Chapter 19: Between Shadows

4.1K 144 7
                                    




I woke up on a Saturday morning for our last class for the week. Gusto ko sanang tanungin ang nagma-manage ng schedule namin at bakit kailangan namin pumasok ng sabado? It's a fucking weekend people!


Ngunit kahit naman anong reklamo ko, wala rin namang mangyayari, kaya bumangon na ako. Pinauna ko na si Oceana dahil ayoko pang bumangon kanina. Wala rin naman siyang nagawa kahit gusto niya akong sumabay. I haven't felt this kind of exhaustion compared to when I was living in the cabin kaya mas gusto 'kong sulitin ang tulog ko.


Dederetso na sana ako sa study wing nang mahagip ng mata ko si Silver at Daven na papunta ng annex wing. Napabaling ang tingin sa akin si Daven at nang marinig ko ang nasa isip niya, doon ko lang naalala ang breakfast regulation. I sighed and walked my way towards the hall. Nasanay kasi akong hindi nakain ng almusal, that's why I always receive an earful from Flora and Oceana whenever I head straight to the study halls than the banquet hall.


Inside the hall, wala na masyadong students ang nandoon dahil kanina pa ang breakfast, and I took most of my time sleeping and being one with my bed. Kumuha ako ng aking pagkain at naglakad sa table namin. Ngunit nagdalawang-isip naman ako agad nang makita ko ang tatlong tao na nandoon, si Daven, Silver, at Genevieve. Sa dinami-rami ng maiiwan sa table, etong tatlo pa talaga?


Hahakbang na sana ako paalis pero nakita na ako ni Silver kaya wala akong choice kung hindi maki-table sa kanila. Naupo ako sa tabi ng prinsesa na walang kibo kahit na nagkukwentuhan ang dalawang prinsipe sa harap namin. Binati ako ni Silver ng 'good morning' kaya binati ko rin siya pabalik. I just felt Daven's glance but he didn't say anything.


Ever since that incident at the forest during our foraging, he seemed to be distant to me. Hindi na niya ako masyadong kinakausap puwera na lang kung kailangan, at hindi na rin siya lumilitaw kung saan-saan. It's not that we're obliged to talk to each other anyway. Gawin niya ang gusto niyang gawin, buhay naman niya iyan. Ano bang pakialam ko kung hindi niya ko kinakausap? Mabuti na rin nga at hindi na siya lumilitaw kung nasaan man ako dahil–


"Celandine!"


Napabalik naman ako sa huwisyo nang marinig ko ang boses ni Silver na tinatawag ako. Kanina pa pala ako nakatulala kakaisip sa lalaking iyon. Bakit ko ba siya iniisip?! Argh! I'm not gonna think of him again!


"You looked so frustrated like you wanted to kill someone." I heard Genevieve say.


Napairap naman ako. "I do. How'd you know?"


Sinagot niya rin ako ng irap. "Your face says it all, you're too obvious and transparent. Why don't you fix that or else your enemies will take it as an advantage. Loser."


This girl's thoughts are so easy to read, if she's fighting someone like me she'd be dead in a snap


"I'll take that in mind, Your Highness." I told her and emphasized the honorifics.


She quickly gave me her deadliest stare but I just shrugged her off. If I were some other mage, they'd be cowering in fear when talking to the princess and being glared at by her. Unfortunately, here I am, conversing casually with her, and even tried to piss her off. I don't even know kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko na sabihan siya ng mga ganoon, pero hindi rin naman niya ako sinusugod na lang bigla, hindi tulad ng una naming pagkikita. Siguro ay pinapatay na lang niya ako sa isip niya.

The Princess of the Forgotten Tale (Frozen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon