Kabanata 3

56 12 2
                                    

03

Brendon

"Kasalanan mo ito!" Nagsisisigaw pa rin si Jobelle sa loob ng banyo.

Nandito sya sa kuwarto ko dito sa bahay. Wala na akong nagawa kundi ang dalhin siya dito sa bahay para makaligo.

Nakakahiya naman sakanya bilang babae na naglalakad sa bayan na amoy embornal.

And despite na di talaga kami magkasundo. Ginawa ko ang nararapat but this time masasabi ko nang 2-1 ang aming score.

"Ako ba yung bata na tumulak sayo." Sagot ko sakanya.

"Kung lumapit ka lang sana agad e." sigaw nya.

Naririnig ko pa rin ang pag-patak ng tubig ng shower.

"Hoy! Bilisan mo diyan. Halos kalahating oras ka nang naliligo." sigaw ko sakanya mula sa labas. Baka nakakalimutan niyang naki-usap lang ako kay Clyde na asikasuhin mga trabaho ko habang inaasikaso ko itong babaeng ito.

"Kung ikaw kaya ang mangamoy kanal. My goodness! Nararamdaman ko pa rin iyong lagkit." Sigaw niya sa loob.

Naubos na niya atta yung shampoo at sabon ko sa loob ng banyo.

Tumayo ako at lumapit sa pintuan ng banyo. I was about to grab the doorknob ng bigla itong bumukas.

Lumingon ako pataas at....

"Ah?!" sigaw ni Jobelle.

Nagtakip ako kaagad ng mata ko. I almost see everything.

"Manyak ka?!" Sigaw niya at binalibag ang pinto ng banyo.

Mali na naman ako men. Akala na naman niya ay binubusuhan ko siya. Napa-facepalm nalang ako.

"Tuwalya?!" sigaw nito.

Kinuha ko ang kulay maroon na tuwalya na nasa likod ng pinto. Lumapit ako sa pintuan ng banyo at kumatok.

Bumukas ito at lumabas ang isang kanyang kamay. Inabot ko ito sakanya.

Umalis ako at bumalik sa kama. Bumukas ang pinto at nakatabing nalang ito ng tuwaly. Inutusan nya akong bumili ng kanyang underwears nang dumaan kami sa bayan.

"Magbibihis na ako." Asik nya sa akin.

"Oo lalabas na ako." Tatayo na sana ako nang.

"Hindi ko sinabing umalis ka. Tumalikod ka lang." Utos nya sa akin.

"Putek! Ano bang problema mo?" Inis kong sagot sakanya.

"Mamaya may penhole ka dito tapos doon mo ako bubusuhan. Kaya mas mainam na andito ka at nakikita kita." Pagpapaliwanag nya.

"Pambihira ka ikaw na nga-"

"Tahimik!" Sigaw nya sa akin at sininyasan nya akong tumalikod. Wala naman na akong nagawa kundi ang tumalikod.

Pinahiraman ko ito ng aking white shirt at jersey shorts. Nagtuloy ito sa pagbibihis habang nakatalikod ako.

"Anong balak mo ngayon?" Tanong ko sakanya.

"Di na ako sasama sa pamamasyal namin." Sagot nya.

"Saan mo balak pumunta?" Tanong ko ulit.

Uuwi na daw ito sa kanilang bahay. Sira na raw ang araw ito. She said it with disgust.

"Lalo naman ako..." pabulong kong sabi.

"Kung inagahan mo lang sana ang dating mo sa trabaho edi hindi sana umabot sa ganito." She respond.

Till Saturn Meets The EarthWhere stories live. Discover now