Eleven

113 9 1
                                    

Pagkaalis ni Mae sa condo ay nag-prepare na ako ng mga kailangan para sa dinner namin ni Franki.

And for tonight's menu: chicken adobo, steamed salmon with garlic and ginger at butter roasted cauliflower, mga paborito niya. Buti na lang at nakapamili ako nung isang araw.

Nagluto muna ako at pagkatapos ay nag-shower para naman fresh ako pagdating ni Franki. Saktong nag-aayos ako ng mesa nang marinig kong tumunog ang doorbell.

Hindi nga ako nagkamali, si Franki na nakangiti at may bitbit na box of donuts ang nabungaran ko.

Agad niya akong niyakap nung inaya ko siyang pumasok sa loob ng unit at inaya ko siya sa may dining area

"Wait up, I'm not yet done preparing the table. Gutom ka na ba?"

Tanong ko dito.

"Hindi naman. You need help?"

"Hindi na, upo ka lang dyan. Where have you been?"

Tanong ko dito pagkatapos kumuha ng mga kubyertos dahil nasa mesa naman na yung mga ulam at kanin.

"Brainstorming in the morning and client meetings this afternoon. How 'bout you?"

"Sa bahay lang. Let's eat?"

"You prepared all of these?"

Tanong ni Franki sa akin habang pinagmamasdan ang mga nakahain.

"Oo, may gusto ka pa ba? I will cook them for you."

Tanong ko rito dahil hindi ko siya natanong kanina kung anong gusto niyang kainin for dinner.

"Wala na. They look masarap but I know that these dishes are all masarap."

Nakangiti niyang sabi sa akin habang nilalagyan ko pagkain ang plato niya at nagsimula na kaming kumain.

"Gosh, true to my words ang sarap nito, Diana!"

Tukoy niya sa steamed salmon with butter and garlic.

"Kain ka lang and then bring some pag hindi natin naubos."

Masaya kong sagot dito.

"Diana, do you remember when we ate at a kandelerya?"

Napakunot yung noo ko.

Kandelerya? Ano yun?"

Nabasa niya naman ang nasa isip ko at nagsalita ulit ito.

"That was in Cebu, can't remember eh? The one beside the church. Naalala mo na?"

Sabi pa nito at natawa naman ako nang naalala ko.

"You mean karinderya, Franki. Ka-rin-derya, that's how you pronounce it and not kandelerya."

Sagot ko rito at napasimangot ito.

"Hey, don't be sad. You're still cute and I am glad that you keep on learning new Filipino words."

Nakangiti kong sagot dito at ngumiti naman ito ng malaki pabalik sa akin.

Ang cute nitong si Franki, ang sarap halikan.

Makalipas ang halos isang oras ay natapos na rin kaming kumain. Ibinalot ko yung natirang salmon and cauli flower para kay Franki dahil alam kong madalas puro takeouts ang kinakain nito.

Kasalukuyan kaming umiinom ng pink moscato sa living room habang nagk-kwentuhan pa rin. Mahigpit ang bilin ko kay Franki na konti lang ang inumin dahil magda-drive pa siya at pumayag naman siya sa isang wine glass lang.

"Diana, I'm serious when I said that manliligaw ako."

Sabi nito habang matamang nakatingin sa akin. Siguro ito na yung pagkakataon para tanungin ko kung paano namin ire-resolve ang issues namin noon.

"Do you still remember why we broke up, Franki?"

Seryoso kong tanong dito.

"Are you worried that it may happen again?"

Tumango ako.

"Diana, in a relationship we give and take. I can't promise you that we won't have any misunderstandings or quarrels but I will always try to understand you and spend more time with you. Sana ikaw din."

Nagsusumamo yung tingin nito sa akin at hinawakan yung dalawang kamay ko.

"Let's try again, Diana. Please, let's make this work for the second time around."

Tinignan ko lang si Franki at mukha naman siyang seryoso at sincere sa mga sinabi niya.

"Let's put it this way, Diana. Our mistakes before are our learnings today. We learned from it. Maraming possible way to communicate. Busy ka? I will understand. May flight ka? Ihahatid kita, susunduin."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, sa totoo lang. Natatakot kasi talaga ako, paano kung may ibang biglang sumulpot lalo na at madalas ay international flights ang meron ako?

Natatakot akong isipin na baka makahanap siya ng iba na mas makakapaglaan ng time para sa kanyan kaysa sa akin.

"I still love you. Honestly, I was mad at you and at myself when we broke up. When we both did not try harder. I hope that my love for you is enough to make it work again this time."

"Wala akong masabi, Franki. I am scared, baka hindi na naman tayo mag-work."

Ayan, sinabi ko dahil unti-unti akong kinakain ng takot ko.

"We will never know unless we try again. What else do you want me to prove, Diana?"

Punong-puno ng pagsusumamo ang boses nito.

"You're enough, Franki. Just give me time and I'll figure out my feelings for you."

"Hindi mo na ba ako love? Nawala agad?"

Tanong nito at napangiti ako dahil ang cute niya, ang slang pa rin ng pananagalog nito.

"Nandito pa rin naman yung love, it did not fade. It's just me and my fears."

Niyakap ako nito ng mahigpit, yung parang ayaw niya na akong pakawalana pang muli.

"I will never let go of you again, Diana. Never na. Mahal kita kaya sana don't be scared. I won't allow you to give up on us again."

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit para iparating na maski ako, hindi na bibitaw pang muli.

Panghahawakan ko yung mga sinabi mo, Franki at sana, sa pangalawang pagkakataon na ito ay tayo na hanggang sa huli.

🥝🥝🥝

Does She KnowWhere stories live. Discover now