( Dreaming )

272 14 2
                                    

Isabelle's POV...

Nagmulat ako ng mata ng tumunog ang alarm ng selpon ko, dalawang buwan ang matuling lumipas, gamay kona ang pamamalakad ng Islexes Fisdatall, dere-deretso na ang kita at stable na ang negosyo, madami na din akong mga suki na halos lahat ay mga nag ka karinderya o ilang lokal na restaurant, tama nga si aling Josie, malaking bagay ang social media sa negosyo ko, karamihan sa mga suki ko ay doon ko lamang nakuha, kahit hirap at pagod lagi ay sulit naman, apat na buwan na ang pinagbubuntis ko, gayong mas malaki ang tiyan ko sa natural na apat na buwan mukha itong limang buwan, imbes na alas 3:30 ng madaling araw ako kung magpunta ng talipapa ay ngayon ay alas kwatro y medya nalang dahil ang dealer na mismo ang nagtatabi ng mga order ko, iniiwan ko nalang kay aling josie ang bayad, madami na din akong kaibigan sa kalapit pwesto ko, yun nga lang hindi maiiwasan ang ilang mga may galit sakin tulad ni Maribeth at Porta na siyang laging may nasasabi kahit na wala naman akong ginagawang mali, lahat ay ginagawa nilang malaking bagay tulad nalang ng pagiging malapit namin ni Gabby na siyang admin ng naturang talipapa, madalas akong sumpungan ng iilang chismisan sa talipapa at ang laman ng chismis ay may relasyon kami ng naturang binatang admin, hindi din naman lingid sa kaalaman ko na may lihim ngang pagtingin si Gabby sakin ngunit sa tuwing magpapasaring ang binata ay agad ko iyong iniiwasan ayokong dumepende sa iba at lalong hindi pa ako handang buksan muli ang puso ko dahil nag-iisa lang ang laman nito mula pa noon, bumangon na ako sa kama saka uminom ng gatas pagkaraan ay naligo na din at nagayos, alas kwatro ay handa na ako kaya't lumabas na ako ng bahay, tulad ng nakagawian ay sinundo ako muli ni Gabby, ilang beses ko na itong pinagbabawalan ngunit makulit talaga ang binata, ika niya'y delikado daw para sa isang katulad ko ang maglakad ng ganung oras, bagay na nakasanayan ko naman ng gawin, nakangiti ito sakin saka inabot ang bag na dala ko sa tuwing pupunta ng pwesto, nginitian ko nalang din ito, sabay na kaming naglakad patungong talipapa, tulad ng dati nakamata parin ang lahat na akala mo ay kasalanan ng magkasabay kami ni Gabby sa pagpunta ng talipapa


" Hay nako Porta sumasama ang hangin, nangangati tuloy ako, hindi lang isda ang kaya niyang ibenta, buti may bumibili pa kahit bilasa na may itlog pa " Pagpaparinig ni Maribeth sa akin, alam ko naman na ako ang pinapatamaan nito at ito din ang tahasang nagpapakalat ng kung anu anung chismis sa akin,  hindi ko na lamang siya pinapansin nakasanayan ko na itong balewalain dahil walang magandang maidudulot, inasikaso ko nalang ang paninda ko, hindi ko na din kinausap si Gabby, mas lalo lamang akong pag-iinitan nila Maribeth dahil balita ko ay may gusto ito kay Gabby, napabuntong hininga ako.



" Magandang araw Aling Josie " Bati ko ng dumating si Aling Josie, sabi nila Mercedes ay pagkakuha sa mga order na isda ay umuwi daw uli ito dahil may sakit ang asawa, ngumiti ito pabalik sakin

" Magandang umaga iha, nagalmusal ka naba? Kumain kana muna at tiyak kong hindi kapa nag-aalmusal, masama sayo ang malipasan ng gutom " Pabalik na bati nito na may kasamang sermon, napangiti ako parang tunay na Ina na din kasi ang turing ko rito, sinulyapan ko ang selpon na nakapatong sa lamesa, ngumiti ako ng magbukas iyon, bagong larawan ng mag-ama ko ang wallpaper, nakagawian ko ng bisitahin lagi ang Facebook acc ni X para kumuha ng mga bagong larawan, litrato nila iyon sa isang magarbong silid, nakakandong ang anak namin sa ama at ngiting-ngiti ang bata samantalang ang ama naman nito ay pormal lang ngunit mababanaag ang lungkot, hinaplos ko ang mukha nito sa larawan,


" Kamusta na kayo? Miss na miss kona kayo, dapat galit ako sayo pero hindi magawang magalit ng puso ko, ganun ata talaga kita kamahal, mamahalin nalang kita mula dito sa malayo " Pagkausap ko dito sa isip ko, ngumiti ako at nag buntong-hininga, tumingin ako sa ginang na nakatingin pala sakin at sa selpon na hawak ko.


" Iyan ba ang asawa mo? Anak niyo ba iyang bata? " Tanong nito, nakita pala nito ang nasa selpon niya


" Hindi ho, hindi ko po siya asawa " Malungkot na sagot ko, hanggang ngayon ay masakit parin, masakit dahil nakita ko mismo siya noong ikasal ito


The Jerk's Revenge (Dark Night Society Series: Xerxes Batallier) ✅Where stories live. Discover now