Kabanata 25

19 4 0
                                    

DEPARTURE

"Great things comes to those who wait pre." Sabi nalang ni Guindleson sa akin.

"Kaya nga naman, and look at the other side. Hindi ka pinagpalit or iniwan nang basta-basta nalang." Si Jayvee.

"May hihintayin ka pa di tulad ko." Si Dwayne, pero hindi niya alam na may naghihintay pala sa kanyang pagbabalik.

"The best is yet to come Brendon." Tinapik ni Kuya Paul ang balikat ko at pumunta sa upuan.

Nagkaroon kami ng simple celebration bilang magkakaibigan sa penthouse.

"I have news." Pag-iiba ni Sean sa usapan. "It's a twins." He declared.

Binati namin siya sa pagiging future daddy sa aming magkakaibigan. "Inunahan mo pa ako." Reklamo ni Kuya Paul.

"Sorry naman daw." Si Sean.

"Akala ko ba ayaw mong malaman?" tanong ni Jayvee. "Wait mo nalang hanggang sa lumabs yung bata." Dagdag pa niya.

"Hala yung bata." Sigaw naman ni Andrei.

"Ikaw na next na magkakaroon ng bata." Pang-aasar sakanya ni Guin.

"TAE! Jowa nga wala e bata pa kaya." He said.

Nagdala nalang kami ng kanya-kanyang baon mula sa handa kagabi, pero nag-usap kami na dapat iba-iba ang dalhin. Baka mamaya e pare-pareho palang spaghetti edi yari na.

Nagdala si Andrei ng carbonara, palabok kay Justin, porkchop kay Jayvee, fried chicken kay Kuya Paul, spaghetti naman kay Guindleson, as for me? Nag-dala ako nang kakanin. Si Dwayne naman ay nagpadala ng pera for our drinks.

Nagtawanan nalang kami habang nagkwe-kwentuhan. "Lumulubo atta tayo Dwayne?" paninita ko kay sakanya.

"Kaya nga e." he grab his own love handles. "Napapabayaan na e."

At nagtawanan kaming lahat. "Nga pala may balita kayo kay Angel?" tanong nito sa amin.

Nagtinginan lang kami dahil hindi namin alam ang isasagot sakanya. Yes! We already know but we need to shut our mouth for this matter. "Basta bilisan mo nalang diyan at umuwi kana dito sa Pilipinas." I said.

"May nalalaman ka, ano?" they acted by interrogating me.

"Wala a. Pinapauwi ko lang siya para pareho kaming sawi." I lied.

"Masaya na ako dito Brendon, mag-solo ka nalang diyan." He chuckled.

"So anong plano?" tanong sa amin ni Guin.

"Well! Papasok ako sa med school at maiiwan si Sean sa hospital." I said.

"Diyan naman kayo magaling ang mang-iwan." Reklamo ni Kuya Paul. "Charot." Bawi rin niya.

"Akala mo naman talaga e." Guin rolled her eyes in disagreement.

After namin sa penthouse ay pumunta kaming nag-dagat. Natulog na rin si Dwayne dahil iba nga ang timeline namin dito.

Abala lang ang boys na parang mga bata na naglalaro sa dagat. "Okay ka na talaga?" tanong sa akin ni Sean at umupo ito sa tabi ko.

"Oo naman, para akin din naman ito." I explained.

Saglit na namayani sa amin ang katahimikan nang biglang may pumasok sa isip ko na kalokohan.

"Nga pala, anong feeling nang makipag-uhm..." pagbibiro ko sakanya.

"Uhm...Masarap." He laughed.

"Iiiwww...dugyot ka, umalis ka nga dito." I complained.

"Wow! Ikaw nga itong nagtatanong tapos ikaw pa may ganang magalit?" reklamo nito sa akin.

Till Saturn Meets The EarthWhere stories live. Discover now