One

444 12 0
                                    

Nakarating ako sa building ng Trouvaille Travel and Tours o mas kilala bilang T3. Isang travel agency na pagma-may ari ng pamilya ko.

Mula sa airport ay dumiretso na agad ako rito dahil sabi ng pinsan kong si Mae ay may mahalaga raw kaming pag-uusapan kaya dali-dali akong pumunta rito.

Itong buong building ay okupado ng T3 pero dalawang palapag lang ang nakalaan sa travel agency. Yung natitirang tatlong palapag ay pinauupahan na namin.

Pagka-park ko ng kotse ay dire-diretso akong tumungo sa elevator paakyat ng fifth floor. Kilala na rin naman ko ng receptionist kahit na bihira akong magpunta rito.

Pagkarating ko sa fifth floor ay agad akong nagtungo sa executive meeting room kung saan gaganapin yung meeting. Papasok na sana ako sa loob nang tumunog yung phone ko.

Na-receive ko na yung roster o yung flight schedule ko para sa buwang ito. Dahan dahan kong pinihit yung pinto nang hindi nag aabalang tumingin sa daanan dahil busy ang mga mata ko sa pag-check ng roster ko. Apat na legs agad sa makalawa. Napailing ako habang dahan-dahang umupo sa bakanteng upuan na una kong nakita.

"Wow, straight from the airport. Ilang legs ka today, Dianer?"

Tanong ni Mae na tinapunan ko lang ng tingin dahil nagta-type ako ng ire-reply ko sa email.

"One."

Maikli kong sagot.

"Kaya pala naka-uniform ka pa. San galing?"

Tanong niya. Suot ko pa naman talaga yung uniform ko pero wala na yung blazer at scarf. Yung white blouse at skirt na lang ang suot ko, naka-bun at nakasuot pa rin naman ako ng heels kaya parang naka-uniform pa rin ako.

"LA."

Hindi na ko nakarinig pa ng sagot mula sa kanya at natapos na rin ako. Binaba ko yung phone ko facing the table because it should be that way during meetings.

"What's taking this so long to start?"

Nakakunot noong tanong ko sa pinsan ko. At bahagya pa akong nagulat dahil may kasama pala siya rito sa meeting room.

Teka, familiar yung mga kasama niya. Hindi ko lang matandaan kung saan ko sila nakita.

"Los Angeles tapos?"

Hindi niya pinansin yung tanong ko kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Chill ka lang cousin, wala pa yung creative director for today's meeting. So saan ka pa galing?"

Kinuha ko yung phone ko at nag-check ng Viber kung may nag-message bago ko sinagot si Mae.

"Dun lang for four days."

"Wala kang pasalubong?"

Napaangat yung tingin ko mula sa cellphone ko papunta sa kanya.

"May binigay ka bang pambili?"

Natawa naman siya sa tanong ko.

"Ang sungit mo naman, D! Kulang ka sa tulog ano?"

Sinimangutan ko siya sa tanong niya.

"I was supposed to go straight to my pad when I received an unexpected call from you and you said that this meeting is urgent. See? I haven't even changed my clothes yet."

Turo ko sa suot ko at natawa siya ng mahina.

"Okay lang yan, maganda ka pa rin naman sis."

Maya-maya ay may pumasok na lalaki.

"Guys, sorry but direk won't make it today. She said she has an important errand to attend to and she said she's really sorry. We can continue the meeting without her, I will just inform her regarding the minutes."

Does She KnowWhere stories live. Discover now