Kabanata 4

3.2K 100 28
                                    


KABANATA 4.

Call.



THREE DAYS passed already. Mabuti naman at sa loob ng three days na ‘yon ay hindi naisipang magyaya nina Adi sa bar. Aba, hindi naman bakal ang atay ko ‘no! At saka nag-advance reading na ‘ko sa mga majors namin sa engineering. Ayoko na kasing maulit ‘yong nangyari last sem. Nag-cram talaga ‘ko ng bongga ‘don eh. Kaya pala kami tinawag na cramming maroons. Hahaha! Ang funny!

“Good evening mga petsay na walang dilig!” Napalingon ako nang pumasok sa kusina sina Adi at Rafa. Ano naman kayang ginagawa ng mga ‘to dito? Hindi napadpad ang dalawang ‘to dito sa loob ng tatlong araw. Ewan ko kung anong ginawa nila at kahit nga chat sa GC ay wala. Tapos biglang lumitaw ang mga hampas lupa.

“Ano nanamang ginagawa niyo rito?” Tanong ko. Umupo lang silang dalawa sa upuan sa harap ko. Lumabas na rin si Fita sa kuwarto niya at tumabi saakin.

“Ang taray ni friend, akala mo naman nadiligan.” Rafa commented. I just rolled my eyes at her. Napaka-bastos talaga ng bunganga ng babaeng ‘to. Sina Adi at Fita naman ay tumawa lang.

“Ulol.”

“Para kayong timang. Nga pala, may house party mamaya yung kaibigan namin ni Rafa. Gora tayo. Parang nam-miss na ng bituka ko ang alak.” Sabi ni Adi habang umiinom ng tubig. Napasapo nalang ako sa noo ko. Pakiramdam ko, pagkatapos ng sem break ay may butas na ang mga bituka namin.

“’Wag kang maarte, Spica. Hahanapan ka naming ng lalandiin mamaya.” Baliwalang sabi ni Rafa. Napairap nalang ako sa sinabi niya. Lagi naman nila akong hinahanapan ng potential kalandian pero wala naman akong pinapatulan. At saka, wala namang maitutulong sa pagyaman ko ang mga lalaking ‘yan. Charot!

“Kaya naman pala maingay nanaman ang condo namin. Andito nanaman ang mga demonyo.” Wika ni Fita habang naglalakad papunta sa ref para kumuha ng tubig.

“Ay, angel ka gurl?” Pabarang sagot ni Rafa. Natawa na lamang ako sakanila. Pagkatapos ng maingay na pagtatalo naming apat sa kusina ay wala rin kaming nagawa kundi ang sumama sa house party ng kaibigan nina Rafa.

IT WAS already nine in the evening when we arrived. Masyado kaming natagalan sa pagpili ng damit dahil silang tatlo pa ang pumili ng susuotin ko. Masyado raw conservative ‘yong dress na napili ko kaya kumuha pa sila ng maraming dress sa closet ni Fita at pinasukat saakin. Since I am taller than Fita, her dress were shorter when I wore it. And Adi and Rafa were happy about it. Don’t even ask for my reaction. Nakakapangilabot.

I am wearing a black spaghetti strap dress three inches above the knee and backless! Ni hindi nila naisip na baka malamigan ako. And they made me wear a black three inches stiletto. Gosh!

“Oh, Rafaela, Adriana, you guys came!” A guy on a gray long-sleeve approached us. Nakipag-beso naman sina Adi at Rafa doon sa lalaki. Ito ata yung nagpa-party. In fairness ah, ang ganda ng bahay. Sobrang spacious.

“Yeah, we’re with some friends.” Pinakilala kami ni Rafa doon sa lalaki na ngayon ay may pangalan na. LOL. His name is Ethan, from UST din. He looks okay naman. He seems friendly, just like Rafa. Bakit ba lahat nalang ng kilala kong Thomasian, mukhang friendly? There’s Rafa, Alonzo, now here’s Ethan. And Luthor…

Naputol ang pag-iisip ko nang hilahin ako ni Rafa para ipakilala sa mga kaibigan niya. Pero napansin kong karamihan sa mga pinapakilala niya ay mga lalaki. I glared at her but she just smiled innocently. Tinotoo niya talaga yung sinabi niyang hahanapan niya raw ako ng kalandian!

After the meet and greet with Rafa’s friends, I felt exhausted. Nakakapagod maglakad-lakad na may hawak na red cup at naka-stiletto. At naiihi na rin ako dahil umiinom kami habang nagkikipagkwentuhan sa mga kaibigan ni Rafa. When I saw Ethan, I asked him where the rest room is.

War in KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon