Kabanata 11

23 7 4
                                    

NICKNAME

"May kinikilig diyan sa gilid o." pang-aasar sa akin ni Sean.

Nandito kami ngayon sa penthouse dahil pareho kaming maaagang natapos ang duty sa hospital. May ilang araw na rin ang nakakalipas ng maging kami ni Jobelle.

"Oy, hindi a." I complained.

"What's with the smile then?" he asked.

"Inspired lang sa trabaho." I replied.

Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng text kay Jobelle.

From:Jobelle

Pwede bang dito nalang tayo sa bahay?

Me:

Bakit?

From:Jobelle

Wala kasi sila Mama at Papa, walang tao dito sa bahay.

Ngumiti ako at tumayo na para umalis.

"Mukhang may scoring na mangyayari a?" panunukso ni Sean.

"Praning wala a." I said.

Paglabas ko ng pinto ay nakasalubong ko si Justin at Jayvee.

"Kakarating lang namin, aalis kana?" reklamo ni Jayvee.

"May date kasi yan." Sigaw ni Sean.

"Sino? Sama?" inosenteng sabi ni Justin.

"Tangek! Third wheel ka pag sumama ka." Paninita ni Jayvee.

Nginitian ko lang sila at umalis na ako. Dumaan muna ako sa convenient store para bumuli ng pagkain bago pumunta sakanila.

After a while ay pumarada na ako sa tapat ng bahay nila at nagbusina. Lumabas naman ito na may ngiti sa kanyang mga labi ng makita ako.

Ako na yata ang pinakamagandang lalaki sa mundo.

Naka-suot ito ng dolphin short and over size shirt. Sinalubong niya ako habang naglalakad papasok sakanila.

"May maitim kang balak sa akin, ano?" I teased her.

"Ang kapal talaga nang mukha mo, ano?" she said at pinagtabuyan ako. "Umalis ka na nga."

"Teka! Teka! Nagbibiro lang naman e." I complained.

Saglit pa niya akong tinulak-tulak palayo, bago hinayaan na sumunod sakanya sa loob ng bahay. Umupo ito sa sala at nag-bukas ng TV, tumabi ako sakanya at kiniliti.

"Ngingiti na yan..." I teased.

"Tsk! Isa... Tatadyakan kita." She warned.

Lumapit ako sakanya para suyuin, nang bilang isang malakas na sipa at tumama sa dibdib ko.

"Aray!" I shouted and over reacted to what she did.

Humawak pa ako sa dibdib ko para kunyari ay nahirapan akong huminga dahil sa sipa niya. Lumapit ito sa akin at hinagod ang dibdib ko.

"Hala! Sorry - sorry ..."Patuloy niyang hinahaplos ang dibdib ko.

Sinubukan ko pang pigilin ang tawa ko pero natatawa talaga ako sa hitsura niya, kaya wala na akong nagawa kundi ang bumulaslas ng tawa.

"AAARRRGGG!!!" sigaw niyang inis sa akin at pinaghahampas ako ng kamay niya.

"Oy! Oy! Oy! Tama na..." pagi-ilag ko sa mga hampas niya.

"Nakakainis ka! Nakakainis ka!" patuloy niyang sigaw.

Nang di na ako makapigil ay hinawakan ko ang kanyang kamay dahilan para mawalan kami pareho ng balance at madaganan ko siya.

Till Saturn Meets The EarthOnde as histórias ganham vida. Descobre agora