Chapter 16: Everyone is an enemy

4.4K 162 20
                                    










The smell of different kinds of herbs and potions lingered which finally made me open my eyes, for who knows how long I'm unconscious. I was welcomed with a blank ceiling, and when I roamed my eyes, there was a cluster of beds beside me.


Right, I'm at the infirmary. What happened again? At bakit ako napunta dito?


Sinubukan 'kong umupo ngunit naramdaman ko agad ang pananakit ng aking ulo. Napatingin ako sa katawan ko at baka may mga kung anong nakadikit dito sa'king kung ano. Bago ko pa igalaw ang paa ko, merong nagsalita sa gilid ko kaya sinubukan ko itong atakihin, resulta ng pagkirot ang aking katawan. Shit!


"Easy, girl. No one's gonna kill you." Natatawang sabi pa ng lalaking nasa katabing kama ko. It was the same guy who I met at the library the other day, the one with the silver hair.


"You. What are you..." Napatigil naman ako sa sasabihin ko. Of course, ano nga bang dahilan kung bakit dinadala sa infirmary ang isang tao?


"That surprise combat took a toll on you, huh?" He added. "I mean, we all did. But for you, it was almost critical. I wonder why..." He even put his hand on his chin, seemingly in deep thinking. I rolled my eyes.


I still don't know his name yet, or even his identity. Hindi ako yung tipo ng tao para kilalanin ang kung sino lang na makita ko. But that's not the case with my situation right now. Everyone could be an enemy, or someone important that might help me in my investigations and missions.


I was about to try reading his mind to know his name, ngunit agad din akong natigilan. Ito ang unang beses na naisipan 'kong gamitin ang mind-reading ko ng kusa, na sasadyain ko na basahin ang kung ano mang nasa utak ng ibang tao.


Napailing ako, hindi pwede 'to. There must be some other way to know his name. I shouldn't use this curse, and I never will.


Narinig ko siyang mahinang tumawa kaya napakunot ang noo ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Am I entertaining you?"


Tumikhim muna siya bago nagsalita. "If I were to be honest, yes, you're kind of amusing."


Sinamaan ko siya ng tingin at hindi na ulit nagsalita. Ayoko nang pahabain pa ang usapan namin ng lalaking 'to, kahit na naisip ko na maaari 'kong malaman ang pangalan niya if I'll prolong our conversation. It's just that, he radiates this annoying-jerk aura with him that I couldn't stand.


Inalis ko ang tingin sa kanya at sinubukang tumayo para umalis sa lugar na 'to. I never wanted to be in such confined and sickening places like this. I know it's such a stupid thing to think, but I never liked hospitals or clinics, even if it's what they call a place of healing.


"Where are you going?" I heard him ask, but he didn't receive a response from me.


Dahan-dahan 'kong nilakad ang paa ko, kinakapa ang kalagayan ng katawan ko para hindi ito mabigla. I already remembered our first hell of a lesson we had with Professor Algemon, ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.


I remembered how we're prevented from using magic, ngunit hindi nawala ang aking mind-reading na kapangyarihan. It was, I guess, the thing that made my situation worse. I'm still wondering how the magic from the dimension room couldn't block it.


Should I ask the professor? But I still don't know who to trust in this place. He's a stranger, everyone is, he could be an enemy, everyone is.


Bigla ko namang naramdaman ang mainit na palad na pumigil sa aking braso. When I looked back, the silver-haired guy was already in front of me, at kung hindi lang nanghihina ang aking katawan ay baka kanina ko pa siya napatalsik gamit ang kapangyarihan ko.


The Princess of the Forgotten Tale (Frozen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon