Kabanata 17

2.5K 79 15
                                    


KABANATA 17.

Christmas Vacation.




AFTER the fireworks, my friends showed up. Nag-aya na silang umuwi dahil maaga pa silang aalis bukas. Pinaulanan muna nila ako ng tukso bago nang makita nilang si Luthor ang kasama ko buong gabi. Luthor didn’t mind though. Unti-unti na siguro siyang nasasanay sa pang-aasar ng mga kaibigan ko.

I thanked Luthor for accompanying me tonight before going home.

“Baka pagkagising mo bukas, wala na ako kaya ibibilin ko na sa’yo ‘yong kotse. May susundo sa’kin bukas na… trabahante sa farm kaya hindi mo na ‘ko kailangang ihatid sa bus station.” I smelled something fishy about her being picked up by a worker on their farm pero hindi ko nalang din pinakialaman dahil magsasabi rin naman si Fita kung gusto niya.

Tumango nalang ako at nag-usap pa kami saglit. She keeps on insisting that I should go home to Batangas to spend Christmas and New Year pero tinanggihan ko ito. Talking about me, going home drained me more kaya’t nakatulog agad ako.

Kinabukasan ay alas otso na ako nagising. Ang true to Fita’s words, wala na nga siya pagkagising ko. But she’s nice enough to cook something for me. May note pa na kasama roon.

‘You can bring visitors in our condo. If you change your mind about going home, call me. Love you!’

Napabuntong hininga ako. I will never change my mind about going home. I’ve been doing this for years already. Hindi ako umuuwi sa Batangas tuwing Pasko o kahit na anong bakasyon. Kahit pilit kong itanggi, alam ko sa sarili ko na dahil ‘yon kay mama.

Fita will never push me to go home if I don’t want to. And I give credits to her for that. Ayaw ko lang talagang umuwi dahil pakiramdam ko… wala naman akong uuwian pa. I didn’t really cut ties with my parents pero parang gano’n ang nangyari. Lalo na noong mag-Maynila ako para mag kolehiyo.

Ni isang beses sa halos apat na taon ko sa kolehiyo ay hindi ako umuwi ng Batangas. Wala naman akong gagawin do’n. Mama is probably busy with her work as an assistant chef. And papa… they’re not living together anymore and he’s on States probably. They are both chef. I don’t know how exactly happened they just… slipped away. And probably they didn’t thought of the effect of their separation to me.

Christmas season didn’t make me feel better. Christmas is for families. And I don’t have one. Or maybe I have. But we’re not together. I lost all the reasons to celebrate this kind of events because I don’t have anyone to celebrate it with.

Kaya tuwing ganitong Christmas vacation ay mag-isa talaga ako. My friends were always out of the metro every Christmas season. They’re with their families. And I am here… alone. Every Christmas Eve at sa mismong araw ng Pasko ay nagsisimba ako para maibsan naman ang pag-iisa ko. Although I don’t have a family to celebrate it, I can celebrate it with God, right?

Natigil ako sa pagkain nang marinig ang door bell. I unconsciously looked at the time. Alas nuwebe. Sino naman ang pupunta rito sa condo? Wala naman ngayon ang mga kaibigan ko. tumingin ako sa peep hole at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko Luthor sa labas ng pinto!

“Anong ginagawa mo rito?” Bungad ko sakaniya. He was wearing a gray shirt and a black shorts. Halatang bagong ligo at may dala pang itim na backpack. Nangunot ang noo ko. Backpack?

“Pwede pumasok?” I opened the door wider para makapasok siya. Agad naman siyang dumiretso sa sala at inilapag ang bag niya sa sofa. Nakakunot parin ang noo ko. Para saan ba kasi ‘yong bag? At bakit siya andito? He is supposed to be with his family. Ang sabi saakin ni Ate Lilac noong nagkwentuhan kami noong nakaraan ay sa US magpapasko ang pamilya nila. So anong ginagawa rito ni Luthor?

Naglakad ako papalapit sakaniya at nakapamewang na humarap kay Luthor.

“Hoy, anong ginagawa mo rito? Akala ko ba ngayon ang alis niyo papuntang US?” Tanong ko kay Luthor. He didn’t even look at me! Busy parin siya sa paghalungkat ng kung ano sa bag niya.

“Hey, Luthor, ano ba?” Pangungulit ko pero hindi niya parin ako tinitignan! Bago pa ko mainis ay hinablot ko na ang bag sakaniya. Umalma siya pero niyakap ko ang bag para hindi niya iyon makuha saakin. Tinignan ko siya ng masama.

He laughed nervously that made it even suspicious. I looked at him again before looking at the bag. Ano naman kayang laman nito?

“D-damit?” Umawang ang bibig ko nang makita ang laman ng bag. I saw some shirts and shorts! Mabuti nalang ay wala akong nakitang underwear! Oh my gosh! Why would he bring clothes? Ito ba ‘yong dala niya papuntang US? Ba’t kakaunti naman ata?

He laughed nervously. “Can I crash here?” Nabitawan ko ang bag niya sa pagkabigla.

“What?”

“I said, can I crash here?” Napaawang lalo ang bibig ko.

“Teka, ‘di ba dapat kasama ka nina Ate Lilac sa US? Anong ginagawa mo rito?”

“’Yon nga. Nagpaiwan ako.”

“Ano?!” Nagpaiwan? Seryoso ba siya? Pero bakit? Shock was evident on my face. Pero siya, napaka-chill lang niya!

“May tinapos pa kasi akong papers na ipapasa ko mamaya kaya hindi ako sumabay sa flight nila kanina,” Tumango-tango ako.

“So susunod ka nalang sakanila pagkatapos mong ipasa ‘yong papers mo?”

“No.” Gulat ulit akong napatingin sakaniya. Umayos naman siya ng upo at tumingin saakin. “I’ll spend Christmas here.”

I am still shocked. He will spend Christmas here? Hindi ko maintindihan. I mean, he can always book a flight papuntang US para doon mag-celebrate. So I don’t get why would he spend Christmas here. For sure wala rin dito ang mga kaibigan niya dahil may kaniya-kaniya rin silang mga pagtitipon.

Luthor can’t celebrate with them. Ano ba kasing naisip ng lalaking ‘to at nagpaiwan?

“I’ll celebrate Christmas with you.” Kung akala ko ay wala na akong igugulat pa ay nagkamali ako. Gulat na gulat akong tumingin sakaniya. Nakaupo parin siya sa sofa at nakatingin saakin. He must be kidding. He can’t be serious, right?

“Hindi ako sumama sakanila sa US kasi alam kong wala kang kasama rito.” Pucha. Parang gusto kong maiyak. Totoo ba ‘to? Kasi kung hindi, pwede ko pang pigilan ang luha ko. Pero nang tignan ko si Luthor, walang mababakas na pagbibiro sa mukha niya. He is so damn serious!

“Pero bakit?” He smiled.

“You don’t have to be alone. You have me now.”

War in KatipunanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora