( Engaged )

275 13 1
                                    


Isabelle's POV...

Gaya ng inaasahan maaga akong bumangon kinabukasan, alas tres palang ng madaling araw ay nakatapos na akong gumayak, uminom lang ako ng gatas para mainitan ang aking sikmura bago lumabas ng bahay para magpunta ng talipapa. Pagdating ko doon ay naroon na si Aling Josie, na sakto namang pagdating ng dealer ng mga isda at iba pang lamang dagat, likas na mabait si Aling Josie, ito pa mismo ang nagturo sakin ng mga mabiling lamang dagat dangan lamang na wala itong malaking puhunan kaya galunggong at tilapyang prinsesa kung tawagin dahil maliliit, iyon lang ang
paninda nito, nagkasya nalang muna ako sa limang klase ng lamang dagat na pinili ko, titignan ko lamang muna kung anu ang mabili, sampung kilo ng Bangus, sampung kilo din ng tilapyang pang ihaw, pitong kilo ng tahong, limang kilo din ng dalagang bukid at Walong kilo naman sa hipon, bumili nalang din ako
sa dealer ng dalawang 30 Liters cooler at ang isang cooler ay pinapuno ko ng yelo para sa ilang isda na ilalagay ko muna sa cooler, magdidisplay lamang ako ng tig i-isang kilo't kalahati, ngunit sa ngayon ay nilagay ko muna ang mga bundle ng mga isda sa cooler dahil balak kong mamili ng mga lyanerang pwedeng paglagyan ng mga display, sakto namang bukas ang isang bahagi ng Biñan Mart para sa night market, napagpasyahan kong magpaalam sandali kay aling Josie na agad naman tumango, minadali ko nalang ang pagpunta sa tyange, sa bungad ng tyange ay puro damitan at bilihan ng mga laruan sa
bandang dulo pa ang iba't-ibang uri ng kagamitan
kaya hindi na ako nagatubiling puntahan ang pakay ko, nagtingin-tingin ako sa mga naka display sa lapag na nakapatong sa isang pulang mahabang mantel, nakakita ako ng mga palangganang aluminum, kumuha ako roon ng tatlong medium size, sunod kong kinuha ang mga lyanerang pahaba, kumuha ako doon ng limang piraso saka nalang uli ako kukuha kung sakaling kulangin,


"Kuya meron po ba kayong timbangan?" Tanong ko sa nagtitinda, may hinalungkat ito sa mga naglalakihang kahon


"Ganito lang ineng, desabit iyan at eto ang saluhan,
ganyan lang ang meron dito pero matibay iyan
hanggang 15 kilos ang kaya " Paliwanag nito, kinuha ko nalang din iyon, napatingin ako sa mga pinamili ko, hindi ako pwedeng magbuhat ng mabibigat, nahihiya man ngunit kailangan


"Kuya mayron papo kayong kasamahan? " Tanong ko, umiling ang mamá


"Naku ineng magisa lang ako, bakit baga? " Usisa nito


"Hindi po kasi ako pwedeng magbuhat baka
makasama sa baby ko " Pag-amin ko, nakitaan ko naman ng simpatya ang naglalako


"Ms. Roxas? Anung problema?" Biglang tanong
ng bagong dating, nilingunan ko ito, ang admin ng talipapa ang nabungaran ko nakangiti ito sakin bagamat medyo nakakurnot ang noo



"Ayy kayo po pala Mr. Quirino, wala po " Sagot
ko, nakakahiya naman kung istorbohin ko pa ito,
tumingin ang binata sa nagtitinda



"Ahh ser Gabby eto ho kasing si ma'am ay
nagtatanong kung meron baga akong kasama dine sa pwesto, madami dami kasi siyang napamili kaya't walang nagbubuhat ay baga bawal sa kanya mangabuhat at buntis " Desretsong paliwanag ng naglalako, napatingin agad si Mr. Quirino sakin,



"Oh your pregnant? Wala kabang kasama? Nasaan ang asawa mo " Nang marinig ko iyon ay napatungo ako, paano koba sasabihin ng hindi siya magiisip ng iba naramdaman ata ni Mr. Quirino na wala akong balak sumagot kaya nagsalita ulit ito


The Jerk's Revenge (Dark Night Society Series: Xerxes Batallier) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon