Kabanata 1

6.6K 140 13
                                    


KABANATA 1.

Norse God of Thunder.


"SAAN BA kayo ngayong sem break?" My friend, Fita, asked. We're currently eating on our favorite spot here on Area 2. Talagang dumayo pa ang mga kaibigan ko from their school to our school so we can eat together.

Kakatapos lang ng last day ng finals namin and we thought that we deserve to eat dahil sobrang na-stress kami ngayong sem. Which is true naman talaga dahil halos bumagsak na ako sa isang engineering subject ngayong sem dahil nag-cram ako. Pero dahil napaka-supportive ng mga loka-loka kong kaibigan ay naipasa ko naman on time lahat ng projects ko.

"As usual, nga-nga parin. My parenrs are probably busy. Wala naman akong plans so far kaya most probably nga-nga talaga ako." My other friend, Rafaela or Rafa, as what we call her, said. She's studying in UST pero dumayo pa rito sa UP para kumain at mag-rant. Ngumunguya pa siya habang nagsasalita na akala mo ay 'di anak ng sikat na negosyante.

"Napakababoy mo talagang kumain, Rafaela!" That's the mom of the group, Adriana or Adi. She's the mom 'cause she's the oldest and maybe, just maybe, pinaka-mature din. But she can be childish too. Most of the time, she is.

"Wow, hiyang-hiya naman ako sa'yo, Adriana. Sino bang naglagay ng bagoong sa siomai?" Rafa sarcastically said. Natawa naman kami ni Fita. Kapag nagkikita-kita kaming apat ay hindi mawawala ang asaran nina Adi at Rafa. It always happened. Sanay na kami sa ingay nilang dalawa. Actually maingay naman kaming lahat pero mas maingay lang talaga sina Rafa at Adi.

"Nako itong si Fita patawa-tawa akala mo naman di maduming kumain. Sus!" Lalo akong natawa sa sinabi ni Rafa. Agad naman itong sinigundahan ni Adi.

"Ibang pagkain naman kasi ang kinakain niyan. Rawr!" Halos maiyak na ako kakatawa sa sinabi ni Adi. Binato naman siya ni Fita ng bote ng mineral water.

"Ikaw Adriana napaka-feeling virgin mo talaga!" Ani Fita.

"Gusto mong makakita ng virgin? Ayan oh!" Adi said while pointing at me. I pouted as they tease me. Lalong umingay sa table namin dahil sa pang-aasar nila sa'kin. I didn't mind though. Totoo naman kasi na virgin pa 'ko. I'm just twenty. It's normal.

"Ewan ko sainyo." Natatawa kong sabi habang kumakain ng siomai.

"Spica, our smartest friend, bakit ba kasi hindi ka mag-boyfriend nang madiligan ka naman!" Ani Rafa. Natawa ako ng malakas dahil sa ginamit niyang term. Madiligan. WTF. Parang inosenteng salita lang iyon pero para sa mga green minded kong kaibigan, walang inosenteng salita. Napailing nalang ako sa mga kalokohan nila.

"What about let's go clubbing later? Tutal sem break naman na natin." Fita suggested. Agad itong sinang-ayunan nina Adi at Rafa. I couldn't deny the truth that Adi, Rafa, and Fita are party girls. Kapag may pagkakataon na magkakasama kaming apat ay nag-aaya silang mag-clubbing o uminom. I always decline pero 3:1 kami kaya lagi akong talo.

Adi is from La Salle, Rafa is from UST, while me and Fita is studying at UP. Dapat ay mag A-Ateneo noon si Fita pero dahil nakapasok ako sa UP ay nag-UP narin siya since nakapasa rin naman siya sa UPCAT.

I was new in Manila that time at si Fita lang ang kilala ko kasi anak siya ng bestfriend ni Mama. Rafa and Adi were introduced to me by Fita. Unang tingin palang ay alam ko nang sosyalin talaga silang tatlo. But they never let me feel that I'm an outcast nor I don't belong to their inner circle. And that's what I'm thankful for. They treat me fairly kahit di kami pantay-pantay ng estado sa buhay.

Mag ga-gabi na nang makauwi kaming apat. Nauna nang umalis sina Rafa at Adi dahil malayo pa ang mga condo nila. Kami naman ay ni Fita ay dumiretso na sa condo naming sa Katipunan. We're living together for more than a year now. And we're proud to say na galing sa sarili naming pera ang pinangbili ng condo na 'yon.

War in KatipunanWhere stories live. Discover now