Two

200 11 0
                                    

Nakatayo ako sa harap ng glass mirror sa loob ng hotel room kung nasaan ako ngayon, walang iba kundi sa Cebu.

Mabini ang ihip ng hangin at kitang-kita ko kung paano sumasayaw ang mga dahon sa puno. Maaliwalas ang araw na ito.

Bakit nga ba ako nandito? Simple lang, na-upgrade ako dahil yung isang crew para sana sa MNL-CEB na flight ay nagkaron ng emergency.

At dahil field reserve ako nung araw na yun, ako ang pumalit sa crew.

Kung minamalas ka nga naman, dito pa talaga sa lugar na ito.

"Memories bring back memories bring back you."

Tinignan ko yung may-ari nung boses at nginisihan lang ako kaya napaikot ako ng mata ng wala sa oras.

"Ey D, reminiscing eh?"

Nang-aasar na sabi ni Jaz, kalipad ko at ka-batch mate ko nung training na naging best friend ko rin.

"Alam mo ikaw, bumalik ka na sa hotel room mo at wag mo akong ginugulo rito."

Tumawa naman si gaga bago sumagot.

"Ayoko nga, wala kong makakausap dun. At least dito maasar kita."

Sabay tawa na naman.

"Badtrip kasi yung kalipad mo dapat, emergency daw pero nakipagkita lang naman sa jowa."

Naiinis kong tukoy sa pinalitan kong flight attendant para sa flight na MNL-CEB na remain overnight lang naman o RON.

Ewan ko ba, naiinis ako na nandito ako sa Cebu ngayon.

"Bitter ka lang kasi wala kang jowa, D."

Binato ko nga ng throw pillow na hawak ko si Jaz.

"Manahimik ka kung ayaw mong hilahin kita pabalik ng room mo ha, Ganados."

Tumahimik naman si Jaz at nilapitan ako sabay abot ng unan na binato ko sa kanya.

"Alam mo, bumaba na lang tayo sa may bar. Uhaw lang yan, tara na."

"Gaga ka, hindi tayo pwedeng malasing. May duty pa tayo bukas."

Inismiran naman ako ni best friend slash kalipad ko.

"Gaga ka rin. Hindi tayo magpapakalasing, iinom lang tayo pampatulog."

"May melatonin gummies ako rito?"

Patanong na alok ko pero inirapan lang ako.

"Mackey, dalawang shots lang. Please?"

Napabuntong-hininga na lang ako sa request nitong best friend ko.

Hindi ko alam kung gusto niya lang mag-chill o may problema tong babaeng to.

🥝🥝🥝

"Two cosmopolitan, please."

Narinig kong order ni Jaz sa bartender at tinaasan ko ito ng kilay.

"Geez, two glasses lang tayo, promise. Alam ko namang bawal uminom ng 12 hours before our flight and it's just 7:30 in the evening and our flight tomorrow is at 12NN pa."

Litaniya ni Jaz at inisang inom yung order namin at um-order pa ulit ng isa.

"I'm planning to resign, Dianna."

Diretsong pahayag ni Gazini habang nilalaro ang olives na compliment ng drink. Hinintay ko muna siyang matapos magsalita bago ako mag-comment.

"And I am planning to stay here in Cebu for good."

Does She KnowWhere stories live. Discover now