Daniela's Escort: Three

867 41 4
                                    

Daniela's POV

Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa labas. Pagtingin ko sa oras ay alas dyis na pala ng umaga.

Sabado naman ngayon kaya wala akong pasok sa opisina pero pupunta ako dun mamayang gabi para tapusin parin ang mga reports na kailangang tapusin.

Nag-iisip ako ng gagawin ngayon. Pagtingin ko sa paligid ay napaka-kalat na ng condo ko. Wala naman ako sa mood maglinis kaya hinayaan ko na.

Paglabas ko ng kwarto ay may nakita akong isang garapon. Binasa ko ito. "Stick-O"

Malamang sa malamang ay galing to sa kanya. Sa tuwing may session kami ay lagi syang nag iiwan ng kung anong pambatang pagkain. Hindi naman ako bata.

Sa totoo lang ay lahat ng binibili nya ay nilalagay ko lang sa itaas kong cabinet sa kusina. Bakante yun kaya dun ko naisipang itambak ang mga binibigay nya.

Kung makikita itong cabinet ko ng kung sino ay iisipin na may maliit na bata akong kasama dito.

Napatingin naman ako sa kwarto ko ng makarinig ng tawag.

"Good morning po Ma'am. Sinisante nyo po pala si Aira kahapon?" sabi nya.

"Tumawag ka para tanungin lang yan?" wala sa mood kong balik sa kanya.

"Maghahanap na po ba kami?"

"Tinatanong pa ba yan? And please. Take note of this. Ayoko ng tatanga tanga ha? Make sure that she has her 100 sketch ng heels at siguraduhin na sya ang gumawa nun."

"Para san po ulit yung 100 sketch ma'am?" tanong nya na para bang sinusulat ang bawat sinasabi ko.

"For me to know how will she sketch her heels. Ayoko ng taong walang pagmamahal sa sapatos. Kasi kahit kailan hindi nila ko makakasundo at makakaintindihan."

"Ok ma'am, thank you po. Have a great day ahead."

Binaba ko na ang phone at hindi na sya pinatapos. Ang aga aga nyang tumawag para lang tanungin ang bagay na yun, tss walang kwenta.

Parang gusto kong mag mall ngayon. Tama, mamimili na lang ako.

Nag ayos na ko saka humarap sa salamin.

I am wearing my off shoulder polo with one sided strap, long red skirt with one sided cut and my fave otg heels. My tanned heels, it is also a platform with 5 inches tall heels and 2 inches tip-toe edge.

I sprayed my fave Chanel perfume, put on my shades, and that's it.

Pagpasok ko sa mall ay agad akong dumiretso sa mga paborito kong clothing line.

Hindi ko na sinusukat ang mga ito. If I want it, I'll get it. Madami namang clothing line ang nag ssponsor sakin ng damit. Pag may mga bagong labas sila ay sakin sila unang nagpapadala. Syempre to promote. Duh, business.

Pero iba pa rin kasi sa pakiramdam pag ikaw bumibili ng sarili mong damit. It is somehow relaxing.

---

Ken's POV

"Bea, ano naaaa? Mag tatanghaling tapat na. Mainit na."
sigaw ko kay Bea dahil nananatili sya sa salamin. Suklay pa din ng suklay.

"Kuya naman nagmamadali, wait lang. Excited ka ghoRL?" bigla naman akong napatingin sa kanya sa sinabi nya.

"Anong sabi mo? San mo natututunan yan?" tanong ko sa kanya dahilan para humarap sya sakin habang hawak pa din ang suklay nya.

"Sa school kuya, duh." sabi nya sakin habang umiirap pa. Bumalik sya sa salamin at pinagpatuloy ang pag susuklay sa dalawang tali nyang nakataas. Jusko, sumasakit ulo ko sa batang 'to.

Daniela's EscortWhere stories live. Discover now