Chapter 1

71 11 1
                                    

Chapter 1: Mine

Nagmamadali kong tinahak ang daan papunta sa faculty office dahil late na ako para sa klase namin. Hindi naman nagtagal ay nakita ko na din ang pinto nito.

Lumapit ako sa pintuan at pinilit kong abutin ang doorknob kahit pa may hawak ang magkabila kong kamay na sangkatutak na test papers. Pipihitin ko na sana ang doorknob, pero nanaig ang kamalasan ko ngayon at may nahulog na mga test paper. Inilapag ko na muna ang mga test paper at kinuha ang mga nahulog saka ipinatong sa dati nitong pwesto.

Bakit ba kasi ako nakatulog kanina?

Nagulat na lang ako nang makita ang isang lalaki. Binuksan niya ang pinto, pumasok sa loob, at iniwan ang pintong nakabukas.

Sumunod akong pumasok at isinara ang pinto. Nadatnan ko ang faculty office na walang katao-tao. Malamang na nagsimula na siguro ang klase, pero heto ako ngayon at late na sa klase dahil sa iniutos ni Ma'am Ramos sa akin.

My eyes roamed around the room to look for her table. And simply after a few seconds, I spotted her name. Then I walked towards the desk and stopped when I’m already in front of it. Liningon ko ang lalaki para tingnan kung anong ginagawa niya. And there I saw him looking for some documents. Tutal wala naman akong pakialam sa kung ano mang hinahalughog niya doon ay ibinalik ko ang aking tingin sa mga papel na hawak ko. Inilapag ko ang mga test paper sa lamesa, pero hindi ko namalayang nasagi ko pala ang paboritong flower vase ni Ma'am Ramos.

Nagulat na lang ako nang pagkalapag ko ng mga test paper ay nabasag ang vase na naglikha ng ingay sa buong silid. Napatingin ako dito at biglang tumigil ang lahat. Hindi ako makagalaw. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Tila isa akong estatwa na hindi makagalaw.

Shit! Anong gagawin ko?

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Ma'am Ramos. Napalunok ako at pinagpawisan. Napatingin si Ma'am Ramos sa flower vase niyang nabasag at nakakalat sa sahig. Inangat niya ang kanyang ulo at tumingin sa akin saka tumingin sa bandang likod ko. Liningon ko kung tiningnan niya at nagulat ako nang makita ang lalaking nagbukas kanina ng pinto. Doon ako nagsimulang kabahan dahil maaaring nakita niya ang nangyari.

Damn it! Patay ako nito!

"What's the meaning of this?" Kalmado niyang tanong. Itinuro niya ang nagkalat na mga bubog. Nakagat ko nalang ang aking pang-ibabang labi at napayuko.

Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba? Bakit ba naman kasi napakamalas ng araw na 'to! Pero magpapakahonest na lang yata ako para naman mabawas-basawan naman kahit kaunti ang kamalasan ko.

Huminga ako ng malalim at nagpakawala ng hangin saka pumikit. Ibinuka ko ang aking bibig. Akmang magsasalita na sana ako, pero hindi ko naituloy dahil may nagsalita sa likuran ko. Binuksan ko ang aking mga mata at lumingon sa pinanggalingan ng boses.

"It's my fault, Ma'am Ramos. I'm so sorry," paumanhin ng lalaki. Nalaglag ang aking panga.

"Actually Ma'am Ramos-" Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa pagputol ng lalaki.

"Ilalapag na sana niya ang mga test paper sa table, but I called her and I didn't expect her to be shocked. Nagulat siya at nasagi niya ang vase kaya nabasag. We're really sorry Ma'am Ramos," pagsisinungaling ng lalaki. This is wrong.

Pumameywang si Ma'am Ramos at bumuntong hininga. Alam kong mabait siya, pero baka hindi ako makakalusot ngayon dahil paboritong vase iyon ni Ma'am at mukha pang mamahalin ito. I can afford it though.

"Okay, okay. Just clean it up," sabi ni Ma'am Ramos. Gumaan ang pakiramdam ko. Para akong naligtas sa isang nakamamatay na peligro. Laking pasasalamat ko na lang dahil hindi niya kami– este ako pinagalitan.

Once In a Winter - Fairy Tale Series #1 (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon