Chapter 13

22 0 0
                                    

Chapter 13: Good and Bad News

It’s been a month since the first day of my training. And yes, the training is finally done after a lot of failures and hard work. I can even imagine how I trained like a crazy, just to become a maid. How funny.

I looked down at the woods below me. I smiled. It looks peaceful though it really is peaceful. How I wish our world is like this too. Peaceful and enchanted.

Nang matanaw ko na ang bayan ay binilisan ko na ang aking paglipad. Medyo nakakapanibago kasi mag-isa lang ako ngayon. Lady Letizia told me to wait for her at the market because she has to do something. I asked her what she’ll do, but she just looked at me coldly and told me, “Go on first. You’re not a kid anymore. Susunod din ako.”

I can’t help, but to wonder what’s with her today. A thought of something’s fishy is lingering on the corner of my mind and it does not wane. I don’t know what is that something, but it is still fishy for me.

I landed at the ground safely, somewhere dark where no one is wandering at. Then I hid my wings and started to walk. It took me three minutes to walk until I finally entered the market. Inilibot ko ang aking paningin. Walang nagbago. Ganun pa rin naman ang bayan. Masigla at mapayapa. Nakakaantig pa ang kanilang mga pakpak na nagsisigandahan. Idadag mo pa ang kanilang taglay na kabaitan. I want to live here. I really want. But sadly, I can’t.

Naglakad-lakad ako sa pamilihan, naghahanap ng magandang tindahan. Napatigil ako sa paglalakad nang may nakaagaw sa akin pansin na isang bestida, puting bestida. Simple lang ito, pero nakakaantig. Naglakad ako papalapit sa tindahan kung saan naka-display ang bestidang iyon. Binuksan ko ang pinto at pumasok ako doon.

My eyes wandered to look for the owner of the store. Seconds after, I found her organizing clothes at the corner of the room. I took steps towards the owner.

“Uhmmm… Magandang umaga po,” bati ko sa kaniya. Hindi naman ako nabigo dahil napatigil siya sa kaniyang ginagawa at lumingon sa akin. Tumitig pa siya sa akin ng ilang segundo, tila inoobserbahan ang aking mukha. Bahagyang napataas ang aking kilay nang ngumiti siya.

“Magandang umaga hija,” ngiting sagot niya sa aking pagbati.

Mapapansin sa kaniyang boses ang katandaan. Puti na rin ang kaniyang mga buhok at kulubot na ang kaniyang balat. Batid kong malakas pa ang pangangatawan niya kahit na matanda na siya, na kung saan ay nakamamangha.

“Ano ang iyong kailangan hija?” Tanong ng matanda sa akin.

“I just want to ask po kung magkano iyong puting bestida doon,” sagot ko sabay turo ko sa bestidang gusto kong bilhin. Paglingon ko sa matanda ay nakakunot na ang kaniyang noo.

What’s with her?

“I-Ingles-“  napatigil sa pagsasalita ang matanda nang may biglang dumating na isang diwata.

“Iyong puting bestidang nasa harapan, pakibalot po at bibilhin namin.”

Napalingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. Hindi naman ako nagkamali dahil si Lady Letizia ang dumating. Naglakad siya papalapit sa kinaroroonan namin.

Bigla namang natauhan ang matanda at pumunta sa harapan ng kaniyang tindahan upang kunin iyong bestida. Napatingin ako kay Lady Letizia. Bumuntong hininga naman siya bago ibinuka ang bibig para magsalita. Pero nang maibuka na niya ang kaniyang bibig ay itinikom niya ulit ito. Hindi ko naman maiwasang mapataas ng kilay dahil doon.

"Mga mayayaman lang ang nakakapagsalita at nakakaintindi ng Ingles."

Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.

Once In a Winter - Fairy Tale Series #1 (HIATUS)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum