Kabanata 14

14 7 0
                                    

UNEXPECTED

Sumapit ang BBQ Night namin sa resort ni Dwayne. And tulad ng inasaahan ay sinadya namin ni Sean na magt-tugma yung shift namin para sabay lang kaming makapunta.

Tumuloy kami sa office ni Dwayne at nadatnan namin siyang naka-upo sa swivel chair nya habang malalim ang iniisip.

"Nasaan si Allyssa at Jobelle?" he asked.

"Uhm...sabay-sabay nalang daw sila." Sagot ni Sean.

Nag-usap usap lang kami para sa Alumni nang biglang kong tanungin si Sean "How is she?" tanong ko.

"Okay naman siya."sagot ni Sean.

"Kaya pa?" tanong naman ni Dwayne sakanya.

He slightly slammed her chest and speak. "Kakayanin."

Bumukas ang pinto ng opisina ni Dwayne at dumating si Justin, Jayvee at Guin.

"Sino pang wala?" tanong ni Justin.

"Si Kuya Paul at Andrei." Sagot naman ni Sean.

Habang hinihintay namin ang iba ay nag kanya-kanya muna kami ng mundo. Naglaro muna ng mobile games si Jayvee at Justin, si Guin naman ay nakatingin sa labas ng bintana, while Dwayne is just busy browsing his phone.

Lumabas kami ni Sean at pumunta ng balcony. Tahimik lang itong nakatingin sa dagat.

"I want a new life with her." Sabi ni Sean.

"Then do the right thing Sean." I said to him.

Huminga ito ng malalim at nilingon ako. "Tara na nga sa loob." He said at pumasok na kami sa loob.

May pumasok na babae sa loob ng office ni Dwayne at sinabi na ready na daw yung venue. Lumabas kami ng office at pumunta na sa tabing dagat.

Namangha kaming lahat sa set-up na ginawa ni Dwayne, nakapa-peaceful at stress free ang ginawa niyang theme para sa BBQ Night.

Nang makarating kami sa mga lounger's ay nagtanong si Sean kay Dwayne. "Nasaan si Angel?"

"Pinauwi ko nang maaga para makapag-ready at masundo si Jones." Sagot naman ni Dwayne.

Nag-hintay pa kami ng ilang minuto nang may marinig kaming boses. "Hello everyone!!!!!" alam kong si Jobelle agad iyon. "I'm back." she said.

I turned around to face her "Hello back." I joked and she just rolled her eyes.

Kasama niya si KC, Janelle at Allyssa. Saglit akong tumingin kay Allyssa at ngumiti bago bumalik sa pagkaka-upo.

After a while ay dumating na sila Angel at Jones, lumapit sa amin si Jones at nakipagkamay.

Tinanggap ni Jobelle ang beer na inabot sakanya ni Guin dahilan para tignan ko siya ng masama pero binalewala niya lang iyon.

Kinuha ni Justin mula kay Sean ang isang gitara at nag-simulang kumanta.

Dumating si Andrei kasama si Julianna at matapos ang ilang oras ay naluto na rin ang barbeque at nag-simula na rin kaming kumain. After naming kumain ay naglaro kami ng Never Have I Ever.

Napuno ang tawanan nang kaylanganin ni Guin na gawin ang dare dahil naubos ang life points niya sa game. Dumating ang mga marshmallow at nag-simula na kaming mag-tusok nito sa barbecque stick at dinarang sa apoy.

Nagkaroon pa kami ng di pagkakaunawaan ni Guin dahilan para mag-usap kami sa di kalayuan sa venue. Na-alarma din ang mga girls na nasa pool dahil sa sigaw ko pero si Sean na ang nagpaliwanag.

Nang lumalim na ang gabi ay nag-pasya nang pumasok ang ibang boys at girls. Sumama muna ako sa loob ng kuwarto para mag-shower dahil pakiramdam ko ay ang lagkit ko.

Till Saturn Meets The EarthOù les histoires vivent. Découvrez maintenant