( Same Old Me )

236 14 0
                                    

Isabelle's POV....

Maaga akong nagising kinaumagahan, alas singko palang ng umaga ay naghahanda na ako ng almusal matapos kong maligo, itlog at hotdog lang ang nakita ko sa Ref kaya iyon lang ang niluto ko, sinangag mo rin ang kanin dahil alam kong paborito iyon ni X, dinamihan ko talaga ng bawang para sumarap ang kain nito, alas sais na ng matapos ako sa pagprepara ng hapag, sakto naman ang labas ni Xerxes sa pintuan, agad itong napatingin sa nakahanda, niluwagan ko talaga ang pagkakangiti ko sa kanya

" Kain na, pasensya kana iyan lang ang nakita ko sa ref kaya iyan lang ang nailuto ko, naitanong q kasi kay lexi kung anung oras ka nagigisng tama naman na sinabi niyang ala sai-- " Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng talikuran niya ako at binuksan ang katabing pintuan na sa hinuha ko ay opisina niya.

" X " Tawag ko, lumingon naman ito sakin na madilim ang anyo

" I am your BOSS and its inappropriate if you adress me by my first name " Malamig na sabi nito, napayuko ako, kahit naman hindi ako marunong mag ingles naintindihan ko naman ang sinabi niya, ou nga naman amo ko siya at katulong lang ako

" S----sorry ser " Pinigilan ko ang mapaluha, kayang kaya mo yan Isay! Tandaan mo ikaw din ang may kasalanan malaki ang kasalanan mo sa mag-ama mo kaya magtiid ka! Pagpapalakas loob ko sa sarili ko, tuluyan itong pumasok sa opisina, napatingin ako sa mga pagkaing nakahain sa hapag  hindi ko maiwasang napabuntong hininga napailing ako at nagsimulang ligpitin ang mga nakahain sa kapna, nag  pupunas na lang ako ng lamesa nung may mag doorbell binitawan ko muna saglit ang basahan ay nagtungo sa pinto para pagbuksan may nagdo-doorbell nabungaran ko ang dalawang lalaki naka Americana nanlaki ang mga mata ng mga ito

" Hey nan jan ba si boss? " tanong ng isang lalaki nasa kaliwang pwesto medyo Mahaba ang buhok nito na umaabot sa balikat, medyo singkit, maputi at mga nasa 5'8 ang taas, kalang ang nasa kanang pwesto naman ay nakataas ang buhok sa unahan malamlam ang mata nito medyo may kalakihan ang mata, hula ko naman ay nasa 6 ft ang taas nito, niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto,

" Nasa opisina po si ser, pasok po kayo " pag-aalok ko ang lalaki nakataas ang buhok ay pumasok agad sa loob samantalang naiwan naman sa labas ang may mahabang buhok nakakunot ang noo nito

" You look familiar " Tila may inaalala ito, ako naman ay nagtataka, nagulat ako ng bigla nalang itong pumitik,

" I knew it! Isay? " Nakangiti nitong sabi, nagtataka pa ako nung una ngunit ng mas lumapad ang ngiti nito at lumabas ang dalawang biloy sa magkabilang pisngi nito ay para akong hinangin dahil nakilala ko ito

" Berting! " Masaya kong sabi, para pa kaming mga bata na nagtatatalon sa tuwa, hindi ko akalaing bigtime at napaka gwapo na ngayon ng dating uhuging tropa ni X sa Quiapo, napatingin din ako sa kasama nito na nakakunot ang noo walang duda si Marvin iyon, si Bilog na ex ng pinsan kong si Maricel, ng makilala ako nito ay dumilim ang mukha nito

" Tsk. Kaya pala pamilyar ka! Tignan mo nga naman, iiwan iwan mo tapos ngayong mayaman na ay babalik-balik ka! Bakit wala nabang pera ang bumbay na ipinalit mo sa kaibigan ko! " Nakakatakot ang anyo nito, halos sakalin ako nito dahil sa galit  napayuko ako

" Vin your mouth man! Hindi natin alam ang dahilan niya, at isa pa Ina padin siya ni Lady Lexi " Sita ni berting kay Bilog, tumingin ako kay Berting

" Kasalanan ko naman Berting " Nakayuko kong sabi

" Matagal ng walang Ina si Lady Lexi! " Galit na sabi nito, gusto ko na sanang umiyak ngunit pinipigilan ko

" Sorry Isay, " Hinging paumanhin ni Berting, tipid lang akong ngumiti, sinara ko nalang ang pinto saka akmang babalik sa kusina ng magsalita ulit si Bilog

The Jerk's Revenge (Dark Night Society Series: Xerxes Batallier) ✅Where stories live. Discover now