Daniela's Escort: One

2.1K 42 15
                                    

"ANO?" sigaw ni Daniela sa isang empleyado nya.

"Ma'am uuli-" hindi na nya pinatapos magsalita ang empleyadong yun at binato sa harap nito ang mga papel na punong puno ng drafts.

"WAG NA!" napahawak na si Daniela sa sentido nya dahil sa irita sa empleyadong iyon.

Pinulot na lang ng empleyado ang mga tinapon ni Daniela. Halos mangiyak ngiyak ito. Pinagpaguran nya kasi ang mga iyon at hindi inaasahan na hindi ito magugustuhan ni Daniela.

Tumayo ito at tumingin kay Daniela.

"Ma'am, sorry po." titig lang din ang inilaban ni Daniela.

"Get out of my office." mahinahong sabi ni Daniela tsaka may kinuhang folder sa gilid ng table nya.

"Ma'am" nanginginig na ang boses ng empleyado, alam nya na kasi kung anong mangyayari sa kanya pagkatapos nito.

"Lalabas ka? o lalabas ka?" patuloy lang sa pagpirma si Daniela.

Tumutulo lang ang luha ng empleyado at nananatiling nakatayo sa harap nya.

"YOU'RE FIRED." sigaw ni Daniela. Napuno na sya ng husto dahil sa hindi pagsunod ng empleyado. Eto yung ayaw na ayaw nya eh, yung kinakalaban kung ano man ang sinasabi nya.

Basang basa na ang mga papel na hawak ng empleyadong yon dahil sa mga bumabagsak na luha non.

"Eto na lang po ang meron ako Ma'am, parang awa nyo na po. Wag nyo po ako sesantihin. Kailangan ko po ang trabahong ito." nakayukong sabi ng empleyado.

Tumayo lang si Daniela at kumuha ng stick ng sigarilyo. Humarap sya sa malaking salamin sa kanyang opisina. Tanaw rito ang buong Makati.

Pagbuga nya ng usok ay huminga sya ng malalim.

"Kasalanan ko ba kung basura yang gawa mo?" pabulong nyang sabi habang nakatingin pa din sa malaking salamin.

Napapairap na lang sya habang patuloy na bumubulong.

"Hindi ko naman siguro kasalanan kung pinaghirapan mo yan at hindi ko nagustuhan, para san pa't pinakita mo sakin yan tapos hindi mo tatanggapin ang sinabi ko."

Pagtalikod nya ay nakatingin na sa kanya ang empleyado.

"Bakit ba ang yabang yabang mo?" pabalang na sagot nito. Tinitigan lang sya ni Daniela.

"Baka nakakalimutan mong nasa kumpanya kita?"

"Mayaman ka nga pero ubod ka ng yabang. Ano bang pinagmamalaki mo? Itong kumpanya mo?"

"Hahahahaha." sarkastik na tawa ni Daniela at itinapon na ang sigarilyo sa garbage bin nya.

Lumapit sya sa empleyado at tiningnan ito mula ulo hanggang paa.

"Eh, ikaw? Anong pinagmamalaki mo?" sabay ngiwi sa empleyado.

Tumalikod na si Daniela sa kanya at bumalik sa upuan.

Nagdial ito ng mga numero sa telepono.

"Nicole, paki-tawag naman ang guards. Pakisabi may tao akong ipapakaladkad palabas ng opisina ko."

Binaba nya na yun at saka kinuha ang bag nya sa gilid na upuan. Binuksan nya ang wallet doon saka kinuha ang lamang cash non. Binilang ni Daniela iyon at umabot ito ng P37,000. Tumayo na sya ulit at iniabot sa empleyado ang lahat ng perang yun.

"Oh ayan, sobra pa yan sa huling sahod mo. Lumabas ka na at ayaw na kitang makita dito. Wala ka pang isang taon dito pero grabe ka na umattitude. Tsaka ka na magmasama ng ugali pag maayos ka ng gumawa ng reports. Now, leave!!!" sigaw nya at tuluyan ng lumabas ng opisina nya ang empleyado.

Daniela's EscortWhere stories live. Discover now