28 - Rekindle

1.8K 69 12
                                    

MONDAY

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


MONDAY


Sece

Monday on the way na ako
please prepare everything baka
maghotel tayo dun

since u know sobrang layo ng
Lakeview, drive na ako

You

Ingat sa pag drive!!!

Linagay ko muna sa bulsa ko ang cellphone at nilagay ang mga gamit ko sa isang backpack, brought a lot of films of Avara naisipan ko kasing panuorin ito sa may puntod niya since nagplano kami ni Sece to stay there for 3 hours. Na ready na rin ng asawa niya ang set up ng tent roon so we should be comfortable pag karating namin.

Sece, already did book the hotel for us and made sure everything is going smoothly at ang kulang nalang talaga ay makarating kami doon. I wasn't expecting this lalo na coming from her but I really do appreciate all the support I can get.

Dinala ko na rin ang blanket na binigay ni Avara and some snacks of course, isang libro probably at night gusto kong magbasa and the tapes and other stuff I have here. Bigla naman tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Dad.

[ phone call ]

"Hello Dad?"

"Hello anak, nandiyan ka lang ba sa Condo mo? Papunta na ako diyan."

"Ngayon ka na po pala dadating?"

"Oo nga diba sinabi ko sayo kahapon, ngayon ako dadating kasi gusto kong mag bonding tayo."

"Sorry Dad, pupunta kasi kami ngayon ng Lakeview City ni Sece kasi nandoon po yung puntod ni Avara. You are very welcome to join us kung gusto niyo po, baka kasi iba yung gusto mong gawin."

"Really baby? That's great, syempre sasama ako. Hindi naman talaga maganda yung pag kikita namin dati ni Avara, gusto ko lang siguro makabawi."

"Thanks Dad, I just really need this and thank you kasi na diyan ka para sa akin."

"Always, I made a lot of mistakes building our family and siguro matagal tagal pa naman ako dito sa mundo pwedeng pwede pa akong bumawi sa unica ija ko."

"Oh stop it, Sece is on her way po. Hintayin ka po namin dito sa Condo."

"It's okay sa Lakeview nalang tayo magkita, saang sementeryo ba?"

"Lakeview Memorial Park, Dad. Ingat po kayo. Sige didiretso nalang po kami kung ganun."

"Okay anak, ingat rin kayo. Love you."

"Love you too, Dad."

[ end ]

Nag check ako sa phone ko at merong 3 messages coming from Sece. Nandito na siguro siya?


Loving Monday Crusces Where stories live. Discover now