Fourteen

123 9 2
                                    

Sa loob ng apat na buwan, naging smooth sailing yung relationship namin ni Franki. Kapag may hindi kami pagkakaunawaan, inaayos na agad namin at hindi na pinalalaki pa. Tuwing may international flights naman ako at ilang araw na layover, siya ang naghahatid at sumusundo sa akin. Madalas din kaming mag-video call para hindi namin ma-miss ang isa't-isa.

Kasalukuyan akong nasa condo dahil off ko, kauuwi ko lang kaninang umaga galing LAX. Hindi ako nagpasundo kay Franki dahil sobrang aga ng arrival namin, mga 5AM at alam kong may trabaho rin siya. Ayoko namang mapuyat at mapagod siya dahil lang sa pagsundo sa akin. May grab naman.

Napagpasyahan kong lumabas at pumunta muna sa malapit na mall. Magkikita kami ni Franki mamayang dinner at plano namin na kumain sa labas, magluluto dapat ako pero sabi niya ay huwag na dahil pagod daw ako sa byahe. At isa pa, nagke-crave raw siya ng Mexican food kaya sa labas na lang kami kakain.

Abala akong tumitingin ng RTWs nang may isang babaeng tumawag sa akin. Nagulat ako dahil ilang buwan na rin ang lumipas mula nang huli kaming magkita.

Lumapit ito sa akin at mahigpit na yumakap. Aaminin kong natunaw ako sa yakap na yun, ito yung yakap na kilalang-kilala ko at kahit kailan ay hindi ko malilimutan. Matagal kaming nagyakap dahil ramdam ko yung pagka-miss niya sa akin. Humiwalay siya sa akin at napansin kong may luha sa mga mata nito. Pupunasan ko dapat iyon pero pinigilan niya ako.

"Don't. I'm a big girl now and I can manage to wipe my own tears."

Napatawa ako ng mahina.

"Big girl ka dyan, eh hindi ka naman ata tumangkad."

Inis na pinalo ako pero niyakap ulit ako kapagkuwan.

"I missed you, Diana. Busy ka ba? Kain tayo or coffee? Let's catch up, please."

Naglalambing na sabi sa akin ni Veah.

I looked at my wristwatch and decided to grant her request, it's just three in the afternoon and Franki's out by six.

"Sure, coffee na lang."

Masaya itong tumango at nagpunta na kami sa coffee shop na madalas naming tambayan noon sa mall na ito.

🥝

"Flight attendant ka pa rin ba o nag-full time ka na sa travel agency niyo?

Tanong sa akin ni Veah habang hinahalo yung kapeng in-order nito. Samantalang ako ay isang iced caramel machiatto ang napiling inumin. Um-order na rin ako ng blueberry scones at new york cheesecake naman ang kay Veah.

"FA pa rin naman ako sa parehong airline na alam mo. Ikaw kamusta ka na?"

Tanong ko dito, aaminin ko namang na-miss ko tong babaeng to. After all, she's still my childhood best friend, my child hood sweetheart.

"Well, I work as a digital marketing specialist now and sometimes suma-sideline na graphic artist para extra income na rin. Kamusta life, Diana?"

Makapagtanong to akala mo wala kaming issue dati.

"You mean life after you?"

Prangka kong tanong dito at tumawa naman ito.

"Bitter ka pa rin ba hanggang ngayon?"

Inirapan ko ito pero tinawanan na naman ako. Nag-decide kaming tapusin kung ano mang meron kami noon at i-save ang friendship hangga't kaya pa.

"Ikaw kayang iwan at ipagpalit sa iba? Pasalamat ka that I value our friendship more."

Sabi ko rito at uminom ng kape.

"You were my first love, Diana and so am I to you.  It was just during that time, we were both young and reckless. We did not think with our minds but we made decisions with our hearts, based on what we feel."

Does She KnowWhere stories live. Discover now