Epilogue

486 32 0
                                    

Isabelle's POV...

Maingat akong naglakad palabas ng bahay patungo sa hardin na pinasadya ni X, dalawang buwan matapos naming ikasal ay natapos ang pagrerenovate ng nabili niyang bahay dito sa Greenhills, Isang three storey house ito na may labing apat na kwarto, kasama na ang guest room at maid's quarter, may infinity swimming pool sa likod ng malaking bahay na may extension ng Billiard hall, iyon ang paboritong laro ni X, madalas ding magpunta ang ilang kaibigan niya dito na myembro rin ng DNS, nakilala ko na din ang asawa ni Damon na siyang nagdiwang noon ng Engagement party na inakala kong kay X at Icel, mabait si Marian madaldal ito at madaling pakisamahan, minsan na ring dumalaw rito si Osang at tuwang-tuwa ang kaibigan ko dahil kinuwento ko sa kanya kung paanong naging kami ng pinsan niya, sinabi ko din dito noon na nagseselos ako sa kanya, iba daw talaga ang tingin niya kay X noong nasa Quiapo pa kami, magaan daw ang loob niya dito na malayo sa pagkakagusto, natatawa nalang kami sa mga kalokohang ginawa ko noon lalo ng nalaman niyang iyon ang dahilan ng biglang hindi ko pagpansin sa kanya, nilipat na ang main office ng BT Empire dito sa manila, kaya madalang nalang kung bumisita ang asawa ko sa London, limang araw kung pumasok si X, busy man ito sa tuwing may pasok ay hindi naman nalilimutang ilaan saamin ang sabado at linggo, madalas kaming lumabas tuwing linggo upang magsimba, kabuwanan ko na ngayon sa pangalawang anak namin ni X, noong nakaraang dalawang buwan ay ginanap ang totoong kasal namin ni X sa simbahan walang aberyang nangyare, wala na din akong naging balita pa kay Icel, kumuha si X ng tatlong kasambahay, sila Nymfa, Rona at Manang Elsa, si Manang Elsa ay galing pa sa london ito ang naging kasa-kasama ng Ama ni X doon na kinuha ng asawa ko para makasama namin, mabait ang matanda at parang tunay na anak na ang turing saamin. alas nuebe palang ng umaga kanina pa nakapasok sa trabaho si X, ang anak naman naming si Lexi ay nag-aaral na nasa ika-unang taon na nito sa sekondarya, wala akong ibang kasama dito kundi sila Manang Elsa at sila mang Gardo at Mang Juanito na driver at hardinero na kinuha ni X, si Nymfa ay tatlong buwan na dito saamin samantalang sila Rona, Mang Gardo at Mang Juanito naman ay sabay-sabay at limang buwan na dito, si Manang Elsa ay kasama na namin mula ng lumipat kami dito, masaya ang buhay namin ni X bagamat may mga tampuhan ngunit hindi naman namin hinahayaan makatulugan ang mga simpleng bangayan. Sa ngayon ay natigil ang klase ko, pinatigil muna ni X dahil nga kabuwanan ko na, nakapag take ako ng acceleration program noong umuwe kami ni X galing palawan, naipasa ko iyon at nakakuha ng High School diploma, ang kinukuha ko ngayon ay kursong Education, nasa ikalawang sem nako ngayon, noon ay nakakapasok pa ako sa unibersidad ngunit ng mag pitong buwan na ang i pinagbubuntis ko ay sinasadya na ako ng mga propesor ko dito sa bahay, maselan kasi ang lagay ko dahil na din sa kambal ang anak namin ni X, hindi pa namin alam kung anu ang kasarian dahil nais naming surpresa ito.


" Ate eto na ang juice mo at sandwich, etong vitamins mo ate iwan ko nalang din dito, " Untag ni Nymfa sakin, tumango ako at ngumiti

" Salamat Nymfa " Sagot ko, ngumiti lang siya at bumalik sa loob, akma ko ng isusubo ang sandwich ng makaramdam ako ng bigat sa may bandang puson, parang may dumaang makirot doon kaya napahinto ako, sa halip na kumain ay naisipan kong naglakad-lakad, napatingin ako sa gate ng makitang bumukas iyon, natanaw ko ang bulto ng isang babae, napangiti ako ng makita ako nito, kumaway pa ang bruha, naglakad ako pasalubong sa kanya dahil may bitbit itong isang paper bag

" Uyy kamusta ang buntis? " Tanong niya, napangiti ako


" Parang ikaw hindi buntis ahh? " Pang-aasar ko, anim na buwan na din kasing buntis si Osang, sabay pa kaming natawa, aabutin ko sana ang hawak niyang Paper bag ng may maramdaman akong malamig sa pagitan ng mga hita ko,

" Oh my god! " Singhap ni Osang, napatingin ako sa kanya wala sa mukha ko ang paningin niya, natarantang bigla si Osang

" Manang Elsa! Nymfa! Rona!! S--si Isay!! Tulongggg!!! " Nagsisigaw siya

The Jerk's Revenge (Dark Night Society Series: Xerxes Batallier) ✅Where stories live. Discover now