( HoneyMoon )

295 6 0
                                    

Isabelle's POV....

Nang matapos ang kasal namin ni X ay tumungo agad kami sa Lexi Hotel sa may Cubao, doon kasi naka stay ang Ama ni X kasama ang asawa nito at ang anak naming si Lexi, hindi na kami tumuloy sa reception dahil sinabi ko kay X na ilaan nalang ang nalalabi naming oras sa anak namin bago kami tumungo sa Palawan kung san kami maghohoneymoon, may biniling isla si X sa bandang Palawan, isang private island iyon na sinalo ni X mula sa isang banko, naisip nito na kesa lumabas kami ng bansa ay doon nalang dahil hindi pa ako kumportable sa buhay na meron siya ngayon, ang balak nito ay sa London kami pumunta, sa mismong lugar ng ama nito ngunit tumanggi ako bukod sa hindi pa ako sanay ay balwarte iyon ng ibang kamag-anak ni X sa Ama nito, maunawain naman si X para pagbigyan akong dito nalang sa pilipinas ilagi ang 2 linggo, todo ngiti ang anak namin ng makita kami, niyakap ko muna ito ng mahigpit ganun din si X, bago ako nito hinila papunta sa isang kwarto sa pinakataas ng Hotel, ayon kay X ay penthouse daw ito ng branch, inabot niya sakin ang paperbag na naglalaman ng dress na pamalit ko, dahil nasa private chopper na daw nito ang mga bagaheng dadalhin namin, ang personal assistant daw nito ang nagasikaso ng mga iyon, nang makapag-ayos ay niyaya ako ni X na bumalik sa kwarto ng Ama nito para sunduin si Lexi, kakain kami sa labas at mamasyal na magkakasama.



***

Alas sais ng hapon kami nakabalik ng hotel, hinatid lang namin si Lexi sa lolo nito saka kami dumeretcho sa rooftop kung san naron ang helicopter na maghahatid samin sa isla, excited na kinakabahan ang pakiramdam ko ngayon unang beses kong sasakay sa sasakyang panghimpapawid, nanlalamig ang kamay ko ngunit ginagap lamang iyon ni X, inalalayan ako nitong makasampa sa loob ng makapasok siya ay maingat niyang inayos ang pagkakaupo ko, hindi niya inalis ang mga kamay niya sa balikat ko habang lumilipad ang sasakyan, sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya naramdaman ko ang masuyong paghalik niya sa noo ko



" Take a nap Ga, medyo malayo pa tayo, gigisingin nalang kita " Sabi ni X saka hinaplos ang buhok ko, parang naging magic word iyon dahil namigat ang talukap ng mga mata ko, dinig ko ang pag hum niya nagulat nalang ako ng kumanta na talaga siya, nawala bigla ang antok ko.



🎶 I thought sometime alone
Was what we really needed
You said this time would hurt more than it helps
But I couldn't see that
I thought it was the end
Of a beautiful story
And so I left the one I loved at home to be alone 🎶






Napaka lamig ng bosed niya, ang sarap sa tenga, napangiti ako, napakaswerte ko talaga at isang katulad ko ang minahal ng lalakeng ito,



🎶 And I tried to find Out if this one thing is true
That I'm nothing without you, I know better now
And I've had a change of heart
I'd rather have bad times with you, than good times with someone else
I'd rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I'd rather have hard times together, than to have it easy apart
I'd rather have the one who holds my heart
Whoo-oo-oo-oo yeah 🎶




Punong-puno ng emosyon ang bawat lirikong lumalabas sa bibig niya, bahagyang nanginig ang boses niya na indiksyong naiiyak siya, agad akong umayos ng pagkakaupo at tumingin sa kanya, tama nga ako lumuluha siya, pinunasan ko ang butil ng luhang kumawala sa mata niya


" Bakit? May problema ba Ga? " Masuyong tanong ko, umiling siya

" Sobrang natakot lang ako ng itawag sakin na umalis ka kanina, hindi lang dahil tatakasan mo ako dahil sobrang natakot ako para sa magiging anak natin, umiiyak ka daw ng nagmamadali kang umalis, akala ko hindi na ulit kita makikita, god knows how much I beg him para lang maabutan kita, sobra kitang mahal Ga, at hindi ko na makakaya pa kung mawala ka ulit sa piling ko, natakot ako dahil akala ko nagbago na ang isip mo at hindi mo na pala ako mahal, nakaktakot ga, nakakatakot ang susunod na umaga kung san hindi na kita ulit makikita, walang hihigit na bagay sa mundo ang pwede tumumbas kung gaano ka kahalaga sakin, kaya kong mawala ang lahat ng pera ko lahat ng yaman ko para lang sayo, sainyo, walang halaga ang lahat ng iyon kung tuluyan kang mawawala sakin. " Emosyonal na sabi niya, napakurap ako, maling-mali na nagpadala ako sa mga sinabi ni Icel, maling-mali dahil muntik ko ng isakripisyo ang isang taong nagmahal sakin ng higit sa dapat, niyakap ko siya ng mahigpit



The Jerk's Revenge (Dark Night Society Series: Xerxes Batallier) ✅Donde viven las historias. Descúbrelo ahora