Daniela's Escort: Seven

914 39 16
                                    

Daniela's POV

Napatingin ako sa table ko kung saan ko iniwan ang iba sa mga trabaho ko.

"Who give you the rights to touch my things?" bulong ko sa kanya.

"Nilinis lang namin, pero wag kang mag aalala hindi ko ginalaw yan. Inayos ko lang."

"Alam mo bang mas naguguluhan ako pag maayos. Kabisado ko na lahat kung san nakalagay e." irita kong sabi.

Napatingin naman ako kay Bea na nililinis ang cabinet sa ilalim ng TV ko.

Nako, kung wala lang talaga dito si Bea ay napalayas ko na 'tong lalaking 'to.

"Bea, come here. Anong gusto mo for lunch?" tanong ko sa kanya.

"Ininit na po namin ni Kuya yung tira po natin kagabi. Madami pa po kasi eh." bigla ko namang binaling ang tingin ko sa lamesa. Naka-prepare na nga don ang lahat.

Pagkatapos nila maglinis ay sabay sabay na kaming kumain. Kitang kita ko kay Ken kung paano nya asikasuhin ang kapatid nya. Mukang mahal na mahal nya talaga ito.

"Ate Crush, mamaya po uuwi na kami ha. Maraming salamat po talaga." napangiti naman ako sa sinabi ni Bea.

"You're welcome" nakangiting sagot ko rin.

Pagkatapos namin kumain ay nilinis na ni Ken lahat. Hindi naman kasi ako kasing sipag nya pagdating sa ganung bagay.

Inilibot ko ang mga mata ko sa condo ko. Grabe, napakalinis na talaga. 

Makalipas ang isang oras ay kinailangan ng umalis nila Bea.

Nandito na kami sa pinto ko ng muling yumakap si Bea.

"Ate crush, thank you kay Choy." Choy? Bakit choy?

"Bakit Choy?"

"Ay hehehe. Kilala nyo pa ba si Ate Rita at Kuya Ken? Yun po kasi tawag nila sa isa't isa. Chow at Choy. Sabi ko po kasi pag nagkaron ako ng aso, ipapangalan ko po ay Chow at Choy. Pero dito na lang po sa bigay nyo ni Kuya."

"Sino si Ate Rita? "

"Rita Iringan po."

"Oh, the artist."

"Kilala nyo po sya?"

"Yeah, nakasama ko na sya sa isang launch."

"Launch" sabi ni Bea habang umiirap pa. Pinisil ko naman ang pisngi nya, napaka cute ng pag gaya nya sakin.

"Sige na Bea, I will see you soon ha?" sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok nya.

Nagulat naman ako ng ikiss nya ko sa pisngi at itinapat ang pisngi nya sakin.

Binigyan ko naman sya ng madiing kiss. Nakakagigil.

Bigla naman syang tumingin sa kuya nya. Ngumiti naman ito at kinuha na ang kamay ni Bea.

"Maraming salamat Ma'am." Tumango na ko at saka sinundan sila ng tingin habang papalabas ng pintuan ko.

Pagsara ko nun ay nag asikaso na din ako. Uuwi ako sa bahay ko dahil may mga trabaho pa kong kailangang tapusin.

---

Monday.

Dalawang linggo na simula nung nilinis itong condo ko. Mukang nabalik ko na naman sa dating itsura nito.

Inilagay ko ang lapis sa gilid ng tenga ko. Isang design na naman ang natapos ko. Nakakagalak na naman ng puso.

Pagtingin ko sa orasan ko ay 6:30 na ng umaga. Hindi na naman pala ko natulog. Ganto talaga ko eh, lalo na pag nasimulan ko ng magkaron ng design sa isip ko.

Daniela's EscortWhere stories live. Discover now