Kabanata 14

2.7K 77 19
                                    


KABANATA 14.

Not mad.



NATULALA ako sa sinabi niya. Nakaduko siya at ang mga kamay niya ay nakahawak pa rin sa manibela ng sasakyan niya.

“A-ano?”

“Are you mad at me? Are you upset? May nagawa ba ‘ko?” Nagulat ako sa sunod-sunod niyang tanong. Mabilis ang pagtibok ng puso ko at hindi ako makapagsalita sa gulat.

He looked at me. “May nagawa ba ‘ko? Tell me what is it. Tell me the reason why are you not talking to me. Kasi, Spica, nababaliw ako kakaisip kung bakit hindi mo ‘ko kinakausap. I’ve spent Sundays here in Katipunan. Sumasama ako mag-simba kina Ate Spica doon sa simbahan na pinag-sisimbahan mo Linggo-Linggo, hoping that you would atleast glance at me, but you didn’t.”

He looked so lost. His eyes were full of unknown emotions and unsaid feelings. Halos hindi rin ako makapagsalita dahil sa mga sinabi niya. Hinawakan ko ang puso kong kanina pa nagwawala. Luthor’s words were like knives. Kumikirot ang puso ko dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

“Tintukso na ako ni Ate Lilac na baka raw may pinopormahan ako rito sa Katipunan pero binaliwala ko nalang kasi gusto kong bumalik tayo sa dati. ‘Yong magkaibigan tayo. ‘Yong nag-uusap tayo. Kasi ang hirap kapag hindi mo ‘ko kinakausap. Nasanay na ako na kinakausap kita kaya iba sa pakiramdam kapag hindi mo ako napapansin.” Patuloy niya pa.

Hinigit ko ang hininga ko. Bakas sa boses niya na nahihirapan siya. I was just looking at him like he’s an unsolved puzzle. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto sakaniya ng ilang linggong hindi ko sakaniya pagpansin.

Siguro hindi siya sanay na hindi siya pinapansin ng mga kaibigan niya kaya ganito na lamang siya mag-react. Siguro ganito rin siya sa iba niyang kaibigan kapag hindi siya pinapansin ng mga ito. But I just can’t deny the fact that Luthor is very sincere on what he said. I mean, he’s really kind and gentleman but I didn’t expect that he cares for a friend this much.

“Hey, I’m not mad at you.” Bahagyang lumiwanag ang mukha niya pero agad rin siyang sumimangot.

“But you’re not talking to me, o kahit tingnan ako hindi mo ginagawa!” Natawa ako. Alam kong maling tumawa sa ganitong sitwasyon. But I can’t help it. He looks so adorable. Mukha siyang bata na hindi pinansin ng kalaro niya. Hay, Luthor, what will I do to you?

“I’m sorry if I ignored you these past few weeks. I’m just pre-occupied with my studies.” At pati na rin sa pag-iisip sa’yo. Nakakaintindi siyang tumango pero halata parin ang pagtatampo sa mukha niya.

“I’m sorry, okay? I promise papansinin na kita kapag nasa church tayo.” Lumiwanag ang mukha niya.

“Talaga?” parang batang usal niya. Natawa ako.

“Yes.”

“And we’ll hang out sometimes?” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Wala ka bang pasok? ‘Di ba graduating ka na sa med school?” Napakamot siya sa batok niya na parang bata. He looks so cute, I swear!

“I’m just finalizing my thesis. Tapos na ‘yon at nagp-proofread nalang ako at nage-edit so I have all the time in the world.” I rolled my eyes. Halatang nagpapalusot lang siya pero hinayaan ko nalang. He’s still my friend afterall. At gusto kong bumawi sa hindi makatarungang pang i-ignore ko sakaniya.

“Okay, fine.” He grinned. That made my smile grow wider. Mas magandang tignan kapag nakangiti siya o kahit nakangisi. Kaysa naman sa mukha niya kanina na mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa.

War in KatipunanWhere stories live. Discover now