Thirteen

101 10 1
                                    

Pagmulat ng mga mata ko, agad na nabungaran ko ay hindi pamilyar na cuarto. Magpa-panic na sana ako pero naalala ko nga palang kasama ko si Franki kagabi. Pero wala na akong matandaan pagkatapos kong sumukay sa sasakyan niya.

Napangiti ako sa naalala ko.

We kissed.

Pero ano ba kami? Tingin ko kasi ako na lang din yung hinihintay niya para maging offiicial na kami.

Yung ginagawa namin pang mag-jowa na pero wala pa rin kaming label. Sa panahon ngayon dapat may label na, mamaya maunahan pa ko ng iba kaya dapat mabakuran ko na.

Dahan-dahan akong bumangon at napansin kong may katabi pa pala ako, si Franki. Humiga ulit ako at humarap sa kanya. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang natutulog na si Franki. Bahagyang nakabuka ang bibig niya at mabini ang paghinga.

Hindi ko mapigilan hindi isipin yung nangyari kagabi kaya mas lalong lumapad yung ngiti ko nang biglang bumukas yung mga mata ni Franki.

"Good morning, Franki."

Ang sarap naman sa pakiramdam nito, yung gumising ka sa umaga na una mong makikita yung pinaka-paborito mong tao sa mundo.

Ngumiti rin si Franki pabalik sa akin at binati ako ng good morning. Hinawakan ko ang mga pisngi niya at masuyo itong hinaplos.

"Franki."

Tawag ko rito.

"Hm?"

Tipid na tugon nito.

"Tayo na."

Napakunot yung noo niya kaya ganun din yung naging reaction ko. Diba dapat masaya siya kasi kasi sinabi kong kami na?

"Bangon na ba tayo, Diana? Can we cuddle first?"

Mas lalong lumalim yung pagkakakunot ng noo ko. Teka lang, may hangover din ba tong babaeng to?

"Franki, nalasing ka ba kagabi?"

Tanong ko dito at umiling naman ito.

"I didn't drink that much last night, only two bottles of lime ginger beer and vodka cocktail."

"So you do not have a hangover?"

"Wala po."

Nakangiti nitong sagot sa akin.

"Ang sabi ko tayo na. Na-gets mo ba?"

Saglit na nag-isip itong kasama ko.

Tumayo na siya at nag-inat.

"You hungry? You want to cook breakfast na?"

Hindi niya na-gets? Napangiti ako, ang cute talaga ng babaeng to. Inaaya ko itong lumapit sa akin at niyakap ko.

"Yes, I want to eat na but I'll cook for you."

Masaya kong tugon dito. Inayos muna namin yung kama niya at lumabas na ng cuarto.

Sinundan ko si Franki sa may kusina nito. Mas malaki yung condo niya kaysa sa akin na studio type lang, yung kanya kasi ay one bedroom type.

"Diana, feel free to check what's inside my kitchen cabinet. I really don't have enough stock, I do not know how to cook eh."

Nahihiyang sabi ni Franki kaya nilapitan ko na ito at tinignan ang laman ng kitchen cabinet niya. Tinignan ko rin ang laman ng ref niya.

"I will make pancakes, luncheon meat and scrambled eggs. Or do you want rice?"

"Whatever it is that you're cooking, I'm good with it. Basta luto mo, Diana."

Masayang tugon nito sa akin habang ako naman ay isa-isang nilalabas ang mga ingredient na kailangan ko.

Does She KnowWhere stories live. Discover now