Ten

120 9 4
                                    

"So anong status ng lovestory ng Frankiana?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi ng kasama ko.

"Frankiana?"

Tanong ko kay Bea dahil magkasama kami ngayon. Madalas kaming magkita nito kapag off ko dahil unang-una sa lahat ay masaya naman itong kasama.

"Franki and Diana, kayo. Ano, kayo na ba?"

Tanong nito sa akin habang taas-baba ang mga kilay.

"Hindi pa."

"May pa, so may chance at ako wala na talaga. Olats."

Binato ko ito ng tissue.

"Nagjo-joke lang ako. Ikaw naman!"

"Nilinaw ko na kasi sayo yan, diba? Ayokong umasa ka nang dahil lang sa pumapayag akong lumabas tayo."

Umayos ito ng upo at mataman akong tiningnan.

"Alam ko naman yan at hindi na ko umaasa. Friendship na nga lang ang chance ko, sisirain ko pa ba? Siempre hindi."

Sagot at iginala ang paningin sa kung nasaan kami. Nasa isang coffee shop lang naman kami malapit sa office ng T3.

"Wala ka bang jowa?"

Ngumiti ito sa akin at lumabas ang biloy sa kaliwang pisngi nito.

"Ang safe ng tanong mo ha, jowa talaga? Hindi boyfriend or girlfriend perhaps?"

Tanong nito at nangalumbaba sa harap ko.

"Okay, are you in a relationship?"

Tanong ko rito at humigop ng hibiscus tea.

"Diana, I won't hangout with you more often if I am in a relationship."

Sinabi niya sa akin in a matter of fact tone. Kaya napatango ako.

"Pero nagka-girlfriend ka na?"

Tanong ko dito at natawa naman sa akin.

"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung nagka-boyfriend na ako?"

Balik tanong nito sa akin.

"Eh di magkwneto ka na lang ng past relationships mo hindi yung binabalikan mo ako ng tanong."

Sagot nito at inismiran ko na ikinatawa naman nito.

"Okay, I've had a girlfriend and a boyfriend before."

Sagot nito.

"Yung boyfriend nung college tas yung girlfriend recently lang. You know Kate, right?"

Tanong nito at tumango ako.

"Ex ko yun but we are in good terms kasi we realized na we are better off as friends and we just both experimented and right now, she's in a relationship and I am single."

Dire-diretso nitong sabi.

"Alam mo, akala ko noong una straight ka."

Prankang sabi ni Bea sa akin kaya napaismid ako.

"Lahat naman sa una straight."

Natawa ito sa sagot ko at hindi na muling nagtanong pa. We both fell silent after that and just enjoyed our drink.

🥝🥝🥝

"Naging kayo pala ni Frances."

Hayagang sabi ni Mae habang magkasama kami dahil nandito siya sa condo ko.

"Pano mo nalaman?"

Tanong ko naman at di pa rin nag-aangat ng tingin mula sa binabasa kong magazine.

Does She KnowWhere stories live. Discover now