Daniela's Escort: Twelve

875 40 8
                                    

Bea's POV

"Kuya, nandito ba yung secret box ko?" tanong ko kay Kuya habang patuloy syang nagliligpit ng mga gamit namin.

Inaayos na kasi nya ang mga gamit namin at inilalagay na sa tamang pwesto. Nandito na kami sa bagong bahay namin. Isang taon din itong ginawa. Alam kong masayang masaya si Kuya dahil sa wakas ay may sarili na kaming bahay, hindi na namin kailangan magbayad buwan buwan sa inuupahan namin dati.

Inabot nya naman sakin ang secret box ko.

"Salamat Kuya." nakangiting sabi ko sa kanya tsaka tumungo sa kwarto ko.

Umupo ako sa sahig at saka inayos ang mga iba ko pang gamit.

Sa totoo lang ay ayoko ng may sarili akong kwarto, pakiramdam ko kasi ay ang layo layo ko kay kuya.

Nasanay kasi akong kami lagi ang magkatabi lalo na pag matutulog. Pero sabi naman ni Kuya, pwede parin ako matulog sa kwarto nya kung kailan ko gusto.

Sabi nya din kasi ay lumalaki na ko, kaya dapat ay may sarili na kong kwarto.

Pag angat ko ng isang kahon ko, dun ko nakita si Chow at Choy. Medyo marumi na din sila. Kinuha ko silang dalawa at saka tinitigan.

Apat na taon na din silang nasakin. Pero yung nagbigay kay Choy, hindi ko na ulit nakita.

Yung araw na sinamahan namin sya ni Kuya mag grocery ay ang araw din na huling beses ko syang nakita.

Yung gabi din na yon narinig ko si Kuyang umiiyak pag uwi nya. Hanggang sa tumabi sya sakin ay rinig ko ang mahinang pag iyak nya.

Nagtataka pa ko nun kung bakit sya umiiyak dahil wala naman akong kaalam alam noon.

Ilang beses kong pinilit si Kuya na puntahan namin si Ate Crush pero paulit ulit nya ding sinabi sakin na hindi ko na pwedeng makita si Ate Crush.

Nung mga panahong yon ay nararamdaman ko din na wala ng sigla si Kuya. Kahit ngumingiti sya, kahit tumatawa sya, makikita mo mismo sa mga mata nya na hindi sya masaya.

Akala ko ako lang ang nasasaktan nung panahong yun, pero bakit pati si Kuya? Yan ang mga tanong na paunti unti kong nasasagot habang lumilipas ang panahon.

Umabot nga sa pagkakataon na pati mga ginupit kong larawan ni Ate Crush ay pinatanggal nya. Pinagbawalan nya na din akong magbasa ng mga magazines.

Para din naman daw sakin yon, kailangan ko daw makalimutan si Ate Crush.

Umabot na kasi sa punto na na-ospital na ko dahil sa kakaiyak. Pinilit ko kasing makita si Ate Crush noon, pero hindi talaga pumapayag si Kuya kaya ako nalang ang mag isang umalis.

Naligaw ako, bawat hakbang na ginagawa ko noon ay tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko kasi maintindihan nung anong nangyayari, bakit biglang hindi ko na sya pwedeng makita. Bakit nagkakaganito si Kuya? Madami akong tanong nung mga panahong yun. Madami akong hindi naiintindihan.

Hanggang sa umulan, hindi ko na din alam pabalik sa bahay. Buti nalang nahanap ako ni Kuya.

Pagyakap sakin ni Kuya noon, umiyak na ko ng umiyak hanggang sa nawalan na daw ako ng malay. Paggising ko nalang, umiiyak si Kuya sakin. Nasa ospital na kami at madaming nakatusok saking kung ano ano.

Nagmaakawa sya sakin na wag na wag ko na ulit hahanapin si Ate Crush. Simula noon ay hindi ko na pinilit pa, ayoko na kasing masaktan pa si Kuya.

Higit na mas importante sya sakin.

Kaso nahirapan talaga kong kalimutan si Ate Crush.
Hanggang ngayon nga ay naaalala ko pa din sya.

Minahal ko din kasi talaga si Ate Crush, at sa paglaon ng panahon, napatunayan ko din na minahal din sya ni Kuya.

Daniela's EscortWhere stories live. Discover now