( Lexi Kianna Roxas Battalier )

246 11 0
                                    

Isabelle's POV.....

Ngayon araw ang eksaktong kabwanan ko, anytime ay pwede na akong manganak, regular ang check up ko at lagi akong sinasamahan ni xerxes, noong minsang nagpa ultrasound kami ay sinadya naming hindi sabihin ng doktor ang kasarian ng anak namin, gusto kasi namin surprise,

Napromote na din si xerxes sa trabaho na dating helper ngayon ay naging assistant director na siya ng kumpanya, mas lumaki din ang sweldo niya at mas nakakaipon kami ng mas malaki, minsan nalang din siya kung magover time dahil talaga namang masipag ang asawa ko kaya natatapos niya ang lahat ng trabaho niya ng wala pa mang limitasyon, mas dumoble din ang pag-aalaga sakin ni xerxes, hindi niya ako pinabayaan o hindi din niya pinaramdam sakin na may kulang, ang tiyo ko naman ay maayos na ang lagay nagtuloy-tuloy ang gamutan niya dahil na din kahit papaano ay nabibili namin ang gamot niya gamit ng sobra naming pera ni xerxes,


Alas kwatro ng hapon ng makauwe si xerxes tinawagan ko kasi siya kanina dahil iba na ang nararamdaman ko, masakit na ang pagkilos ng anak namin at may bahid na din ng dugo ang undies ko, panay panay na din ang pagpasok ko sa banyo para umihi, agad niya akong niyakap ng makita niya akong nakaupo sa sofa

" Okey ka lang ga? May masakit ba? Saan ang masakit? Teka tatawagin ko lang si aling Martha ah " Natatarantang sabi niya, napatawa ako ng mahina

" Ang oa mo pangga! Gusto lang kitang makita namiss kasi kita " Sabi ko, niyakap niya ako agad

" Sobrang natatakot ako pangga paano kung mahirapan ka? Hindi ko kayang makitang nahihirapan ka, alam mo naman iyon diba? Mahal na mahal kita pangga mahal na mahal " Bulong niya habang yakap niya ako sa ulo, bahagya niya akong nilapit pa lalo sa kanya at sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya

" Alam mo pangga basta makita ko lang ang magiging anak namin okey na ako doon, lahat naman ng nanay dumaan sa ganiyan at para sa anak natin at para sayo gagawin ko lahat para walang maging problema, huwag kana masyadong mangamba tatay okey lang ako " Pagpapalakas loob ko kay xerxes, biruin mo iyon ako iyong manganganak pero siya itong natatakot at kinakabahan, ganoon siguro talaga ang mga first time na magulang, napangiti ako habang hinahalikan ni xerxes ang pisngi ko, bumangon ako para sana ayusin ang pagkakaupo ko ng makaharap ako sa kanya pero napatigil ako dahil may gumuhit sa bandang puson ko, pati si xerxes ay napatigil ng napalakas ang pagkapit ko sa kamay niya, agad niya akong nilingon at ganoon nalang ang panlalaki ng mata niya ng makitang bakas na sa mukha ko ang matinding sakit

" Pangga dadalhin na kita sa ospital, teka lang tatawag lang ako ng masasakyan " Natatarantang sabi ni x, ni hindi ko na magawang sumagot dahil tumitindi ang sakit na nararamdaman ko,

" Pangga anjan na sa labas si mang ador, ihahatid niya raw tayo sa ospital halika na kaya mo oabang maglakad? Gusto mo buhatin na kita? " Tanong ni x, ngunit hindi na niya ako inantay makasagot agad niya akong kinarga at sinakay sa tricycle, bumalik ulit siya sa loob ng bahay para kunin ang bag na naglalaman ng kakailangan ko at ni baby saka niya kinandado ang pinto


∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Puting kisame ang bumungad sakin pagkagising ko, ramdam kong hindi lang ako nagiisa sa kwarto, sa tantya ko ay higit kumulang apat kami dito, nakakrinig din ako ng iyak ng sanggol, agad akong bumangon ng maalala ko ang anak namin, madaming pasyente na tulad ko na bagong panganak din, hindi nga ako nagkamali apat nga kami sa kwartong ito, agad kong hinanap si xerxes ngunit hindi ko siya makita, kailangan ko na talagang magpunta ng banyo dahil namimigat na ang puson ko, bitbit ko ang dextrose nagpunta ako ng cr mag-isa buti nalang talaga ay may pakong sabitan ng dextrose sa cr, malaya kong nagawa ang pakay ko pero nahirapan akong umihi dahil mahapdi ang bandang ibaba ko, ginamit ko ang tabo na naroon para sumalok ng tubig, maligamgam ang temperatura ng tubig bagay na ipinagpapasalamat ko,


Nang matapos ako, lumabas ako ng cr saktong bukas naman ng pintuan ng kwarto ayon at kakapasok lng ni xerxes agad siyang tumakbo palapit sakin ng makitang bitbit ko ng dextrose ko,

" Ga kamusta pakiramdam mo? " Tanong niya, ngumiti ako kahit pakiramdam ko ay medyo nanghihina pako

" Okey nako pangga, kamusta si baby? " Tanong ko,

" Babae ang anak natin ga, kamukhang kamukha mo, ang puti puti at ang lusog lusog " Masayang pagkwekwento sakin ni xerxes, sakto namang pasok ng nurse bitbit ang isang batang nakabalot sa lampin na kilalang kilala ko, lampin iyon na binili ko ibigsabihin anak namin ni x ang bitbit ng nurse, hindi ko napigilan ang mapaluha, nakangiting inabit sakin ng nurse ang baby namin ni x, gusto kong mapa simangot pero hindi ko magawa, ang sabi kanina ni xerxes kamukha ko raw ang anak namin, hindi ko napigilang hampasin siya ng mahina, hindi maipagkakailang si x nga ang ama ng bata, mula ulo hanggang paa, pati kulay ng balat at kulay ng buhok ay kay xerxes din nito namana, pinagmasdan ko ng pinaka magandang anak namin

" Lexi Kianna Roxas Battalier " Nakangiting banggit ko, lumapit si xerxes samin at niyakap kaming dalawa ni baby lexi, kung anung kinasimple ng pangalan ko ay binawi ko sa anak namin ni x,

" Mahal na mahal ko kayo ga! " Sabi ni xerxes, ng tignan ko siya ay umiiyak na ang asawa ko sa saya, hindi ko maiwasang mapaiyak din niyakap kaming muli ni x, natupad na ang pangarap namin, isa na kming ganap na pamilya, ang saya saya ko dahil sa wakas may sarili na akong pamilya na wala ako noon,

" Thank you sa lahat lahat tatay, mahal na mahal ka namin " Bulong ko, umingit ang batang karga ko kaya maingat kong nilabas ang dede ko at sinubo sa bata, ng mapatingin ako kay xerxes naka Simangot ito habang nakatingin sa dibdib kong subo ni baby lexi, napatawa ako

" Anung itsura yan tatay? " Tanong ko

" May kaagaw na talaga ako jan, sana pala sinulit ko noon " Nakangusong sabi niya, lalo akong bumunghalit ng tawa, dahan dahang dumilat si baby lexi at ganun nalang ang tampo ko ng makita ko ang mata niya, napahampas nalang ako sa braso ni xerxes na ngayon ay natatawa na dahil agad niyang naintindihan ang nangyayare, pati kasi kulay ng mata ng anak namin ay nakuha sa ama niya! Kulay brown din ito na kakulay ng chocolate! Mula bunbunan hanggang talampakan kay xerxes nakuha!

" Wala man lang kahit balahibo nalang sana sakin! " Nakanguso kong bulong! Lalong natawa si x, pero niyakap niya lang ulit kami ni baby lexi

" Para sakin ikaw parin ang pinaka maganda sa paningin ko bukod sa anak natin pangga, mahal na mahal na mahal ko kayo " Bulong niya, buhat doon ay kusa na akong napangiti, mahal na mahak ko din ang dalawang taong ito sa buhay ko.





∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

The Jerk's Revenge (Dark Night Society Series: Xerxes Batallier) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon