Chapter 26: Best Friends

1.3M 37.8K 6.1K
                                    

HINDI KO INAALIS ang tingin ko kay Troy. Habang inaayos niya ang kotse niya ay nakatingin lang ako sa kaniya at nakamasid ako sa paligid namin. Hindi ako mapakali simula pa kanina.

Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

"Candice, kanina ka pa balisa. Ayos ka lang ba?" tanong niya habang pinupunasan niya ang pawis sa mukha niya. Napatitig lang ako sa kaniya. "Earth to Candice!" sigaw niya sa 'kin kaya nabalik ang utak ko sa realidad.

"Ha?" tanong ko.

"Lasing ka ba?" nagtataka niyang tanong. Nilapitan niya ako at hinawakan niya ang leeg ko para bang tinitignan niya kung may lagnat ako. "Wala ka namang sakit. Anong bang nangyayari sa 'yo?"

"Wala to. Saan ka pala pupunta pagkatapos nito?" pag-iiba ko ng usapan. Pilit ko pa ring kinakalma ang sarili ko dahil ayokong malaman niya kung bakit ako nagkakaganito.

"May meeting ako sa mga nag aayos ng ilaw sa bar namin. Bakit?" tanong niya. "Sabihin mo nga, ano ba talagang problema?" Tumayo siya at iniligpit niya ang mga gamit sa toolbox ko. Humarap siya sa akin at tiningnan niya ako habang hawak hawak ang balikat ko.

"'Wag ka na tumuloy dopn. Samahan mo na lang akong uminom ngayong gabi tapos doon ka na lang din matulog." 'Yan na lang ang naisip kong dahilan para pigilan siyang umalis ngayong gabi. Kinakabahan kasi talaga ako. Mukha ngang ayaw niya pang pumayag. "Ngayon lang ako hihingi ng favor sa 'yo, kaya please?"

"Sige na nga at mukha may problema ka. Mukhang kailangan mo ako. Sa ibang araw na lang ako makikipag-meeting sa kanila." Niyakap ko siya sa tuwa.

"Salamat, Troy! Best friend talaga kita. Si Jeydon na ang bahala kay Ate Jaycee," sambit ko. "Tara na?"

Iniwan na lang namin ni Troy ang sasakyan niya sa tabi ng park at ako na ang nagmaneho sa sasakyan ko. Pagdating namin sa bahay, nakita ko agad si Jeydon na naghihintay sa may sala.

"Bakit kasama mo si Troy?" bungad niya.

"Ayaw mo bang nandito ako?" singit ni Troy at tumabi agad siya kay Jeydon. "'Wag mong sabihing nagseselos ka pa sa 'kin?" natatawa pa niyang sabi.

"Puwede bang nagtatanong lang?" sarcastic niyang sagot. "At ako magseselos sa 'yo? Eh mas gwapo ako sa 'yo eh," natatawa ding sagot ni Jeydon.

"Mas sexy naman ako sa 'yo," sagot ni Troy. Tumayo siya sa harap ni Jeydon at para bang naghahamon pa siya ng pustahan. "Nakita na ni Candice ang katawan ko no'n kaya siya ang makakapagsabi na totoo ang sinasabi ko. Mas sexy ako sa 'yo." Sabay pa silang tumingin sa akin.

"Bakit ako?" inosente ko pang tanong.

"Walang asa-asawa dito, sino ang mas sexy sa amin ni Jeydon, Candice?" tanong ni Troy. "'Wag kang magsinungaling. Alam natin ang totoo." Napatingin ako kay Jeydon at seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin na parang hinihintay pa niya ang sagot ko.

"Sexy ka Troy, pero mas nakakaakit si Jeydon," sagot ko. Pareho silang natigilan sa sinabi ko pero maya-maya lang ay tumawa nang malakas si Jeydon.

"I told yah. I'm sexier than you, bro," natatawa pang sabi ni Jeydon. "Abs ko pa lang, ulam na at alam na alam 'yan ni Candice." Napatigin na naman sila sa akin pero dahil pati si Troy ay napatingin sa akin, tumalikod ako dahil pakiramdam ko namula ang pisngi ko. Loko talaga 'tong si Jeydon.

"Antok lang 'yan. Matulog ka na, asawa ko," pag-iiba ko pa ng topic.

"Magtatagal ka ba dito Troy? Akala ko ba may meeting ka ngayon?" singit ni Jeydon.

"Si Candice kasi inaya ako ng inuman."

Napatingin sa 'kin si Jeydon at ang sama ng tingin niya sa 'kin. Uh-oh. Hindi ko pala siya nasabihan. Bigla na lang din kasing pumasok sa isip ko 'yong inuman na 'yon eh.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon