Seven

105 10 0
                                    

"Ayaw mo ba ng food o ayaw mo akong kasama?"

Tanong ni Bea sa akin at na-guilty naman ako.

Pagkatapos ng ilang araw niyang pangungulit sa akin ay pinagbigyan ko na itong kumain kami sa labas.

"May iniisip lang kasi ako. Sorry."

Hinging paumanhin ko rito at ipinagpatuloy na ang pagkain.

"Ex yan no?"

Napatingin naman ako dito at nakita itong nakangiti sa akin.

She's attractive, let's give her that. Why can't it be you instead, Bea?

Naisip ko.

"Manghuhula ka ba?"

Tanong ko dito at bahagya itong natawa.

"Ganyan din kasi ako noon at nakikita ko yung sarili ko sayo nung mga panahong may pinagdadaanan ako."

Nandito nga pala kami ngayon sa Batangas. Nung tinanong ko siya kung bakit ang layo naman ng pinuntahan namin ay para raw maiba naman.

"Gusto niya kasing makipagbalikan."

Sagot ko dito.

"Anong sabi mo kay Francess?"

Gulat naman akong napatingin dito at napakamot ito ng ulo.

"Sorry, narinig ko kasi siyang kausap yung assistant director niya nung isang araw kaya ko nalaman na siya yung ex mo."

Hinging paumanhin nito sa akin kaya nginitian ko ito dahil sa pagiging honest niya.

"Thanks for being honest. But sorry Bea, ngayon pa lang sasabihan na kitang wag mo nang subukang magkagusto sa akin. Masasaktan ka lang."

Natawa ito ng malakas kaya napatingin sa amin yung ibang kumakain na mukhang nasiyahan sa pagtawa niya dahil mas lalo siyang gumanda.

"Wow, grabe ka naman! Hindi pa nga ako nanliligaw, basted na agad. Ni hindi mo man lang ako binigyan ng chance na sabihin man lang sayong gusto kita."

"Baliw. Alam kong may gusto ka sa akin."

Nakatingin ito sa akin na para bang aliw na aliw sa narinig.

"Ang conceited mo dyan ha, pano mo naman nasabi?"

"Nung nasa Cebu pa lang hanggang sa eroplano pabalik dito sa Manila, tingin ka nang tingin sa akin. Tapos panay pangungulit mo pa sa akin sa IG tapos itong pa-date date mo kamo? Anong tawag dito ha?"

Tumawa na naman ito kaya natawa na rin ako.

"Okay, aaminin ko na."

Pagsuko nito at itinaas pa ang dalawang kamay.

"I like you but you did not even give me a chance to prove it. Basted agad."

Sabi nito at umiiling-iling pa.

"Pwede naman tayong maging friends, Bea."

Sabi ko rito dahil gusto ko siyang maging kaibigan, magaan kasi ang loob ko rito at masarap siyang kasama.

"Ano pa nga ba? Hindi ko naman ipipilit yung sarili ko sa taong ayaw sa akin kaya sige, let's be friends."

Madaling sabi nito sa akin at nagtawanan kami. Sinalinan niya ng wine ang kopita niya at ganun din sa akin.

"Inom na lang tayo, umiinom ka naman diba?"

Umiling ako at nagtaka ito.

"Ha? May flight ka ba bukas?"

Does She KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon