagpunta sa kusina, narinig ko ang pag-bukas ng faucet at ang tunog na hinuhugasan nito ang kanyang baso.

Maya-maya ay narinig ako ang yabag ng kanyang mga paa papunta sa sala.

Nilingon ko sya...

"Aalis na ako papunta nang trabaho." Paalam nito at tuluyan nang umalis.

Till Saturn Meets The EarthWhere stories live. Discover now