Chapter 15

22 1 0
                                    

A/N: Buhay pa 'ko. Este bumangon mula sa letseng hukay ng katamaran at kabusy-han sa mga modules. Patawad sa dalawang buwang walang update. Salamat.

Chapter 15: Enter the Palace

I looked at the trees around me as I walk on the long road with Lady Letizia. Wala ni isang bahay ang nakatayo dito at alam kong medyo malayo na kami mula sa bayan. The place is too quiet that all I can hear is our breath.

"Malapit na tayo," biglang sabi ni Lady Letizia dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Saan? Sa palasyo?" Tanong ko, ngunit dumaan ang ilang minuto ay wala pa rin siyang sagot sa aking tanong.

Ilang minuto pa ay bigla na lang tumigil sa paglalakad si Lady Letizia. Napatigil din ako kasabay ng pagtigil ng mga bagahe ko sa aking likod.

"Hanggang dito na lang ako." Lady Letizia suddenly uttered. I raised my eyebrow.

She looked at me. "Ikaw na ang bahala sa iyong sarili hija. Don't waste this chance Zuri. Don't do anything stupid."

"What do you mean by that? Mag-isa lang akong pupunta sa palasyo? Hindi mo man lang ako ihahatid?" Tanong ko.

She just smiled and looked at somewhere. I looked at what she's staring at and suddenly found the answer of my question.

“The driver is under a spell, so don’t worry.” She smiled again. “Now, go and meet the prince,” she added. I smiled and nodded.

I know it was him.

Lumapit ako sa banda kung saan nakaparada ang kalesa at sumakay doon. Tiningnan ko si Lady Letizia, pero nakatingin siya sa aking mga bagahe. Ilang segundo lang ay bigla na lang lumipad ang mga ito papunta sa loob ng kalesa sa aking tabi. Then she looked at me.

“You know what to do when you got there, right?” She asked using telepathy. I nodded.

“Always remember all what I told you 'cause I will not be there to cover your mess, so be careful.”

I nodded again.

“I will.” I answered.

I will not cause problems again to her. She already did many things for me while I’m just a trouble maker to her. That month when she trained me, I learned many things from her and then later, hindi ko napapansin na gumagaan na lang nang gumagaan ang pakiramdam ko sa kaniya. She’s kind to me and for the first time, I felt the love of a mother from a stranger. She’s like my second mother and I’m thankful for that.

“Good luck then, Zuri.” That’s what she said and then she just vanished like she usually do.

Napabuntong-hininga na lang ako kasabay ng pag-ingay ng kabayo dahilan para umandar ang aking sinasakyang kalesa. I was staring at the trees and moutains that is covered with snow while on the trip. I kept on thinking what will my journey be.

Will it be that hard? Or not? Can I successfully make it? Can I really go home?

I sighed. I really hope so.

Naalimpungatan na lang ako nang biglang nag-ingay ang kabayo. Inangat ko ang aking ulo at tiningnan ang paligid. Kumunot ang aking noo nang dumaan kami sa parang isang tunnel. It was dark and all I can see is the light coming from the end of it. Nang makalabas na kami ay  napaawang na lang ang aking bibig nang hindi mga puno ang bumungad sa amin kundi mga bahay, magaganda at malalaki. Nanlaki nang bahagya ang aking mga mata nang mapagtanto kong bahay ito ng mga mayayaman. Ang mga maharlika.

My eyebrows slightly met again when I saw some fairies, looking at me with disgust on their faces. Other fairies whom we have just passed doesn't even give a shit, but I can't believe some are looking at me with so much disgust like I did a horrible thing.

Once In a Winter - Fairy Tale Series #1 (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon