Chapter 4

29 3 0
                                    

Chapter 4: Winteria

"Syden..." dinig kong tawag ng isang babaeng pamilyar ang boses. Naramdaman kong may yumugyog sa aking balikat.

"Syden Zuri! Gigising ka o sasampalin kita?" Naimulat ko agad ang aking mga mata sa narinig. Tiningnan ko ang babaeng nasa harap ko at lumingon-lingon sa paligid.

Ba't kami lang yata ang tao dito sa room? Tapos na ba ang klase?

"Anong oras na? Bakit tayo lang ang nandito?" Tanong ko sa aking kaibigan.

"Alas singko na gaga! Tulog ka kasi nang tulog! Mabuti na lang at wala si Ma'am Castañeda kanina kaya mahigit dalawang oras na 'yang tulog mo."

Ngumiti ako na parang pusa. Her eyebrows met when she saw my face.

"Ang sweet talaga ng bestfriend ko. I love you Fleurity flirt." Ngumiwi siya sa sinabi ko.

"Yuck! Kadiri ka! Tsaka ano kamo? Fleurity flirt? Hoy! Ang ganda kaya ng pangalan ko! Flue-ri-ty! Hindi flirty!" Inis na tumayo siya at kinuha ang bag niya.

"HAHAHAHA!" Humalakhak lang ako nang humalakhak dahil tagumpay ako. Inis na inis siya.

It's really to see her reaction whenever she's pissed. Lmao.

"Bahala ka nga diyan! Uuwi na ako!"

"Bye, bye flirty este Fluerity!"

"Tse!"

Nakangiti akong pinanood siyang umalis. Bumuntong hininga ako at tumayo na. Kinuha ko ang bag ko at isinukbit ito sa akong balikat.

Nasa may pintuan ako nang bigla kong naalala ang napanaginipan ko kanina. Hindi pa nawawala sa aking isipan ang mga sinabi sa akin ni lola, na totoo ang mga fairy. I don't know if she's telling the truth or she's just joking. But I know fairies aren't real. They're just fiction.

I didn't even move from where I am standing when what grandma said echoed in my ears.

"Totoo sila apo."

"Totoo sila..."

"Totoo..."

How I wish they were true so that I can live with them and escape the bitter reality.

I was about to close the door when I remembered I was tasked for locking and cleaning the library for three days. It's included in my punishment.

Napabuntong-hininga na lang ako at dali-dali ng tinahak ang daan papunta sa library. Bahagyang kumunot ang aking noo nang madatnan ko ang pinto na nakabukas.

Maybe the librarian still here.

Pumasok ako sa loob. Bumungad sa akin ang maaliwalas na paligid dulot ng ilaw, ibig sabihin ay may tao nga. But as soon as I entered the room, a cold air welcomed me.

Mahigpit kong hinawakan ang strap ng aking bag at huminga ng malalim. I looked around the area, hoping that the librarian is here, but I failed. Naglakad-lakad ako papunta sa mga bookshelf at ichineck kung maayos ang mga libro. Biglang tumaas lahat ang aking mga balahibo nang makarinig ako ng kaluskos.

Tinatagan ko ang aking sarili at pumunta doon sa banda kung saan nanggaling ang kaluskos. But I suddenly heard crackle which sent shivers down my spine. Slowly, I walked towards the area where I heard it.

"Meow!"

"Wahhhhhh!" Napatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pag-ngiyaw ng isang pusa. Dahan-dahan akong napatingin sa pusa. But my eyes encircled when I saw it.

Once In a Winter - Fairy Tale Series #1 (HIATUS)Where stories live. Discover now