Chapter 11

32 1 0
                                    

Chapter 11: The Truth

“Lady Letizia…” Tawag ko sa kaniya habang nakatingin ako sa labas na kinain na ng dilim.

“Bakit?” Tanong niya sa akin.

Tumahimik ang paligid. Batid kong tumigil siya sa pagliligpit ng aming pinagkainan kanina.

“A-About Zephyr…” I uttered.

“What about him?” She asked.

“Do you know the truth about him?" I asked her, even though I know the answer of that question. Narinig ko ang pagtunog ng mga kubyertos. I looked at her. Ipinagpatuloy niya lang ang kaniyang ginagawa at hindi ako sinagot.

I'm sure she knows. Kahit na hindi niya sabihin, alam kong alam niya. She seems to know every detail of Zephyr. Base sa nakikita kong turingan ng dalawa, mukhang kilalang-kilala nila ang isa't-isa.

Sa tingin ko ay mag-ina ang dalawang ito eh. But base on how they look, they look different. If I'll compare Zephyr's face to Lady Letizia's, I can clearly see that there's no resemblance of her on Zephyr's looks. Maybe they're relatives? I don't know.

"Can you please tell it to me?" I asked her, as if I was pleading. She looked at me with those calm pretty blue eyes. The way she looked at me was sympathetic. Like she don’t want to tell it to me for Zephyr’s sake. It seems important.

"I'm sorry, but I can't. I'm not in the position to tell that to someone.” She sighed.

“I think it's better if he's the one who will tell you." She said then she left me.

Mabilis na dumaan ang tatlong araw na parang walang nangyari. Those three days just passed as if three days didn't passed. Hindi na din nagkuwento si Lady Letizia sa akin tungkol sa mga diwata, at tungkol kay Zephyr. Sinubukan kong kausapin siya tungkol sa mga Arashi pero ayaw niyang magkuwento, palagi niyang iniiwas ang topic.

Hindi na rin ako namilit nang magsawa ako sa katatanong. Mukhang ayaw niya talagang pag-usapan ang tungkol doon. Ayos lang naman sa akin. Ayokong mamilit.

Siguro tatanungin ko na lang kay Zephyr. Wala naman sigurong problema kung bibigyan niya ako ng impormasyon tungkol sa kanilang mundo, ‘no? He’s the one who brought me here after all. Don’t he dare to refuse. Baka mapatay ko siya.

“Ouch shit!” Daing ko nang bigla akong mauntog sa isang puno. Napapikit ako at napangiwi. Hinawakan ko ang aking ulo dahil sa sakit dulot ng aking katahangahan. Masyado akong lutang, ni hindi ko napansin na may puno pala na nakaharang sa aking dinadaanan. Such a stupid, like how he call me one.

Nang mawala na ang sakit ay iminulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa aking paningin ang mga puno na nababalutan ng niyebe. Lumingon-lingon ako para tingnang mabuti ang paligid.

Wait. Is this the forest? Anong ginagawa ko dito?

Wala akong kaalam-alam kung bakit ako nandito sa gubat ngayon. Maybe I was too spaced out that I didn’t noticed myself going to forest. Para akong nag-sleep walk, pero gising. Masyado akong wala sa sarili. Masyado kong iniisip ang mga sinabi sa akin ni Lady Letizia.

Ilang araw na ba ako dito? Maybe it's been a week?

I sighed. Suddenly, an image of my family appeared on my sight. Hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot.

Kamusta na kaya sila Mommy at Kuya? Si Fleur?

Inangat ko ang aking ulo at tumitig sa langit. Sari-saring mga tanong ang pumasok sa aking isipan, tulad ng 'Pinaghahanap na kaya ako? Paano kaya ako makakauwi? Bakit ba ako dinala rito ni Zephyr?’ at… ‘What’s the truth about Zephyr?’

Once In a Winter - Fairy Tale Series #1 (HIATUS)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن