( The News )

268 15 0
                                    

Isabelle's POV....


Wala paring humpay sa pagtulo ang mga luha ko, malapit na ako sa Quiapo ng tuluyang maubos ang luha ko, ng makababa ako ng bus ay agad akong gumilid sa kalsada, nasabihan kona ang pinsan ko na uuwe ako ngayon, aabangan ko nalang ang bayaw ko sa kanto para makauwe ako sa mismong bahay, tanaw ko na ang pedicap ni pocholo kaya kumaway na ako, halos mapunit ang pisngi nito at lumabas na ang dalawang ngipin nito na natitira ng mamukhaan ako, napaka swerte talaga ng pinsan kong si Kristel salat man sila sa pera ngunit buo silang magpapamilya, agad nitong binuhat ang maliit na bag ko at sinakay sa pedicap, sumakay nadin ako at nagsimula na siyang mag padyak


" Kamusta kana Isay? Hindi kana negra medyo pumuti ka doon kaya lang pumayat ka naman, pinahirapan kaba ni X? Naku huwag siyang luluko-luko ako na ata ang siga dito! Sabihin mo lang hipag at kahit malaki pa siya papalagan ko iyon! " Galit na sabi nito, nagsimula nanaman tumulo ang luha ko ng maalala si X at ang anak namin, wala sa loob na napahawak ako sa tiyan ko, huwag kang magalala anak! Kahit tayo lang magiging masaya tayo, ibibigay ko lahat para sayo pagkausap ko sa impis ko pang tiyan, balak kong bumalik sa dati naming bahay ni X sa Biñan laguna, tutal halos hindi naman na niya maalala iyon, ni hindi ko nga narinig sa kanya ang pangalan nila aling Mameng, doon nalang siguro kami ng magiging anak ko, atleast doon nandoon ang ilang mga alaala ng Pangga ko. Huminto ang pedicab sa mismong harap ng bahay agad kong nakita ang paglabas nila Kristel at Maricel, gumanda ito at sumeksi napakaputi din nito, agad nila akong niyakap lalo lang akong napaiyak



" Buti naman Ate Isay natauhan kana! Jusko nakakakulo talaga ng ulo ang hinayupak mong asawa! " Galit na saad ni Kristel, nakaupo na kami sa kawayang upuan sa loob ng bahay



" Hindi ko siya asawa Itel " Malumanay na sabi ko, napailing ang dalawa


" Eh anung plano mo niyan? Baka sundan kapa noon dito! Naku subukan niya lang! " Sabat naman ni Maricel


" Aalis na ako dito, magpapakalayo na, tanggap ko na na hinding hindi na talaga babalik si X, magisa ko nalang bubuhayin ang anak ko " Parehas na nangunot ang noo ng dalawa



" B--buntis ako " Alanganin kong amin, nanlaki ang mata ng dalawa

" Susmaryosep! Nagpadali ka nanaman sa hinayupak na iyon! " Napapalatak na sabi ni Maricel, napangiti ako ng mapait


" Lalayo kami, iyong malayo dito sa maynila! " Diterminadong sabi ko,


" Ayy may pasalubong pala ako sayo Isay " Biglang sabi ni Maricel saka umakyat sa taas, pagbaba nito ay may medyo may kalakihang kahon na siyang bitbit, inabot nito iyon sa akin, Socy Xpario ang nakalagay sa kahon, ng buksan ko ay selpon ang laman


" Anu to Maricel? Hindi ko ito matatanggap " Pilit kong ibinabalik sa kanya ang kahon, pilit niya ding binabalik sakin


" Pasalubong ko talaga sayo iyan Isay! Meron din ang mag-asawa, tyaka tayo-tayo nalang din naman konti lang iyan, para kung sakaling desidido kana sa plano mo ay may kontak parin tayo "  Wala akong nagawa kundi kunin iyon


" Hindi naman ako marunong gumamit neto " Nakanguso kong saad, napatawa ang dalawa



" Sus tuturuan kita madali lang yan " Sabi ni Maricel at tinuruan nga ako, binigay ni Kristel ang isang sim na hindi niya pa nagagamit, hindi nagtagal ay natuto din naman ako, kasalukuyan akong nalilibang sa panonood sa wotube ng may biglang lumabas sa bandang itaas na bahagi ng screen, ang naintindihan ko lang doon ay ang pangalang kailanman ay hinding hindi kona makakalimutan, agad kong ibinaba ang notification area ng selpon saka pinindot ang naturang notipikasyon, ayon sa pamagat ng artikulo sa kulay pula at malalaking titik


The Jerk's Revenge (Dark Night Society Series: Xerxes Batallier) ✅Where stories live. Discover now