Kabanata 34

2.6K 78 21
                                    


KABANATA 34.

Still the same.


INIWAS KO lalo ang tingin ko. Ramdam na ramdam ko ang awkwardness. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam no’n o sila rin. Hindi rin nawala ang titig saakin ni Luthor na lalong nagpakaba saakin. I don’t understand. Why the hell is he looking at me?!

Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang malakas na tawa ni Alonzo. Gulat akong napatingin sakaniya. How can he laugh when his dear friend is being troubled?!

“Nako doc, mag-asawa ka na! Mamamaalam ka na sa kalendaryo!” natatawa pang sabi ni Alonzo. Nakitawa rin si Luthor. Napaisip naman ako. If I’m going to count, he must be turning thirty one. Alonzo was right, mamamaalam na nga siya sa kalendaryo.

“Nawala sa isip ko eh. I was busy with work.” Luthor said with a ghost of smile on his face. Hindi rin nakatakas saakin ang pasimpleng pagsulyap niya saakin. Anong tinitignan mo, Luthor?

“Sus! Baka nga marami kang babae ro’n sa Amerika eh!” biglang tumalim ang tingin ko sa center table dahil sa sinabi ni Alonzo. Napakunot ang noo ko.

Nag-Amerika nga pala siya. Tama si Lonzo, American girls are more liberated than Filipina girls. Napairap ako sa hangin. Oo nga naman, living alone on the other nation is a bit lonely. Masayang maghanap ng kasama. Lalo na kong sexy’ng babae na blonde.

Lalong tumalim ang tingin ko sa center table dahil sa naisip ko. Just thinking about Luthor with other woman on another country made me want to brush off his face! Nanggigigil ako! At lalo pa akong nanggigil nang marinig ko ang halakhak ng magaling na si Luthor! Marahas kong tinignan si Luthor pero nakatingin lang siya kay Lonzo.

Amusement was visible on his face. He was grinning but he tried to hide it. He bit his lower lip to surpass the smile. Bahagyang nawala ang pagkakakunot ng nook o dahil doon. Damn that lips again!

“Tanga, wala akong babae. Trabaho ang ipinunta ko ro’n!” natatawang sigaw ni Luthor kay Alonzo. Tinukso-tukso naman siya ni Lonzo, hindi raw siya naniniwala. At hindi ako makapaniwalang sumangayon ako kay Alonzo! Sino pa naman kasi ang maniniwala kay Luthor?

Trabaho my ass. Baka iba ang trinabaho mo roon!

“Buti nalang ako, nasa trabaho lang ang babae ko.” nakangising sambit ni Alonzo at tumingin saakin. Natawa naman ako sakaniya. Kadiri, okay.

He’s used to do this too with our other male clients. Kapag nagkakasama kami ni Alonzo sa isang trabaho at single na lalaki ang kliyente  ay magbibigay siya ng hints na mag-jowa kami (kahit hindi naman) para lang ‘wag akong pormahan nung kliyente. Pero hindi ko alam na pati si Luthor ay gaganunin niya rin. Ano bang trip ng lalaking ‘to?

Duh, Architect Alonzo Guzman is a good catch. A Cum Laude from UST Architecture, a former soccer team captain, a licensed architect and a very good friend. Who wouldn’t want someone like Alonzo? Probably me. Ilang taon na kaming magka-trabaho pero hindi ko talaga siya type. I mean, he’s good looking at mabait rin with a great sense of humor. But it’s a no-no for me.

He’s a good friend to me. And we’re like siblings, ‘no! At alam kong ganoon rin ang turing niya saakin. It’s just that, hindi maiiwasan ang mga mapagsamantalang kliyente kaya niya ‘yon ginagawa. I don’t know if it’s applicable to Luthor though.

“Ang bantot mo, Lonzo.” Bulong ko sakaniya. Humalakhak naman siya ulit. Nailing kong inalis ang tingin ko sakaniya.

I was surprised to meet Luthor’s eyes. The playfulness and amusement that I saw in his eyes a while ago was all gone now. Mariing nakatingin saakin ang mapanuring mata ni Luthor. Agad ring nabura ang ngiti ko nang magtagpo ang mga mata naming. Ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. oh my gosh!

War in KatipunanWhere stories live. Discover now