( Sun Rise )

286 11 3
                                    

Isabelle's POV...

Tulad nga ng sabi ni X, matapos ang dalawang araw ay bumalik kami sa manila, doon muli kami nanirahan sa condo, sabi ni X ay may nahanap na daw siyang bahay at lupa, noon pa daw niya balak bumili ng bahay ngunit nagdadalawang isip daw siya dahil hindi daw siya sigurado noon kung gusto ba niyang manatili nalang dito sa pilipinas, pero ngayon maayos na kami ay gusto na niyang kaagad na makabili ng makalipat na kami sa mas komportableng tahanan, kung saakin lang naman ay walang problema sakin kung dumito nalang kami ngunit ayaw pumayag ni X kaya pinagbigyan ko nalang ang kapritso nito tutal ay siya naman ang bibili, pangatlong araw na namin dito sa manila at dito na din pinagpatuloy ni Lexie ang pag-aaral, sa isang ekslusibong paaralan nagaaral ang anak namin ni X, late man ngunit hindi naman iyon naging balakit sa pagaaral ng bata dahil matalino ito, ga-graduate na din kasi ito ng elementarya, sa tatlong araw na iyon ay laging umaalis si X, sabi ni X ay may inaayos lang daw siya sa DNS building, ayon sa kanya ay kasalukuyang pinaguusapan daw nila ang tungkol saakin at kung anu ang magandang gawin, ngayon nga ay naghahanda ako para sa isang date daw ayon kay X, kanina ay may nagpunta dito at may hinatid na sang kudradong box na malaki na ang laman daw ay isang dress at sapatos pang babae, ng tumawag si X ay sinabi nito sakin na iyon ang suotin ko, dumating din ang tatlong babae na siyang magaayos daw sakin, nang tinanong ko ito kung saan kami pupunta ay wala itong isinagot sa halip bumulong lamang ito ng iloveyou,

" Let's go Mrs. Battalier? " Tanong ng isang babae na kasama ng dalawa pang magaayos sakin, nagsimula ang nga itong ayusan ako, naka bathrobe nalang ako ngayon dahil kakalabas ko lamang ng palikuran, tinutuyo ng isa ang buhok ko gamit ang blower samantalang busy naman ang isa sa paglinis ng mga kuko ko, ang isang babae naman ay nasa lamesa at may nga gamit itong inaayos doon na sa tantya ko ay mga make up. higit kumulang isang oras akong inayusan ng mga babae humarap ako sa whole body length na salamin at pinagmasdan ang babae sa repleksiyon, halos maluha ako dahil sobrang ganda nito at walang bakas ng pagiging si Isay, naka taas ang kalahati ng buhok ko samantalang ang ibang natira ang paikot na itinirintas, may iilang hibla ng buhok na bahagyang ikinulot ng nagayos sa magkabila kong pisngi, hindi halatang nilagyan nila ako ng make up dahil parang natural na natural ang mga pinta sa mukha ko, ang lipstick na ginamit ay peach ang kulay at para lamang natural, may ipinasuot silang kwintas, hikaw at porceras na kasama sa gown at sapatos kanina na dinala, kulay krema ang gown na hanggang dalawang pulgada palampas sa tuhod, ang isang manggas ay mahaba habang ang isa naman ay wala na parang tube, kitang kita ang morena ngunit pantay na kulay ng balikat ko, hindi naman gaanong mataas ang sapatos na pang babae, sabi ng isang babae ay 4 inches daw iyon, kulay silver ito tulad ng mga palamuti ko sa katawan at ilang designs sa dress na suot ko pati ng maliit na bag na kasama din sa pinadala kanina, nagmukha akong mayaman sa gabing ito, ibang iba ang nasa harapan ng salamin, wari'y ibang katauhan ito.

*****

Alas Kwatro ng hapon ako sinundo ni X, napahinto pa ito sa mismong hamba ng pinto ng makita ako, lumaki ang ngiti sa labi nito ng pagmasdan ang itsura ko, ako naman ay nailang dahil baka pangit sa paningin niya ang suot ko at hindi bagay kaya napayuko ako,

" Hey baby, you're so gorgeous, I Love You " Bulong nito kaya kahit papaano ay naibsan ang pagkabahala ko,

" So let's go? " Tanong niya at inialok ang braso niya, nahihiyang inangkla ko ang kamay ko dito

" Paano ang anak natin? " Tanong ko, ngumiti siya

" She'll be alright baby " Sagot niya kaya napanatag naman ako at tumango, inalalayan niya ako sa paglalakad papuntang elevator hanggang sa sasakyan, pati hanggang sa makarating kami sa isang restaurant, agad kaming iginaya ng isang waiter papunta sa isang lamesang may dalawang upuan sa medyo sulok ng kainan, nakaayos na ito at may mga pagkain na ding nakahain, pinaghila ako ni X ng upuan bago ito umupo sa harap ko, pinanood ko siyang magsimulang kumain, pinilit kong gayahin kung paano niya hawakan ang kutsilyo at may kalakihang tinidor, hirap na hirap ako sa paghiwa ng karneng nasa plato ko, hindi ko napansin na nakatingin na pala sakin si X

The Jerk's Revenge (Dark Night Society Series: Xerxes Batallier) ✅Where stories live. Discover now