Daniela's Escort: Eleven

1.1K 48 29
                                    

Daniela's POV

Dahan dahan ko syang ipinasok sa bahay ko. Ano ba kasing ginagawa ng lalaking to. Dito pa sa bahay ko naisipang pumunta.

Ihiniga ko sya sa sofa ko, hirap na hirap akong dalhin sya dito. Feeling ata nito may abs sya para magpabuhat pa sakin.

Oo, alam kong wala syang abs. Kabisado ko na din ang katawan nitong lalaking to eh.

Pagkalapag ko sa kanya ay inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Amoy na amoy ko ang aroma ng alak.

Bakit kaya nag inom 'to? Kanina lang ay ok na ok kami ah. Kumuha na muna ko ng tubig sa freezer ko at saka ibinalot ang isang towel dun. Ipinunas ko yun sa mukha nya.

Pinagmasdan ko ang mukha nya habang pinupunasan ko ito.

Gwapo naman pala tong lalaking 'to eh. Matalino. Maalaga sa kapatid. I wonder bakit wala pa rin syang girlfriend ngayon.

Well, kasama naman kasi sa pinag usapan namin yun. Ititigil lang namin ang sessions once na may girlfriend na sya. Ayokong makihati sa ibang babae no.

Isa pa, pag umayaw na ko. Hindi naman habambuhay ay maghahanap ako ng tutugon sa init ng katawan ko eh.

Naramdaman ko na naman ang bigat ng mata ko. Istorbo kasi tong lalaking 'to eh.

---

Ken's POV

Nagising ako ng maramdaman kong may tumutulong tubig sa braso ko. Nagulat naman ako ng makitang nakaupo si Daniela sa lapag at nakahiga sa may bandang braso ko. Mukang tulog ito. Inikot ko naman ang mata ko at hinanap ang orasan.

Mag aalas dos na ng madaling araw.

Kinabahan naman ako ng maalala ko yung nangyari kanina bago ko tuluyang makatulog.

Inayos ko ang hibla ng mga buhok nya. Naramdaman nya naman iyon kaya inangat nya ang kanyang ulo.

"Oh, gising ka na pala." dahan dahan syang tumayo.
Hinawakan ko naman ang kamay nya at saka umupo.

"Bakit?" tanong nya sakin kasabay ng pagbawi nya sa kamay nya.

"May sasabihin sana ko sayo." seryosong tumitig lang sya sakin. Kinabahan naman ako. May kung anong mabilis na tumitibok sa dibdib ko.

She crossed her arms.

"Bakit ba pumunta ka dito? Hindi naman ako nagtext ah." Trabaho, trabaho na lang ba lahat Daniela?

Kahit papano ay umaasa kong may nararamdaman sya sakin kahit kaunti. Hindi naman masamang umasa eh. Pero dapat handa kang masaktan pag umasa ka.

Tumayo ako at hinawakan sya sa mukha.

Kitang kita ko ang mga mata nyang punong puno ng pagtataka. Napatingin ako sa labi nya. Ganun din sya sa labi ko.

Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha nya.

May kung anong saya sa puso ko ng hindi nya ko pigilan sa paglapit ko sa mukha nya.

Hinalikan ko sya sa labi. Inuna ko ang ibabang parte noon at saka sinakop na din ang itaas na parte nito. Hinihintay ko syang tumugon pero mukang matatagalan pa bago ko sya mapatugon.

Hinawakan ko ang bewang nya at saka inilapit sa katawan ko. Sinimulan ko ng hawakan sya sa leeg. Inilagay ko na din ang nga kamay nya sa leeg ko.

Bigla syang lumayo sakin.

"Anong ginagawa mo?" tanong nya sakin. Dahilan iyon para tumulo ang luha ko sa kaliwang mata ko. Napatitig lang ako sa kanya. Hawak hawak nya ang labi nya.

Daniela's EscortWo Geschichten leben. Entdecke jetzt