Daniela's Escort: Thirteen

908 43 17
                                    

Ken's POV

"Kuyaaaaa, kakain naaaa." narinig kong tawag ni Bea sakin. Bumaba naman ako ng hagdan at dun ko nakitang nakahanda na ang dinner naming dalawa.

"Wowwww, ikaw lahat gumawa nito bunso?" tanong ko sa kanya. Tumango naman sya habang nilalagyan ng tubig ang isang baso.

"Pasensya na Kuya ha? Yan lang kaya kong lutuin eh." patungkol nya sa hotdog at itlog na nakahain ngayon.

"Nako, sobra sobra na nga ito eh. Pasensya ka na ha. Napasarap ako sa tulog. Madami kasi akong dineliver kanina. Isa pa, namiss ko din 'to." sabi ko sabay upo na. Umupo naman na din sya.

Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang hindi sya tanungin. Napapansin ko kasing tahimik sya simula nung lumipat kami dito.

"Bea, may problema ba?" diretso kong tanong sa kanya.

"Kuya, kasi namimiss ko na si Lola Baby." kita ko sa mukha nya ang lungkot.

"Oo nga eh, ako din. Hayaan mo, bibisitahin natin si Lola bukas. Ok ba yun?"

Nakita ko namang ngumiti sya ng napakalawak. Miss na miss nya na nga siguro si Lola.

"Kamusta yung school Bea?"

"Ayos naman po Kuya, madami kaming ginawa kanina. Pero napagod ako, kasi pinagtanim kami sa likod ng room namin. Hahahaha." natutuwa naman ako na tumatawa na ulit sya. Kung alam ko lang na namimiss nya na si Lola Baby edi sana humanap ako ng oras para mapuntahan namin si Lola.

---

7pm.

"Kuya kailangan ko ng illustration board bukas." sabi nya sakin. Napangiti naman ako bigla. Masigla na naman kasi itong bumaba galing sa kwarto nya.

"O sige, lalabas din kasi ako. Mag go-grocery ako, tiyak na wala na naman akong oras bukas eh. Yun lang ba kailangan mo?"

"Stick O kuya, hehehe." sabi nya sakin at bigla nalang humalik sa pisngi ko.

"Dapat pagdating ko tulog ka na ha?" tumango naman sya at umakyat na ulit sa kwarto nya.

Lumabas na ko at sumakay sa kotse.
Habang nagmamaneho ay inaalala ko kung ano yung mga kulang sa bahay.

Pagdating ko dun ay kumuha kaagad ako ng cart.

Una kong kinuha ang paboritong gatas ni Bea. Pinapainom ko pa rin kasi sya ng gatas hanggang ngayon.

Pagkalagay ko ng gatas na yun sa cart ko ay may naalala na naman ako.

Kaya kasi paborito pa rin ni Bea ang gatas na ito dahil ito yung binili sa kanya ni Daniela, 4 years ago.

Kahit hindi na binabanggit ni Bea sakin ang pangalan nya ay alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin sya sa nangyari.

Sa biglaang pagbabawal ko sa kanya. Sa biglaang pagpigil ko sa kanya.

Kung ako ngang alam ko ang nangyari ay sobrang nasaktan, sya pa kaya na hindi alam kung anong nangyari.

Umiling nalang ako at saka nagpatuloy sa pamimili.

Nakakuha na din ako ng illustration board na kailangan ni Bea bukas.

Teka, may nakalimutan ako.

Stick-O!!!

Hindi parin kasi nagbabago ang paborito ni Bea. Gustong gusto nyang may ekstra syang Stick O sa kwarto nya.

Pagpunta ko sa shelf kung nasan ang stick O ay kumuha na ko ng apat na garapon. Habang nilalagay ko yun sa cart ko ay may isang babae ding kumuha ng Stick O.

Daniela's EscortWhere stories live. Discover now