Daniela's Escort: Ten

913 42 12
                                    

Ken's POV

"Baliw, hindi." bigla naman syang sumimangot ng sabihin ko iyon.

Lumapit na sya sa table ni Daniela.

"Ma'am, tumawag po si Sir Ivan kanina. 8pm daw po mamaya."

Sinong Sir Ivan? Ka-meeting siguro.

"Masyado naman ata syang nagmamadali." bulong ni Daniela.

"Ite-text nya nalang daw po kung san kayo mag de-date mamaya."

DATE? May dine-date na si Daniela?

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Billie. Kung totoo nga na may dine-date na si Daniela ay malamang mawawalan na ko ng role sa buhay nya.

Mawawalan na ko ng papel sa buhay nya. Scratch paper na nga lang, mukang matatapon pa.

"Sige na, alis na." rinig kong sabi ni Daniela.

"Uy, fishball tayo mamaya. Dun ulit." tumango nalang ako sa sinabi ni Billie pagdaan nya sakin.

"---alright." napabaling ang tingin ko kay Daniela.

Lumapit naman sakin si Bea at umupo na sa couch.

"Hintayin nalang natin si Ate Crush kuya, magpapasama sya sa grocery." Grocery? Sabagay wala nga kasing kalaman laman ang refrigerator at cabinet nya.

"May tatapusin lang ako." rinig kong sabi ni Daniela at tumutok na sa trabaho.

Eto yung isa sa mga nagustuhan ko sa kanya eh. Focus sa mga goals nya sa buhay.

---

Makalipas ang isang oras. Lumapit na si Daniela kay Bea at mahinang tinapik ang braso ni Bea.

Nakatulog na kasi si Bea. Nakahiga na ito sa mga hita ko.

"Bea, let's go na." nakangiting sabi nya.

Tumayo naman agad si Bea at inayos ang buhok nya. Kumapit sya sa kamay ni Daniela at lumabas na sa pintuan.

Sumunod lang ako sa kanila.
Paglabas namin ay halos lahat ng mata ng empleyado nya ay nakatingin samin.

Pero wala pa ring pake si Daniela. As usual.

Bawat daanan namin ay sadyang napapatingin sa amin.

Ganto ba talaga kataas tao para sa kanila si Daniela? Sabagay, pati rin naman sakin eh.

---

Pagpasok namin sa grocery store ay kumuha sya ng isang cart. Pinakuha nya din ako ng cart. Para daw ito kay Bea.

Nagsimula na syang mamili ng mga pagkain nya.

Kumuha sya ng dalawang malaking powdered milk at inilagay yun sa cart na tinutulak ko.

"It's for Bea." bulong nya sakin ng hindi tumitingin.

Nakakapit lang si Bea sa damit nya. Hindi naman nagtuturo si Bea pero panay ang lagay nya sa cart na tinutulak ko.

Sari saring tinapay ang nilagay nya doon, even baby shampoos and colognes.

Tuwang tuwa naman si Bea dahil kahit anong pigil nya kay Daniela ay hindi ito nakikinig sa kanya.

"Ate crush, ok na po yun."

"Bea, ate crush loves you kaya gusto kong bilhan ka nung mga yon. It's just a food."

Napayuko naman ako ng marinig ko 'yon. Ngayon lang kasi magkakaron si Bea ng mga bagay na ganun kamamahal.

Nasanay kasi si Bea na bibili lang kami pag naubos na. Hindi kasi kami nasanay na may ekstra.

Daniela's EscortWhere stories live. Discover now