Kabanata 24

11 4 0
                                    

DISTANCE

"Ayaw ka daw muna niyang maka-usap nak." Iyon lang ang sagot na binigay sa akin nang Mama ni Jobelle.

Ilang beses na akong nagpabalik-balik sakanila pero sarado pa rin ang pinto ng bahay at puso niya para sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa silent treatment na binibigay niya.

"Give it time pre." Iyon lang ang sinabi sa akin ni Sean nang nasa loob kami ng laboratory.

Umiling nalang ako at bumalik sa trabaho. Nang matapos ang duty ko ay tinawagan ko si Julianna, I asked her if pwede kaming magkita.

Pumayag naman ito at sa shop na daw kami ni Ellen magkita.

Nagpaalam na ako kay Sean para umalis dahil magkaiba ang shift namin today.

"Naka-usap mo na ba siya?" tanong nito sa akin ng maka-order kami ng makakain at maiinom.

"Hindi nga niya ako kinakausap." I answered. "Wala ba siyang nasabi sayo?" pagtatanong ko.

"Uhm...Meron pero hindi ko alam if magugustuhan mo." Pilit niyang sagot.

Tumikhim ako at nilakasan ang aking loob na mag-tanong "A-anong sabi niya?"

She look at my eyes directly and spill the beans without hesitation. "Katulad mo lang daw sila." She said without warning.

"What do you mean?" I asked further.

"Wala na siyang ibang nabanggit kundi iyan." Iyon lang ang sinabi niya sa akin. "After New Year's Eve ay babalik na ulit siya ng airline company." She added.

Hindi na ako mapakali sa sinabi niyang iyon.

"And by the way? Who's that girl in your feed?" she was refering to Briana.

"Katrabaho ko lang iyon." Sagot ko sakanya "Nabanggit ba niya?" tanong ko.

"Hindi naman, natanong ko lang." sagot niya sa akin. "Baka lang kasi may factor iyon, alam mo na."

Tumango lang ako bilang tugon. Nang matapos kaming kumain ay inihatid ko siya sa bahay nila in return of seeing me.

Pumunta ulit ako kila Jobelle pero walang tao dahil nasa bukid daw ang mga ito. Nag-hintay pa ako doon nang ilang oras. At di nagtagal ay nakita ko si Jobelle kasama ang kanyang Mama at Papa.

Nagtagpo ang mga mata namin pero agad niya din itong iniwasan. Nag-bilis ito ng lakad at nilampasan lang ako, para akong hinampas ng four-by-four na kahoy sa ginawang iyon ni Jobelle. My heart feels like there is something that's choking it from the inside.

"Balik ka nalang ibang araw nak." Iyon lang ang tugon sa akin nang kanyang Papa.

Wala na akong nagawa kundi ang umalis habang may mga luhang bumabagsak sa aking mga mata.

"Why it has to be like this?" I muttured along the way.

"Ang ma-ignore na nga lang ng messages e masakit na, how much more pag personal pa?" biglang sabi ni Guindleson.

I talk to him about this over the phone. I know na alam niya kung ano ang sasabihin sa bagay na ito. "Hindi natin alam ang mangyayari pero I think we should prepare ourselves to all the possibilities." He mused."And by the way, don't drink too much. Nasa medical field ka pa man din tapos ginaganyan mo ang sarili mo." He added.

Bumili lang naman ako ng isang bote ng beer para lang makatulog. "Oo na, sige na at matutulog na ako." I told him and he dropped the call.

Malapit na ang New Year's Eve pero wala pa rin akong natanggap na paramdam mula kay Jobelle. Huminto na rin ako sa pagpunta sa bahay nila dahil nasasaktan lang ako sa pag ignore niya sa akin.

Till Saturn Meets The EarthWhere stories live. Discover now