( Truth )

322 15 1
                                    

Xerxes POV...


" Yow Battalier? " Biglang lumitaw si Zed sa pinto ng opisina ko, napaangat ako ng tingin dito


" What brought you here Prestly? " I asked, napatawa ito


" Seriously? I got the files regarding your wife past, would you still want to claim this? " Sarkastikong tanong ng ka brad ko sa DNS, bahagya lang akong tumango saka inabot ang folder na naglalaman ng mga ilang litrato at papel tungkol sa nangyare sa saamin labing tatlong taon ng nakakaraan,sinenyasan ko nalang si Zed na umalis na, napapailing nalang itong lumabas, binuksan ko ang laman ng folder, na nagsasabing Hindi naikasal si Isay sa matandang bumbay dahil namatay ito bago palang ang kasal, nakasaad dito ang pinirmahang agreement ni Isay, ayon doon ay pumapayag itong magpakasal sa bumbay kapalit ng operasyon ng Anak, Tiyuhin at ang pinang pyansa noon saakin, nalamukos ko ang mga iyon, all this time pinaparusahan ko ang babaeng malaki ang sinakripisyo para saamin! Sinisi ko siya sa lahat ng pasakit na nangyare saakin ng mawala siya sa buhay namin ng anak namin, ang laking katangahan at kasalanan ang nagawa ko sa babaeng mahal na mahal ko, malaman ko pa man din o hindi ang totoo ay balak ko na talagang bawiin ito, naghihintay lang ako ng tyempo, noong gabing umalis ito sa condo ay balak ko sana itong sundan kaya lang ay tumawag sakin ang step mom ko at sinabing sinugod sa ospital ang ama ko, wala kaming choice kundi lumipad pabalik ng london, ilang kilalang Private Investigator na ang hinire at tinanggal ko makita ko lang siya ulit pero walang nangyari, nagmakaawa na ako maski sa natitirang kamag-anak niya sa dating riles ngunit pati ang mga ito ay galit na galit sakin, naiintindihan ko naman iyon, desperado na akong makita siya ulit, noong nakaraang buwan ay bumalik ako ng pilipinas para dumalo sa engagement party ni Damon, hindi ko alam kung bakit hanggang doon ay sinusundan ako ni Krissy that b*tch! Noong umalis kami sa pilipinas ay sinundan ako nito dito sa london at sinabing buntis daw siya at ako ang ama, god knows isang beses lang may namagitan saamin, tatlong buwan bago dumating si Isay, sanay malaki na ang tiyan niya kung totoo iyon kaya hindi din ako naniwala, saka isa pa wala akong ganang makipag sex sa ibang babae matapos kong makita muli si Isay matapos ng ilang taon. Kaya hindi niya din natiis at inamin nga niyang nakita lang daw niya ang pregnancy kit na iyon sa common CR sa condo, kung nakita lang niya malamang ay kay Isay iyon dahil wala namang ibang babaeng dumadalaw sa condo, malakas ang kutob ko na nabuntis ko nga ito, Kung ganoon ay mas kailangan ko na nga siyang makita ulit, mamayang madaling araw ang flight namin pabalik ng pilipinas, may kailangan akong asikasuhin sa branch ko sa laguna, umaasa ako na sana ay makita ko na siya ngayon.


***


7 pm na kami nakarating ng manila, sinundo kami ng ilang tauhan ko at hinatid si Kianna Hotel dito sa manila, naiwan ang anak ko sa mga bodyguard nito dahil nagpahatid ako sa condo para kunin ang sasakyan ko, pagdating sa condo ay naupo ako sa sofa, napuno ng ala-ala ni Isay ang buong condo, san man ako tumingin, namimis kona ang Pangga ko, agad kong tinawagan ang PI na kontak ko at nagtanong ng balita ayon dito ay hindi daw siya makahanap ng impormasyon kung nasaan ito, napabuntong hininga ako, saka nag browse ng hotel sa laguna unfortunately walang available kahit anung suite, pati mga bahay bakasyunan ay wala din, siguro doon nalang ako sa dating bahay sa biñan tutal malapit lang sa Calamba mga 30-35 mins ang byahe hindi na masama, sinubukan kong kontakin sila aling Mameng ngunit hindi na makontak ang numero ng mga ito, bumyahe nalang ako papunta doon, siguro alas nuebe ay naroon na ako malilinis ko pa kahit sandali ang bahay, saktong alas nuebe nga ako nakarating sa biñan, pinark ko ang kotse sa labas ng bahay, ngunit nagtaka ako ng nakalock sa loob ang bahay, pinilit ko nalang itong buksan buti nalang hindi nasira ang lock ng pinto, binuksan ko ang ilaw sa bahay ngunit nagtaka ako ng makitang napakalinis ng loob ng bahay, parang may nakatira dito kung hindi ko lang iisiping matagal ng panahon mula noon huling kita ko dito, siguro ay nililinis ng mag-asawa, napangiti ako, dito kami nagsimula noon, nilapag ko ang bag sa lamesa saka dumaretcho sa kwarto ngunit natigilan ako ng makitang may nakahiga doon, nilapitan ko ito, bumilis ang tibok ng puso ko ng makita at makilala ko ang babaeng nakahiga! Sa tagal ko siyang pinapahanap ay dito ko lang pala siya matatagpuan! Hindi ko alam kung milagro ba o talagang sinadya ng pagkakataon na maubusan ako ng hotel na tutuluyan, etong lugar na ito ang huling lugar na naisip kong pupuntahan niya, lumabas ako ng kwarto saka pinatay ang ilaw sa sala saka kinuha ang bag ko, inayos ko ito sa gilid ng kama saka humiga, niyakap ko ang babaemg tulog na tulog sa tabi ko, nakapa ko ang may kalakihang tiyan nito, kumpirmado buntis nga ito, walang paglagyan ang tuwang nararamdaman ko, hindi ako dalawin ng antok kaya niyakap ko nalang ito, hanggang sa maramdaman kong magising ito, naluluha ito ng makita ako, mas lalo ko itong niyakap, alas tres ng muling magising ako, ayoko mang iwan ito ngunit kailangan, ng makaligo ay agad akong umalis para maaga kong matapos ang kailangan sa opisina. Pagbalik ko sa bahay ay walang tao doon at naka lock ang pintuan ng bahay.



