( Liwanag Sa Dilim ✔ )

305 18 1
                                    

Isabelle's POV....

Apat na gabi na kaming mag jowa ni X, nagluluto ako ngayon ng pagkain namin ng bumungad si Minerva sa kusina,

" Isay ihiwalay mo ang pagkain ni Tatay at baka mahawa kami! " Sabi niya, nalungkot ako ng sobra, nung may trabaho si tiyong hindi ganito ang turing nila, tumango nalang ako, siya namang dating ni Tiya Maring

" Ayy naku Isay naku pasalamat ka't sayo nagka gusto si Alibaba! Naku pag pumayag ka daw ay bibigyan niya kami ng pampuhunan at bayad na din ang utang ko sa kanya! Naku ang swerte mo Isay halika nga't maupo ka dito " Sabi ni Tiya Maring habang hila-hila ako, nagsitakbuhan sila Minerva kung nasan kami ni Tiya Maring, si Alibaba ay ang matandang bumbay na pinaguutangan ni Tiya Maring, mayaman ito at madaming asawa palibhasa'y maraming pera kayat lahat ng matipuhan ay inaasawa, madalas ko din itong mahuling nakatingin sakin na akala mo'y kakainin ako.

" Naku patusin mo na iyon! Parehas naman kayong hindi naliligo! " Segunda ni Maricel, kung sana tinitirhan ako ng pampaligong ako din ang nagigib, napairap ako

" Naku kayo ngang mag-iina tigilan nyo ang pamangkin ko! " Sabat ni Tiyo Miguel, nagdadabog na tumayo si Tiya Maring

" Kung ikaw ba naman kasi may silbi ede maganda? Naku kung bakit kasi sa dami ng manliligaw ko eii ikaw pa ang sinagot ko! Wala ka na ngang kwenta wala ka pang silbi! " Pahabol nito at naglakad palabas, habang pinapaypayan ang mukha gamit ang dala niyang pamaypay, napabuntong hininga si Tiyong Miguel at tumingin sakin malungkot siyang ngumiti

" Okey lang yan Tiyong! Idol na idol padin kita " Sabi ko at ngumiti, niyakap ko si Tiyong

" Buti nalang Isay andito ka nak! Buti pa ikaw pero ang mga sarili kong anak " Napabuntong hininga ulit siya, tinapik ko siya sa balikat

" Tiyong alam mo kasi masama lang mga loob ng mga yun kasi tayo lang ang mag kamukha " Natawa si Tiyo Miguel at ginulo ang buhok ko, totoo iyon mas kahawig ko kasi si Tiyong Miguel, kesa kila Mama o Papa, ang tatlong Maria naman ni Tiyong ay kay Tiya Maring nagmana.

________

Alas dyes ng gabi, bumaba ako para tignan kung anu ang tinatahulan ng mga aso, pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang isang pigura ng tao bagamat madilim ay kilalang-kilala ko ito.

" X! Anung ginagawa mo dito? Baka makita ka nila Tiyong " Tanong ko gusot ang t-shirt nito at bahagyang nakabukas ang zipper niya, ng mas lumapit akoy iba ang amoy niya! Hinila ko siya sa madilim na parte at medyo malayo sa bahay.

" Gusto lang kitang makita Isay! Parang mamamatay ako ngayon kapag hindi kita nakita " Sagot niya, malungkot ang boses niya at halatang may problema.

" Bakit may problema kaba? " Tanong ko pero hindi siya sumagot sa halip mas niyakap niya pa ako lalo.

" Sorry Isay sorry mahal na mahal kita " Sabi niya, nangunot ang noo ko! Tatanungin ko na sana siya ulit ng mapatingin ako sa bandang leeg niya, nang makita ko ang kulay pulang marka sa may bandang leeg niya ay umakyat ata sa ulo ko ang init na nagmumula bawat himaymay ng mga ugat ko, tinulak ko siya at sinampal.

" H@yop ka sino nanaman yang pu×!ng*n@ng yan! Sino nanaman yang pokp*k na yan! Si Marife nanaman ba? Sumagot ka! Sino kako iyan?! " Sigaw ko para akong malalagutan ng hininga! Sobra akong nasasaktan! Para akong sinasakal, pakiramdam ko sinampal niya ako ng nakailang ulit.

" Anu! X! Sumagot ka! Sasabihin mo nanamang may dahilan ka kaya nangyare yun? Hah! T@ngina naman! " Dugtong ko, kung noon okey lang pero iba na ngayon may karapatan naman na ako sigurong magalit ngayon diba? Nakayuko parin siya at tinatanggap lang ang lahat ng suntok at sampal ko sa kanya.

The Jerk's Revenge (Dark Night Society Series: Xerxes Batallier) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon