Kabanata 7

2.8K 93 6
                                    


KABANATA 7.

Stolen.



NAHINTO ako sa pagtawa nang may marinig akong nagsalita sa likod ko.

“OMG is that Luthor?”

“Why is he in the pool?”

“Baka tinulak ‘nong babae.”

Napairap nalang ako. Nakalimutan kong famous nga pala ang lalaking ‘to. Maraming nakakakilala, lalo na sa mga babae. Malamang guwapo eh. Gustong-gusto ng mga malandita na makakita ng poging yummy na katulad ni Luthor. Pwe!

“What the…” natigil ako sa pag-iisip nang maramdamang nababasa na talaga ang damit ko. Mabilis akong napatingin sa gawi ni Luthor. At ang hinayupak, sinasabuyan na pala ako ng tubig!

“Tigilan mo na nga ‘yan,kainis ‘to!” saway ko pero parang wala siyang narinig dahil patuloy lang siya sa pag-saboy saakin ng tubig. Basang-basa na ako at ang sama na ng tingin ko sakaniya pero siya ay tumawa lang nang tumawa.

Lalo akong napasimangot nang ma-realize ko kung gaano na kabasa ang skirt ko. Pa’no ako uuwi nito?! Napairap nalang ako. Shit, bahala na!

Gumanti ako kay Luthor. Sinabuyan ko na rin siya ng tubig. I saw a ghost of smile on his face. Naggantihan lang kami na parang mga bata bata. Luthor, on the middle of the pool and me, on the side of the pool.

Patuloy lang ang ang gantihan namin at basing-basa na rin ako. The pool area were filled with our laughter and grunts. It was fun, alright. I didn’t care if there are people watching, I was having having fun and it’s all that matters.

Naputol ang pagtawa ko nang makitang wala ni si Luthor sa gitna ng pool. I roamed my eyes around the pool but Luthor wasn’t there. At saan naman kaya nagsuot ang isang ‘yon? I was about to stand when I felt a hand on my foot!

“What the hell!” napasigaw ako sa sobrang gulat. Napahawak rin ako sa bandang puso ko sa sobrang gulat. But I was awaken by Luthor’s loud laugh. Naningkit agad ang mata ko. tarantado talaga ‘tong lalaking ‘to!

“You think it’s funny?” I asked in a serious tone. I crossed my arms in front of me. Tumigil siya sa pagtawa at tumingin saakin. Nakita kong napalunok siya nang makita ang seryoso kong mukha. I want to laugh at his reaction but I stopped myself.

“H-hey, sorry. I-I was just having fun.” I swear he is so cute when he stuttered. But my serious face remained still.

“Having fun? You think it’s funny? I almost had a heart attack!” lumangoy siya papalapit sa’kin. I was distracted by his eyes. Bakit ba kasi ang pogi niya? Ang hirap magalit!

“I’m sorry na po.” He was already in front of me. Bakas ang pagsisisi sa mga mata niya. Mukhang naniwala talaga ata siya na galit ako. I didn’t say anything, I just stared at his face for a moment. I’m hearing Stolen by Dashboard Confessionals in the background, it was being played inside the house. This is a house party and I didn’t expect to hear that song in a situation like this.

Nevertheless, I enjoyed the song while looking at Luthor’s face. Tumatama ang mga ilaw na nagmumula sa loob ng bahay sa mukha niya. I felt my heart like it’s being crumpled. Napalunok ako nang dumako ang tingin ko sa adam’s apple niya. He was just so perfect. My heart won’t stop beating faster than normal. My breathing shorten when I looked into his eyes. I can’t believe that he have this effect on me.

“Are you mad?” I was driven back to reality when he spoke. His voice were soft, it always is. Even in his dark and rough features, his voice is always calm and soft. I realized that I was looking at him for quite a long time now. The song is already fished and another song is now being played. Nataranta ako nang maisip kong buong duration ng kanta ay nakatitig lang ako sakaniya.

Ano nanaman ba ‘tong kahihiyan na ginawa ko? Why am I even staring at his face? Why am I mesmerized by his eyes? Why is my heart beating so fast when he’s near? Why am I feeling happiness when I’m with him? Why?  Do I… like him? No.

“Hey,” I almost lost my mind when he held my hand! My reflexes moved so fast that I didn’t realized that I kicked his face already! Oh my gosh!

“Shit!” napahawak ako sa bibig ko nang makitang hinahaplos na ‘yong pisngi niyang namumula.

“S-sorry. Masakit ba?”

“Ano sa tingin mo?” pabarang sagot niya. Napangiwi ako nang makita kong namumula nga ‘yong kaliwang pisngi niya. Doon ko ata siya nasipa.

“Come here, titignan ko.” Lihim akong napangiti nang walang imik siyang lumapit saakin. He is in between my legs. Too close and I feel my heart beating fast but I ignored it and looked at him. Hinawakan ko ang mukha niya. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang mukha niya. I don’t know if it’s because I’m cold or I’m just nervous because he’s so near.

Hinaplos ko ang pisngi niya na sinipa ko. I feel sorry for him. Baka mamaga iyon. Napasimangot ako na isiping ‘yon. Hindi naman siguro mababawasan ang kaguwapuhan niya, ‘di ba? I bet he will still look good even with a swollen cheek.

“Masakit ba?” I asked carefully. Ingat na ingat ako na hindi madiinan ang pisngi niya.

“Medyo.”

“Sorry.”

“Sorry? Dapat may ganti ‘yon ‘no!” Nanlaki ang mga mata ko nang ipinalibot niya ang mga braso niya saakin at hinila ako papalubog sa pool! Oh my gosh!

Nang makaahon kami ay narinig ko agad ang malakas niyang tawa. He is still holding my waist. Para bang wala siyang balak na pakawalan ito. Our laugh slowly faded. I just realized that we are too close that I can hear his heavy breathing. Samantalang ako naman ay hindi na napigilan ang malakas na pagkabog ng puso ko. It was too loud that I think that he can hear it already.

We are just inches apart when I saw him smiling. So I smiled too. Inggitera ako eh. Funny ka gurl?

Moments later, I just found myself walking to his car. He was holding my wrist while walking ahead of me. We realized that we’re too wet to go back to the party. Wala ring tuwalya sa may pool area kaya inaya niya ako sa kotse niya para kumuha ng tuwalya at extra shirt. Hindi na ako umalma kasi nilalamig na rin ako. Thanks to this guy, note the sarcasm please.

When we reached the parking lot, I saw him opened the white SUV. Ito na ata ang kotse niya. Binuksan niya ang back seat at may kinuha doong duffle bag. May mga laman itong mga damit at tuwalya. Wow, prepared.

“Here,” Inabutan niya ako ng puting tuwalya. Agad ko nang kinuha iyon ipinangpunas sa mahaba kong buhok, pati na rin sa katawan  ko. I am still covered with my clothes but I feel cold. Maybe because it’s almost midnight and I’m still wet from our unexpected swimming.

Ipinalibot ko ang tuwalya sa katawan ko para hindi na ako masyadong lamigin. Dala-dala ko rin ang ankle boots ko at ang pouch na dala ko na may lamang phone at wallet.

Agad akong tumalikod sakaniya nang makita kong hinubad niya ang t-shirt niya. I am attracted to him, that’s given. Pero wala akong intension na bosohan siya ‘no! Kahit ba half-naked lang ‘yan.

“Hey, um, is it okay kung pumasok muna ako sa sasakyan. Magpapalit lang ako and it’s a bit rude kung sa harap—”

“Sige na, sige na. ‘Di mo naman kailangang magpaalam.” Mabilis kong sabi. Natawa naman siya bago pumasok sa sasakyan niya. Tumalikod naman ako ro’n. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Pinapasakit talaga ng lalaking ‘to ang ulo ko. Magbibihis nalang, magpapaalam pa!

I looked at my foot. Ito ‘yong hinawakan niya kanina. Gulat na gulat ako no’n pero ‘di ko makagawang magalit kasi ang cute niya. O baka nagpapa-cute para mapatawag agad? Sus! 

Lumingon sa kotse nang marinig kong bumukas ito. Lumabas dito ang bagos bihis na Luthor. He’s wearing a black shorts, again, and a white plain shirt. Is it just me or he’s more handsome in that white plain shirt? I don’t know, maybe it’s just me. May hawak siyang itim na t-shirt, nahalata namang sakaniya, at iniabot iyon sa’kin.

Tinignan ko yung shirt sa kamay niya. What now?

“Here, wear that. You can change inside the car. ‘Wag kang mag-alala, tinted ‘yan.” Kumunot ang noo ko. He’s letting me wear his shirt? Seriously? I looked at him with questioning eyes.

“Just wear that. Masyado nang malamig.” Kinuha ko na ang shirt dahil totoo naman malamig na talaga. It’s already midnight at maya-maya lang ay mag-aaya nang umuwi sina Rafa at Adi. Ayoko namang sumakay sa kotse ni Rafa na basa ang damit. Kaya okay na ‘tong offer ni Luthor. Atleast my top is not wet, right?

“Sino ba kasing may kasalanan kung ba’t ako basa ngayon?” Umirap muna ako bago pumasok sa back seat ng kotse niya. I heard him laugh before closing the door.

Inilibot ko ang tingin ko sa kotse niya. Malinis ito at mabango. Mukhang maingat si Luthor sa kotse niya. Agad ko ring hinubad ang top ko. at pinalitan iyon ng shirt na bigay ni Luthor. Lalabahan ko nalang siguro ‘to at ibabalik sakainiya kapag nagkita kami ulit. Or should I contact him to return the shirt? Bahala na.

Lumabas ako sa sasakyan niya dala ang basa kong top. Bumasok ulit siya sa kotse niya at paglabas niya ay may dala na siyang parang plastic bag.

“Ilagay mo diyan ang basa mong damit.” Sumunod na lang ako. He’s doing me a favor so I must  do my part, right?

“Thanks.”

He just nodded. Sabay kaming naglakad papasok ulit sa bahay para hanapin sina Adi at Rafa. He was holding my pouch dahil pinahawak ko iyon sakaniya nang ilagay ko ang mga basa kong damit sa plastic bag. Hindi niya parin binabalik, well, kukunin ko nalang mamaya.

‘Di naman kami nahirapang hanapin sina Rafa dahil nasa may sala sila at naglalaro ng kung anong games. Nang makalapit kami ay agad akong nakita ni Adi. Her eyes widen at the sight of me. Nagtaka siguro sa ayos ko.

“Oh my gosh. What happened to your hair, Spica? At bakit basang-basa ka?” Adi asked. Agad namang dumalo saamin si Rafa. Hindi parin nila napapansin na may kasama ako. they were distracted dahil sa ayos ko. gulo-gulo ang buhok at basa ang skirt at may dalang boots sa kamay.

“Baka nadiligan.” Hagikhik ni Rafa. I just rolled my eyes. Ang babaeng ‘to talaga!

“Literal na dilig naman ata. Tignan mo oh, basang basa!” Adi was scanning my whole being and Rafa, being Rafa, teased me.

“Um, guys, I’m with someone.” Medyo gumilid ako para makita nila si Luthor na nasa likod ko at hawak-hawak yung pouch ko.

“Hi.” He greted.

“Ay, nadiligan nga.” Komento ni Adi that makes Luthor chuckle a bit. I let out a heavy sigh. Mapapahiya nanaman ba ko? Too much embarrassment can really kill my ego, you know.

“Hi, Luthor! Can you drop Spica to her condo? Medyo matatagalan pa kasi kami ni Adi rito eh. ‘Di ba Adi?” My eyes widen when Rafa said those words. Oh my gosh! There’s a smile on her face na para bang ipinagbibili niya ako! Sinamaan ko siya ng tingin pero mas lalo lang lumapad ang ngiti niya. I looked at Adi, seeking for help. Pero ang loka ay nginitian lang ako bago itinuon ang atensyon niya kay Luthor.

“Oo nga Luthor. Can you drop her to her condo? Tutal parang close naman kayo eh.” Medyo diniinan ni Adi ang word na close which made me roll my eyes! Mga traydor na kaibigan! Huhu!

I looked at Luthor. Nakikiusap ang mga mata ko na hindi siya pumayag. He looked at me, then my friends before looking at me again.

“Okay, I’ll drop her off.”

I will kill Adriana and Rafaela for this! Mga traydor!





---

Stolen by Dashboard Confessionals on the media section.




War in KatipunanWhere stories live. Discover now