Chapter 7

20 1 0
                                    

Chapter 7: Maligayang Pagdating

Pinadasahan ako ng tingin ni Lady Letizia matapos kong maisuot ang ipinahiram niyang damit sa akin. Kitang-kita ko ang ngiting nakapinta sa kaniyang mukha habang tinitingnan niya ako. Tila manghang-mangha siya sa kaniyang nakikita.

"Napakaganda mo talaga hija," puri niya na naman sa akin. Napangiti na lang ako sa kaniyang sinabi.

"Kahit yata anong suotin mo ay babagay sa iyo," dugtong pa nito, walang katapusan ang kaniyang papuri.

"I can't help, but to see my old self in you. You're so pretty."

"Maraming salamat, Lady Letizia." Pagpapasalamat ko.

"Walang anuman hija," ngiting sambit nito at bumuntong-hininga.

Akala ko hindi na matatapos ang never ending na papuri niya sa akin eh.

"Tara na sa bayan?" Yaya nito sa akin. Tango at ngiti lang ang aking tugon.

Naunang lumabas sa silid si Lady Letizia. Sumunod ako sa kaniya. Nang makababa kami sa hagdan ay hindi ko maiwasang makaramdam ng galak lalo na't ngayon lang ako muling lalabas makalipas ng apat na araw na pamamalagi ko rito sa mundo ng mga diwata.

Kumurba ang isang ngiti sa aking mukha nang malanghap ko ang sariwang hangin sa labas. Malamig ang ihip ng hangin, na hindi kailanman mababago dahil ganoon naman talaga dito, taglamig.

Wala akong ibang ginawa kundi sundan lang si Lady Letizia. Gaya ng kahapon ay dumaan na naman kami sa kakahuyan ngunit alam kong iba ang daan na tinahak namin kahapon kumpara sa ngayon.

Lumipas ang ilang minuto ay naglalakad pa rin kami sa gitna ng kagubatan. Silence filled the atmosphere until Lady Letizia broke it.

"Mahaba-habang lakaran ito hija. Ayos lang ba iyon sa iyo?" Tanong ni Lady Letizia. Binalingan ko siya ng tingin at saka tumango.

"Ayos lang naman po, Lady Letizia." Tumango siya sa aking sagot.

Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit kami naglalakad ngayon. Meron naman siyang pakpak na pwedeng-pwede niyang gamitin upang lumipad at hindi na magpagod pang maglakad. At gaya nga ng sinabi niya ay meron din naman akong pakpak dahil nga sa kapangyarihan ng kwintas na suot ko. Bakit hindi na lang iyon ang aming gamitin para mas mapadali ang paglalakbay?

"Sa pagkakaalam ko'y hindi mo pa alam kung paano ang lumipad.  Bakit, nananabik ka na bang gamitin iyang pakpak mo hija?" Biglaang tanong ni Lady Letizia. Napalingon ako sa kaniya. Nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin ay napakamot na lang ako sa ulo dahil sa hiya.

"Hindi naman po Lady Letizia," nahihiyang sambit ko.

Kahit kailan talaga, hindi ka nag-iisip Sy! Ang engot mo! Kaya ka tinatawag na stupid ng mokong na 'yon eh.

Sa hiya ay napayuko na lang ako at hindi na nagsalita pa. Gusto ko pang batukan ang aking sarili dahil sa katangahan.

Hindi nagkamali si Lady Letizia nang sabihin niyang mahaba-habang lakaran nga ang aming gagawin dahil nga sa malayo ang bayan sa bahay niya. Nagtataka nga ako kung bakit napakalayo ng bahay niya sa bayan. Pero wala naman akong reklamo doon dahil hindi ko naman alam kung paano ilabas ang aking pakpak. Pa'no pa kaya ang lumipad?

Sa tantya ko ay mahigit kumulang trenta minuto kaming naglakad para lang makabili ng aking kasuotan sa bayan. Nakaramdam ako ng pagod dahil sa mahabang linakad namin.

Ito ang pangatlong beses na naglakad ako ng napakalayo. Ngayon ko lang naranasan ito dahil sa buong buhay ko ay puro sasakyan ang aking ginagamit upang makarating sa aking pupuntahan.
Feeling ko nga ay papayat ako dito.

Once In a Winter - Fairy Tale Series #1 (HIATUS)Where stories live. Discover now