" Xerxes! Naku iho,ikaw ba talaga iyan? " May nagsalita sa likuran ko kaya nilingon ko ito, nakita ko si aling Mameng na nakatunghay sakin, tipid akong ngumiti


" Nasaan po si Isay bakit wala siya dito? " Tanong ko


" Hala nagkabati naba kayo? Alam mo nabang nagdadalang-tao ang asawa mo? Abay baka nasa talipapa na't binabantayan ang pwesto niya sa isdaan " Sagot nito, ang sarap naman sa pakiramdam iyong asawa



" San po ba doon? Anu pong pangalan ng pwesto? " Muling tanong ko


" Islexes Fisdatall ata iyon, ipagtanong mo nalang siguro " Sagot nito, wala na akong inaksayang oras, ni hindi ako nakapagpasalamat, gusto ko ng makita ang asawa ko, sumakay agad ako sa kotse at pinasibad iyon papunta sa talipapa, pinark ko ang kotse malapit sa Meat and vegetable section ng pamilihan, agad ko siyang hinanap doon lahat ng pwesto ay mataman kong tinitignan, hindi ko na pinansin ang mga babaeng nagpapansin, kailangan kong makita ang asawa ko, sa medyo dulong bahagi ay napansin ko ang babaeng nagsusulat, nakahinga ako ng maluwag, wala itong pakealam sa paligid nagsusulat lamang ito, may minsan pa nga itong nagbibilang sa daliri wala sa loob akong napangiti lalong lumakas ang tilian ng mga babae, naglakad ako palapit sa kanya at ng magtama ang paningin namin ay bahagya pa niyang sinampal ang sarili, napatawa ako, mahal na mahal ko ang babaeng ito, agad ko siyang nilapitan at niyakap, pinunasan ko ang luha niya saka hinalikan, biglang bumigat ang timbang nito pagyuko ko ay wala na itong malay.



" D@mmm wife! " Nag-aalalang tanong ko, agad nilapitan ng matandang katabi nito si Isay



" Naku pagod at gutom iyan malamang, napakatigas talaga ng ulo ng asawa mo " Sabi nito, nangunot ang noo ko


" You know me? " Tanong ko


" Ayy eh lagi iyong nakatingin sa litrato mo kasama iyong batang babae, ayy tinanong ko nga kung asawa ka niya ang sagot ayy hindi ka daw niya asawa, siya iuwe mo nalang muna iyang babaeng iyan, tiyak na pagod yan, sabi ng huwag magpapalipas ng gutom, ako nalang ang bahala dito " Sagot ng matanda napangiti ako


" Salamat po " Sabi ko saka binuhat na ang asawa ko, ng makarating kami sa kotse ay pinaandar ko agad iyon, kinuha ko sa bulsa nito ang susi ng bahay, inihiga ko ito sa kama saka ako lumabas, nagluto ako ng sopas para dito saka ko siya binalikan sa kwarto. Nakaupo na ito sa kama ng makapasok ako sa kwarto, nanubig nanaman ang mata nito, lumapit agad ako saka ko siya niyakap


" Ssshhhhh stop crying wife, nandito na ako hindi na kita pababayaan, hindi na kita pakakawalan, I'm sorry, I'm sorry for everything, please give me another chance " Hawak ko ang mga kamay niya at hinahalikan ito habang sinasabi ko iyon, umangat ang kamay nito at hinawakan ang pisngi ko, napapikit ako



" K--kung iniisip mo lang ang bata sa sinapupunan ko, hindi ko siya ipagdadamot sayo, h--hindi mo kailangan makisama sakin para lang doon, parangawa mo na huwag mo akong pahirapan, dito nalang ako, kami sa malayo, masakit kasi lalo ngayon na pagmamay-ari kana ng iba, hayaan mo na kami dito " Hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi ni Isay dahil humahagulgol ito,ang tanging naintindihan ko lang ay pagmamay-ari na ako ng iba, sinong may-ari sakin? Hindi ko maintindihan.



∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Sep,16,2020 - 6:10 PM

-LND

The Jerk's Revenge (Dark Night Society Series: Xerxes Batallier) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon