Five

119 9 2
                                    

Kasalukuyan akong nasa office ni Mae dito sa T3 dahil idi-discuss niya raw sa akin ang first draft ng story board for the AVP. First day ng off ko kaya naisipan kong bisitahin ang pinsan ko.

"As you can see Dianer, we have to show our potential clients of who we are and what we do. Basically our credibility ... "

Kunwari lang naman talaga akong nakikinig dahil kailangan kong magkaron ng idea kung tungkol saan itong AVP.

"Anong sabi ni mom?"

Tanong ko sa pinsan ko na abala sa pagtipa sa laptop niya. May desktop naman dito pero hindi niya ginagamit dahil ang katwiran niya ay kay mom yun at may laptop naman siya.

"Mamaya pa lang kami magmi-meeting through Skype kasama yung staff Whirlwind."

Yung Whirlwind ay yung creative agency na kinuha ng T3 para sa project na ito.

"Okay. Ayos naman sa akin yan."

Sabi ko rito at binalik na kay Mae ang folder na naglalaman ng first draft. Tinaasan ako ng kilay nitong magaling kong pinsan.

"Seriously, Mackey? Did you even read this?"

Tanong nito sa akin pero ngumiti lang ako rito ng malaki.

"Oo naman! Wala akong comment, kayo na bahala ni mommy mag-finalize ng first revision dyan kung meron man."

Napailing na lang ito sa akin. Hindi naman sa wala akong interes sa business namin pero mahal ko kasi yung trabaho ko ngayon.

"San niyo nga pala nakuha yung Whirlwind?"

Napaangat yung tingin nito sa akin at nginisihan ako.

"Bakit? Bet mo ba yung creative director, si Frances?"

Inismiran ko ito at natawa naman siya.

"Curious lang kasi ang daming ibang creative agency dyan, bat sila pa? Magaling ba yan?"

"Recommended ni Gazini yan kasi yan daw yung nag-cover ng wedding nung friend niya."

Napakunot yung noo ko.

"Kailan kayo nagkausap ni Gaz?"

"Naalala mo nung nagpunta kong Taiwan three months ago? Isa siya roon sa crew eh bigla ko siyang tinanong kung may alam ba siyang agency na gumagawa ng AVP ganun, sinabi niya yung Whirlwind."

Tumango-tango naman ako.

"Pero nag-try kayong humanap ng iba?"

Tanong ko pa.

"Oo naman. Pero iba kasi yung dating ng Whirlwind sa akin, young and energetic ba. Siempre mga bata pa yung crew, fresh ideas ba."

"And mom did not even ask me?"

Napaismid si Mae sa sinabi ko.

"Baliw. She was trying to contact you but you were not answering your phone."

"How about texts or Viber?"

Tanong ko ulit.

"Hindi ka raw sumasagot at puro seen ka lang sa Viber. Teka, wala ka bang lipad?"

Kinain ko muna yung cookies na snacks niya.

"Three days off ako, bali sa makalawa pa yung lipad ko."

🥝🥝🥝

Bumalik na ko sa condo na tinutuluyan ko ngayon matapos ang ilang oras na pag-stay sa office ng T3.

"Diana! Kamusta?"

Viber message ni Franki sa akin. Hindi ko na lang muna binuksan yung message dahil naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Does She KnowWhere stories live. Discover now