Six

103 9 0
                                    

"Rolling in 3,2,1 ..."

Kasalukuyan akong nasa office at saktong first filming day para sa AVP. Pinapanood ko sila Mae at yung nanay ko na uma-arte kuno.

Nabaling naman yung atensyon ko sa magandang babae na nagda-direct ng nasabing AVP, si Franki.

Nandito rin nga pala yung Bea Lopez dahil part siya ng production design team at isa na rin sa mga writer para dito.

"Hi Ms. Diana."

Napatingin ako sa bumati sa akin, si Bea.

"Hello, Bea. Kasali ka pala sa production team ng Whirlwind."

Ngiti ko rito at ngumiti rin ito pabalik sa akin.

"Oo eh, ganun ata talaga pag gipit kaya panay ang raket."

Natawa siya at nahawa rin ako sa tawa nito.

Looks like she's easy to get along with.

"Ah Miss may gagawin ka ba mamaya?"

"Naku, wag mo na ko i-miss diyan. Diana na lang."

Sabi ko rito.

"Okay so Diana, free ka ba mamaya?"

Sasagot na sana ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Franki.

"Cut! Bea, get in here!"

Sigaw nito kaya dali-dali itong lumapit kay Franki.

Napakunot yung noo ko dahil ia-ayos lang pala nito yung halaman sa likod na nagsi-silbing background at um-exit na rin agad sa frame pero nanatiling stand-by pa rin sa gilid ni Franki na nakakunot yung noo at seryosong-seryoso ang mukha.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Mae na sa may lobby lang muna ako tatambay at sabihan na lang ako kapag tapos na silang mag-shoot para kumain.

🥝🥝🥝

Tatlumpung minuto na ang nakalipas mula nang bumaba ako dito sa lobby. Sabi ni Mae ang weird ko raw dahil mas gusto kong tumambay dito kesa sa office.

The reason why I love staying here is the comfort of these couches, kidding. I just like it here, quiet and I get to see the people coming in and out of the building plus I also get to see the view of the busy street outside.

Weird? I know.

"Diana."

I was pulled out of my thoughts when Franki called me.

Tapos na kaya sila?

"What are you doing here?"

Hindi ko ito sinagot at nginitian lang. Nagkibit balikat lang din ako at muling tumingin sa glass window sa labas.

Umupo naman ito sa katabing couch at tumingin din sa labas.

"Diana, are you seeing someone?"

Tanong nito kaya bigla akong napatingin sa kanya at umiling.

"Well, there's this guy that I go out with most of the times."

Nanatili lang akong tahimik.

Why is she saying this to me?

"And he said that he likes me."

Tumingin ako sa kanya na nakatingin na pala sa akin.

"You're saying this because?"

Tanong ko rito.

Nagkibit balikat naman ito bago sumagot sa akin.

"Because I feel like I have to tell you?"

"And why is that?"

Matapang kong tanong dito.

"Do you still care for me, Diana?"

She's looking straight into my eyes and her gaze is intense.

I gulped.

"O-oo naman."

Bahagya pa akong nautal sa sagot ko.

"And why is that?"

Balik tanong nito sa akin.

"You are my friend, Franki."

"That's it?"

Tanong nito na parang nadismaya kaya napakunot ang noo ko.

"Diana, I still want us back. I still want you to be with me and make it work this time. For the second time around."

Hinawakan nito ang kamay ko at bahagyang hinaplos.

"I don't know what to say, Franki."

Tapat kong sagot dito at napayuko ako.

"Can we try again, Diana?"

Napatingin ako rito at ito na naman yung mga mata niyang nangungusap.

"What if hindi na naman mag-work? LDR tayo kung sakali, Franki and aside from that I can't assure you that I will always be by your side and so are you to me.

Prangka kong sagot dito.

"Let's not think of the what ifs. Why don't we just try again, Diana? I still love you."

Nararamdaman ko namang sincere siya pero ayokong magpadalos-dalos na naman sa magiging desisyon ko.

"I don't know Franki, give me time to think about it."

Tumayo na ako at iniwan ito, saktong palabas naman ng elevator si Mae na kasunod ang nanay ko kaya naman sumama na ako sa kanilang mag-lunch pero yung isip ko ay naiwan kay Franki.

🥝🥝🥝

Does She KnowWhere stories live. Discover now